Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay National Anti-Poverty Commission Lead Convenor, Sec. Lope Santos III ukol sa tungkulin at layunin ng NAPC bilang bahagi ng social development committee ng economic development council

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tungkulin at layunin ng NAPSI bilang bahagi ng Social Development Committee ng Economy and Development Council,
00:07ating tatalakayin kasama si Secretary Lopez Santos III, ang Lead Convener ng National Anti-Poverty Commission.
00:13Secretary, magandang tanghali po.
00:15Yeah, magandang tanghali, Sekya Joey, Sekweng, Yusek Marz.
00:21Nandito na naman tayo upang magbahagi ng ating mga ginagawa sa National Anti-Poverty Commission.
00:27Sek, una po sa lahat, ano po yung partikular na papel ng NAPSI sa loob ng Social Development Committee ng Economy and Development Council
00:36at bakit mahalagang maging bahagi ang NAPSI nito?
00:40Ang mandato ng Social Development Committee ay magbalangkas at magpatupad ng mga patakaran at programa
00:47para sa social development at social services ng ating gobyerno.
00:52At ito ay patungkol din sa edukasyon, kalusugan at trabaho, kasama na rin dito ang ating mga migrant workers.
01:03At napakahalaga ng NAPSI sapagkat ganito rin yung mandato ng NAPSI doon sa ating pagsusulong ng poverty alleviation at Magna Carta of the Poor.
01:14Kaya importante na ang National Anti-Poverty Commission ay bahagi ng NAPSI.
01:19Nagpapasalamat tayo sa ating Pangulo at doon sa reorganisasyon ng SDC ay muli niyang isinama ang National Anti-Poverty Commission.
01:27Sek, ano naman po yung mga pangunahing prioridad ng NAPSI sa ilalim nitong Social Development Committee
01:33upang maisulong ang social development programs para sa mga pinakamahihirap na sektor?
01:38Ang pangunahing layunin ng NAPSI dito ay una ipatupad yung mandato ng NAPSI na meron tayong National Anti-Poverty Action Agenda
01:47at ito ay dapat tumutugon o kasama doon sa social development agenda rin ng ating pamahalaan
01:55at gusto rin natin na naririnig ang boses ng mga batayang sektor dito sa talakayan ng mga issues, mga programa at proyekto, servisyo
02:06at ganyan din yung involvement ng ating mga local government units para sa localization naman nitong mga issues, concerns, agenda
02:18na itinutulak sa ilalim ng Social Development Committee.
02:22Sek, paano po ba nakikipag-ugnayan ang NAPSI sa iba pang miyembro ng Social Development Committee tulad po ng DAR at TESTA
02:29upang matiyak na ang mga policy at programa sa ilalim po ng SDC ay tunay na nakakatugon sa pangangailangan ng marginalized sectors?
02:38Alam niyo yung SDC ay regular nagmi-meeting at the cabinet level at sa technical level.
02:47Doon sa technical level ay nakakasama yung ating mga batayang sektor.
02:52At doon mismo sa National Anti-Poverty Commission, meron tayong mga institutional arrangement,
03:01nagpupulong yung technical action officer at technical working group,
03:06at merong mga institutional partnership pa tayo.
03:08Halimbawa, yung NAPSI sekretaryat ay merong memorandum agreement with TESTA
03:14para sa capacity building ng ating mga batayang sektor.
03:17Yung DAR naman ay merong regular na dialogo sa ating farmer sector.
03:22Ganun yung DA, yung NCIP, yung IP, yung DOH ay meron ding directang usapan, including DSWD.
03:30Meron ding memorandum of agreement sa women's sector.
03:34Yung DOLE, meron ding memorandum of agreement with our workers in the informal sector
03:38and formal labor and migrant workers.
03:41So, ilalaman yan, pero halos lahat ng ating mga batayang sektor
03:44ay nagkakaroon ng institutional partnership para sa pagpapatupad ng ating mga programa.
03:50Sek, pwede niyo po ba kami bigyan ng programa o polusiya na sinusulong po ng NAPSI sa SDC
03:58na may direktang epekto po sa kalusugan, sa edukasyon, at pati sa kabuhayan ng ating mga kababayang mahirap?
04:07Ito yung ipinapatupad natin sa NAPSI, yung nilikom natin na National Poverty Reduction Program.
04:14Ang NAPSI member agencies ay maraming ipinapatupad.
