00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene
00:04sa reported teammate Carl Velasco.
00:13Napasakamay ni Jamaican track and field star Kishane Thompson
00:16ang titulo sa 100 meter dash matapos talunin ng kanyang Paris Olympics rival na si Noah Lentz
00:23sa ginanap ng Silesia Diamond League sa Poland itong nakaraang linggo.
00:27Kita ang agwat ng 24-year-old sa mga katunggali matapos ang gun start kung saan nakapagtala ito ng meet record na 9.87 seconds.
00:36Bahagyang mas mabilis sa 9.90 seconds ni Lentz at 9.96 seconds ng Amerikano rin si Kenny Benarek at Christian Coleman.
00:44Samantala, ito ang unang pagtatagpo ng dalawa matapos ang isang diktigan na laban sa nakaraang Paris Olympics
00:51kung saan parehas na nakapagtala ng oras na 9.79 seconds.
00:56Ang dalawang atleta ngunit ayon sa photo finish na unang lumagpas ang torso ng Amerikano
01:02dahilan para makuha niya ang ginto sa nasabing olimpiyada.
01:06Sa balitang football, dinuminan ng FC Barcelona ang Mallorca sa season opener ng Spanish League na Laliga
01:13nitong nakaraang linggo.
01:15Inumpis na ng Spanish champions ang kanilang title defense ng maini
01:19matapos ang buhay naman ng header ng left wing forward na si Rafinha sa 7th minute mark.
01:25Pagdating ng 23rd minute, nagpakawala naman ang isa pang goal ang Spanish striker na si Fernan Torres mula sa penalty box
01:31para gawing 2 nilang score na siya namang lalong kinainis ng mga taga-suporta ng Mallorca.
01:36Pag sapit ng 90th minute, tinapos ng 18-year-old na si Laminia Malanglaban
01:42matapos ang isang short ranger goal sa extra time upang ilagay ang Barcelona sa top seed ng Laliga standing
01:48para sa kasalukuyang season.
01:50Samantala, sunod na makakatapat ng barca ang Valencian club na Levante
01:55sa darating na August 24 sa Valencia sa Espanya.
01:58At sa balitang basketball, isang katakot-takot na injury scare ang kinasangkutan ni Slovenian guard Luka Doncic
02:06sa isang friendly match kontra sa Latvia nitong nakaraang linggo.
02:10Paika-ikang tumungo si Doncic palabas ng court.
02:13Matapos ang isang kolisyon sa isa niyang teammate, dahilan para tumumba ang dalawa.
02:18Matapos ang insidente, kita ang paghawak ng 26-year-old sa kanyang kanang tuhod
02:23na naging dahilan para hindi natapusin ang Lakers start ang nasabing laro.
02:28Bago ang nasabing insidente, nakagawa pa ng 26 points, 5 assists at 4 rebounds si Doncic
02:34para sa Slovenia sa loob ng dalawang quarters ng nasabing laro.
02:38Sa ngayon, mananatili ang Slovenian star para tulungan ang nasabing national team
02:43para sa paparating na Eurobasket sa susunod na linggo.
02:46Carl Velasco para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.