00:00At pinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang reorganization o pagsasayayos sa komposisyon ng Economy and Development Council at mga committee nito.
00:10Layon itong paigtingin ang koordinasyon at implementasyon ng mga polisiya at programa para sa ekonomiya na magsusulong sa kaunlaran ng bansa.
00:19Sa visa ng Administrative Order No. 37, itinalaga ang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs bilang Chairperson ng Economic Development Committee o EDCOM na siya rin kakatawan sa tanggapan ng Pangulo.
00:35Katuwang din dito ang mga kalihim ng Department of Finance at Department of Economy, Planning and Development o DEPDEV bilang Vice Chairpersons.
00:44Itinalagang bagong miyembro ng Social Development Committee ang kalihim ng Department of Agrarian Reform o DAR,
00:51gayon din ang TESTA Director General at Lead Convener ng National Anti-Poverty Commission.
00:57Idinagdag ang mga kalihim ng DAR at DENR sa Tariff and Related Matters Committee.
01:03Retroactive ang kautusan simula April 27, 2025 na dapat ipatupad matapos may isa publiko sa Official Gazette.