04:17Pero doon sa National Anti-Poverty Action Agenda natin, nakalatag na itong mga agenda natin
04:23na itinutulak sa Kongreso kasama dito.
04:26Halimbawa, yung National Land Use Act, yung Magna Carta of Children, Magna Carta of Young Farmers, at marami pang iba.
04:36At doon sa mga programa naman natin na iminomonitor as part ng ating program monitoring,
04:42ay tinitchak natin na yung edukasyon nandyan at ito yung itinutulak.
04:48Yung Magna Carta of the Poor natin, mayroon five fundamental rights yan.
04:52At kagaya nung lagi kong sinasabi, meron tayong mga champion agencies, yung education,
04:57nandyan yung mga DepEd, TESDA, tsaka CHED, yung Kalusugan, yung Department of Health,
05:07yung trabaho ay nasa ilalim ng Department of Labor Employment, and of course yung housing sa DISUD.
05:14At yung pagkain o adequate food ay nasa Department of Agriculture.
05:18So, magkakasama yung NAPSI at sila din ay mga pawang kasapi ng Social Development Committee.
05:24Sirk, paano rin po tinitiyak ng NAPSI na yung boses ng basic sector,
05:29tulad ng mga magsasaka, mangingisda, urban poor, mga kababaihan, at pati kabataan,
05:34ay naisasama sa mga desisyon ng SDC?
05:37The NAPSI Secretariat, when we attend the Social Development Committee Cabinet Cluster,
05:45We represent the voices of the basic sectors.
05:49At kagaya ko nang sinabi ko na, at the technical level, ay napapakinggan ito.
05:55At another institutional mechanism, ay natutuwa tayo dahil yung ating mga government agencies
06:03ang itinatap na rin nila ngayon sa kanilang mga consultative mechanisms
06:08o representation sa mga interagency, ay ang mga kinatawan ng batayang sektor
06:14mula sa National Anti-Foverty Commission, including PWD, Senior Citizen, Youth, Farmers, P.S.R.P.O.C.
06:22So, well-integrated yung ating mga batayang sektor doon sa mekanismo ng mga ahensya ng pamahalaan
06:30upang marinig yung kanilang mga boses at agenda.
06:34Sec, ano po ba yung mekanismo o proseso na ginagamit ng NAPSI
06:38upang masigurong ang poverty reduction strategies ng SDC ay nakabatay sa datos
06:44at aktual na sitwasyon ng mga komunidad?
06:47Alam nyo, kamakailan lamang ay inilabas ang aming joint memorandum circular
06:53ng Department of Interior and Local Government at ng NAPSI
06:57tungkol sa pagpapatupad at pagbalangkas ng local poverty reduction action plans.
07:05At inaasahan namin dito, ang magiging batayan ay yung datos na nakakuha
07:09mula sa Community Voice Monitoring System na isinagawa naman ng Philippine Statistics Authority.
07:16Kung hindi pa ito available, ay meron din kanya-kanyang ecological profile
07:21ang lahat ng local government units na siya ring nagiging batayan
07:24ng pagbalangkas ng kanilang comprehensive development plan.
07:28At doon sa local poverty reduction action plan, ay pwede nilang gamitin itong mga kongkretong datos na ito
07:34mula sa komunidad upang mabalangkas yung kanilang mga realistic
07:39and area-based poverty reduction strategies and programs.
07:46Sa usapin naman ng budget, Sec, paano nakikilahok ang NAPSI sa pagtiyak na may sapat po na pondo
07:53para sa mga programang panlipunan na isinusulong po ng SDC?
07:58Well, alam nyo ang NAPSI, nag-advocate din ang pondo para sa sarili, sa NAPSI Secretariat.
08:05But at the same time, yung ating mga government agencies ay nagre-report din sa NAPSI
08:11ng kanilang mga programs and projects at nakikita natin kung ano yung mga budget na nandyan.
08:17At ang advocacy natin ay yung mga sustainable programs and projects ay dapat ito yung mapagtuunan ng budget.
08:25At pag pinag-uusapan ay national budget, of course, nasa ilalim yan ng discretion ng ating kongreso
08:32ayon sa mga prioridad na isinuminti ng ating Pangulo doon sa national expenditure program.
08:42But aside from that, meron din mga ibang pondo mula sa local government units,
08:46yung naman kanilang annual investment program na pwede naman ma-etap at the local level
08:51para mapondohan yung mga local initiatives.
