00:00Nakatakdang sumabak sa isang mahalagang laba ng kanyang karera, si fast-rising Filipino boxer Joey Canoy para sa WBC Silverweight Minimum Weight Title at Final World Title Eliminator sa darating na ika-apat ng Oktubre sa Johannesburg, South Africa.
00:16Kasalukuyang rank number 3 si Canoy sa World Boxing Council o WBC Minimum Weight Rankings sa record na 21 wins, 5 losses at 2 draws.
00:26Makakatapat niya ang South Africa na si Aklo Kolwa Husay na isang WBC number 2 contender sa record na 12 wins with 11 by knockouts at 1 loss.
00:38Ang mananalo sa labang ito ay may tiyansang mapalapit sa pagkakaroon ng pagkakataon na hamunin ang kasalukuyang WBC World Minimum Weight Champion na si Melvin Jerusalem
00:49na dating katunggali na rin ni Canoy noong 2017 sa Cebu kung saan nanalo sa Jerusalem sa pamamagitan ng isang unanimous decision.