00:00Innangpapaliwanag ng Land Transportation Office ang 4 motoristang sangkot sa magkakaiwalay na aksidente o delikadong pagpapatakbo sa kalsada.
00:09Siyemnapung araw ding suspendido ang kanilang mga lisensya.
00:13May unang balita si Chino Gaston.
00:19Motorcycle rider na tumayo sa kanyang mismong motor at kumasapah sa isang dance challenge habang nasa gitna ng kalsada.
00:30Batang nagkokontrol ng manibela habang nakakandong sa driver.
00:35Oil tanker na umararo ng apat na sasakyan sa Maynila matapos mawalan umano ng preno.
00:43SUV na sumalpok sa eskwelahan sa Caloocan kung saan 7 ang sugatan kabilang ang 6 na estudyante.
00:50Ayon sa polisya, aksidenteng naapakan ng driver ang silinyador pero kwento ng driver, naglukoaniya ang sasakyan.
00:58Ang sunod-sunod na paandar na yan ng mga motorista at kabi-kabilang disgrasya sa kalsada
01:04ang dahilan para patawan ng Land Transportation Office ng 90-day suspension ang lisensya ng apat na drivers.
01:11Paurit-aurit naman kaming lahat ni Pangulo na sumunod na lang tayo, huwag na tayong pasaway.
01:17Pinadalhan din ang mga driver ng show cost order ng LTO para pagpaliwanagin.
01:22Lalot bukod sa kanilang lisensya ay posible rin silang maharap sa reklamo.
01:26Kasi ang problema sa pagiging pasaway, kung may maaksidente, may madidisgrasya,
01:32baka hindi kang mawagan sila ng lisensya, baka may kulong pang kasama yun.
01:37Ang motorcycle rider na ito, posibleng maharap sa reklamong reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.
01:45Gayun din sa driver ng SUV sa disgrasya sa Caloocan.
01:49Pag labag naman sa Section 4 ng Republic Act 11229 o Child Safety and Motor Vehicles Act,
01:56ang maaring harapin ang driver ng sasakyang ito, lalot labag sa batas, na paghawakin ng manibela ang isang bata.
02:04Mahaharap naman sa mga reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property,
02:09ang driver ng oil tanker.
02:11Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
Comments