00:00Personal na inalam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung maayos na naipatutupad ang Bayadna Bilmo Program sa East Avenue Medical Center.
00:09Gusto ng Pangulong na matiyak na hindi pahirapan ang pag-avail ng programa sa mga nangangailangan.
00:15Si Kenneth Paciente sa detalye.
00:19Mga bali sa katawan ang pinsala na natamo ni John matapos maaksidente nitong Hunyo.
00:25Sa halos dalawang buwan niyang pananatili sa ospital para magpagamot, lumobo sa mahigit kalahating milyon ang kanyang hospital bill.
00:33Kaya bukod sa pagpapagaling, problema rin niya kung saan siya huhugot ng pagpapagamot.
00:37Ando na po ako sa point na iniisip ko lagi gabi-gabi. Habang andito ako sa ospital, paano babayaran? Saan ko po kukunin niyo?
00:46Pero ngayon, pagpapagaling na lang ang iintindihin ni John dahil sa zero balance billing policy ng pamahalaan.
00:52Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa East Avenue Medical Center para tingnan kung maayos ang pagpapatupad ng bayad na bil mo program.
01:01Gusto niyang masiguro na hindi pahirapan ang pag-avail ng mga nangangailangan.
01:04Ito yung patuloy natin pag-inspeksyon at pag-siguro na yung ating programa na zero billing ay unang-una na nagagampanan ng lahat ng mga ating mga ospital, ating mga staff, ating mga doktor, ating mga nurse,
01:24lahat ng ating medical services ay naunawaan kung ano ba yung programa at kung paano makapag-avail ang mga pasyente.
01:33Maganda naman daw ang itinatakbo ng programa ng pamahalaan na zero balance billing sa mga public hospital.
01:38Kailangan lang daw ng kampanya para mas malaman pa ng publiko.
01:41So I'm happy to be able to report that the zero billing program is proceeding well.
01:47Mabuti naman at malaking bagay dyan. Kaya ikalat ninyo ito, word of mouth.
01:52Kasi yung mga ibang pasyente siya, ah wala kayong binabayad, maa meron palang ganyan.
01:58So ikalat natin, palaman natin sa lahat ng tao para hindi na sila nagdadalawang isip na magpatingin, magpagamot, at magpagaling.
02:06Ang zero balance bill ay mandato ng universal healthcare law.
02:10Ang PhilHealth ang sasagot sa gastos sa mga pasyente na kakonfine sa public hospitals at nananatili sa basic accommodation.
02:18Kabilang na ang room charges, doctor's fee at iba pa.
02:21Kasama sa makikinabang si John sa zero balance billing policy.
02:24Noong nalaman namin yung about po doon sa zero balance billing po, doon po nawala yung parang ano ko, yung parang bagabag.
02:43Kung baga, yung bagabag. Napalitan po ng saya.
02:48Laking pasalamat din ang kanyang ina na si Hilda, dahil tila nabunutan siya ng tinik ng mabura ang kanilang bill.
02:54There's some joy po, kasi syempre eh, kaiisip mo po kung saan ka kukuha ng ibabayad, tapos ganito, magiging zero bill siya.
03:04Yun po, talagang napakasaya po talaga namin.
03:07Nito lang Hulyo matapos ang zona ng Pangulo, umabot na sa mahigit dalawang libong pasyente mula sa basic accommodation
03:13ang na-discharge na walang binayaran sa East Avenue Medical Center.
03:17Lahat yan ay covered ng zero balance billing na nasa mahigit 200 million pesos na hospital bill.
03:24Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.