08:56At ang NAPSI ay very much active and supportive to our agencies
09:02in advocating for a bigger budget for sustainable livelihood programs.
09:09Sir, ano naman po yung mga pangunahing hamo na hinaharap ng NAPSI
09:12sa pagsasakatuparad ng papel nito sa SDC?
09:16Paano niyo po ito tinututukan at tinutugunan?
09:18Alam niyo, napakagandang platform ng Social Development Committee
09:21for program monitoring policy discussion.
09:26Ang real challenge ay nandoon sa implementation ng mga programa
09:31na inaprubahan ng Social Development Committee
09:34which means nandoon sa ground, sa local government units,
09:38sa mga communities at the regional level, nandoon yung challenge.
09:43And, you know, participation and dynamics of stakeholders matter in program implementation.
09:52So nandoon yung mga laking challenge.
09:54Sir, paano ba nakaka-apekto ang pagiging bahagi ng NAPSI sa SDC
09:58sa mas malawak na poverty reduction agenda po ng bansa?
10:01Yung mandato ng NAPSI ay reinforce the mandate of NAPSI
10:13Kasi policy development, program monitoring, education, health, adequate food, housing
10:24based on the magnacart of the poor na may mandato ang NAPSI.
10:27So, yung aming membership sa Social Development Committee
10:31ay nagre-reinforce pa nung pagpapatibay nung aming mga ginagawa sa NAPSI sekretaryat.
10:37Sa ngayon po, Sek, ano yung mga pangunahing proyekto o reforma na gusto pong ipatupad ng NAPSI
10:43sa ilalim ng SDC upang mapabilis yung inclusive at sustainable development?
10:49Well, mananawagan tayo ng recalibration siguro, focusing ng mga programs and projects natin
10:55doon sa mga focus areas and communities.
10:59Ito yung sinasabi natin, yung ayon sa datos, ito yung maraming mahirap na pamilyang Pilipino,
11:06yung mga sa komunidad ng mga mangingisda, magsasaka, mga katutubo, mga conflict areas,
11:14geographically isolated and disadvantaged areas, mga informal settlements and mga disaster prone areas.
11:22Nananawagan tayo na i-focus dito yung mga projects, services, at ito yung itatampok natin sa social development committee.
11:31Magkaroon ng convergence at palakasin yung participation ng mga batayang sektor.
11:39Magkaroon ng tuloy-tuloy na capacity building, yung kanilang continuing involvement, representation and participation
11:44in program implementation and governance.
11:49Sa ibang usapin po, Sek, may tanong po mula sa ating kasamahan sa media na si Harley Balvena ng PTV.
11:56May mga programa o interventions po ba ang NAPSI para sa rebel returnees?
12:01O may mga ginagawa po ba ang NAPSI sa pagtugon sa kahirapan at mga problema sa komunidad
12:05para maiwasan ang pag-usbong ng mga rebelding grupo, particular na po sa Mindanao?
12:11Una ang isang priority area na in-identify ng NAPSI ay yung conflict areas.
12:18At ang UPAPRU, ang DA ay member din ng NAPSI.
12:24At itong UPAPRU at DA, NTF, LCAC ay meron silang convergence programs na nakapokus dito sa mga areas na ito.
12:36At kailan lang ang NAPSI ay naitalaga na co-chairperson ng sectoral unification, capacity building, empowerment and mobilization under the NTF, LCAC.
12:48And we will promote dialogue among all sectors of our society para mas maganda na mag-usap-usap at mapalakas yung pagkakaisa ng mga sektor rather than magkaroon ng digmaan o magkaroon ng rebellion.
13:05Ang rebellion ay ito natin sa pakipaglaban sa kahirapan.
13:12Sir, mensahin nyo na lang po sa ating mga kababayan.
13:16Well, maraming maraming salamat sa PTV4 at naging bahagi kami ulit ng inyong programa Bagong Pilipinas.
13:22Nagpapasalamat tayo sa lahat ng stakeholders sa National Anti-Poverty Commission na tumutulong sa ating pakikibaka at sa ating aksyon laban sa kahirapan.
13:33Maraming maraming salamat po.
13:35Maraming salamat din po sa inyong ora, Secretary Lopez Santos III, ang lead convener ng National Anti-Poverty Commission.
13:42Thank you, sir.

Recommended