Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa gitna ng mga kontrobersya sa mga flood control project,
00:03hindi raw paglalaanan ng pondo para sa flood control
00:06ang mga lugar na hindi naman bahain
00:08ayon sa House Committee on Appropriation.
00:10Isinusulong naman ang isang dating senador
00:12na tanggalin na ang mga district engineer ng DPWH.
00:17Mayun ang balita si Jonathan Andal.
00:22Mismong Quezon City LGU ang pumuna
00:24kung bakit tinayuan ng pumping station
00:26ang ibabaw mismo ng creek sa Barangay Santo Domingo, Quezon City.
00:30Nireject na kasi ito ng LGU
00:31dahil hindi anila naaayon sa drainage master plan ng syudad.
00:35Ito ang kanilang sinisi sa pagbaha ngayon
00:37sa hindi naman daw dating bahain
00:38na Barangay Santo Domingo pati mga katabing barangay
00:41at ang stasyon hindi pa pala tapos itayo.
00:45Kahit una nang ginastusan ng 96 million pesos,
00:47sabi ng LGU, naghihintay pa ng dagdag na 250 million pesos
00:52mula sa national budget sa 2026.
00:56Ngayon, tiniyak ng pinuno ng House Appropriations Committee
00:59na sa bubuuing 2026 budget,
01:02hindi na lalagyan ng pondo pang flood control
01:04ang mga lugar na hindi naman talaga bahain
01:07kahit para itulak ito sa kamera ng mga kapwa kongresista.
01:10Kailangan ko pong makausap yung aking mga kasama sa kongreso
01:14kasi kung meron man pong mga areas
01:16na kanilang i-advocate,
01:18nalagyan po ng flood control projects
01:20pero hindi po talaga kinakailangan.
01:23Unfortunately po, meron din tayong mga kailangan na tanggihan
01:27ng mga requests.
01:28Kakausapin daw ni Congresswoman Michaela Swan Singh
01:31ang mga regional office ng DPWH
01:33para matukoy kung ano-ano bang mga lugar sa bansa
01:36ang kailangan talaga ng flood control projects.
01:40Mungkahi ni dating Senate President Franklin Drilon,
01:43buwagin na ang posisyon ng mga district engineer ng DPWH.
01:47Ugataan niya ito ng korupsyon,
01:48nakasabot ang mga politiko.
01:50Ang district engineer, para po sa distrito ng kongreswa niyan,
01:54hindi po ba?
01:55Eh, ang nagduplicate po sila sa trabaho
01:57ng regional director.
01:59Ang usual excuse yan,
02:01pera ito ni congressman so-and-so,
02:03pera ni senator so-and-so.
02:05Kaya, ang ibig sabihin,
02:06hindi ka pwede makiala, regional director.
02:08Pabor dyan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong
02:11na nagsiwalat noon na may ilang kongresistang
02:13nangyikbak o nagbulsa ng pondo
02:16sa mga flood control project.
02:17Kramihan daw kasi sa mga district engineer,
02:20bagman lang aniya ng mga politiko.
02:23At minsan, sila rin daw mismo ang kontraktor.
02:26Sinusubukan pa namin kunan ang reaksyon dyan ng DPWH,
02:29pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:30Sa Martes, sisimula na ang investigasyon
02:33sa flood control projects ng Senate Blue Ribbon Committee
02:35sa pamumuno ni Senator Dodante Marcoleta.
02:38May gagawin ding pagsisiyasat ang Tri-Comity
02:40o tatlong kumite ng Kamara
02:42ang Public Accounts, Public Works at Good Government.
02:45Suestyo ni Drilon, dahil may mga politikong dawit,
02:48huwag kongreso ang mag-imbestiga,
02:50kundi ombudsman at COA o Commission on Audit.
02:53Sang-ayon din sa anya si Sen. J.P. Ejercito.
02:55Napagbibintangan po ang dalawang Kamara
02:58pero masisiguro ko lang na sa Senado
03:02wala akong kilala na may kontraktor sa amin.
03:05Ito ang unang balita.
03:07Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended