00:00Sisimula ng silipin ng Commission on Elections ang Statement of Contributions and Expenditures ng mga kumandidato sa elekson
00:08para alamin kung may mga contractor ng gobyerno na nag-donate sa mga kandidato.
00:13Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:17Iimbestigahan na ng Commission on Elections sa mga kandidato na posibleng tumanggap ng mga donasyon mula sa mga contractor ng gobyerno.
00:25Ayon kay Comelect Chairman George Irwin Garcia, sinimula na nilang silipin ang mga Statement of Contributions and Expenditures o SOSE
00:34ng mga kandidato na tumakbo nitong nagdaang 2025 national at local elections.
00:39At dyan po may init yung aming committee on kontrabigay sapagkat siyempre pagka pinag-usapan ng kontrabigay,
00:47hindi lang po yan yung pamimigay sa botante, nung hindi yung mga contributions at saka donation.
00:52Makikita naman po namin lahat yan. Ongoing na po yung review ng mga SOSE,
00:57lalo na po yung 61 na mga kandidato tumakbo sa pagkasenador.
01:02Inuuna po namin yan upang mabigay natin ng complete transparency and accountability sa mga kababayan natin.
01:08Magiging motu proprio o kusang pagsilip na ito ng COMELEC
01:12dahil nakasaad naman anya sa Omnibus Election Code section 95 letter C
01:17na bawal talagang tumanggap ng donasyon o kontribusyon ang mga kandidato kapag ang isang kumpanya ay may kontrata sa gobyerno.
01:26Sa section 95 kasi paragraph letter C ng Omnibus Election Code,
01:31yung mga prohibited na magbigay ng donation, contribution sa mga kandidato o sa political parties.
01:39At kung hindi tayo nagkakamali, na-mention doon yung may mga kontrata, servisyo sa pamahalaan
01:44o kaya mga may public works na contract sa pamahalaan.
01:49Diyan po namin ine-emphasize yung kahalagahan ng SOSE.
01:53Yung iba po kasi hindi pinapansin lalo ng mga kababayan natin.
01:56Ngayon po nilatalaan na natin ang SOSE. Sana po mag-demand tayo makita natin baka kasi mali o bakit naandyan yung contributor na yan.
02:04Kung may makita namang lumabag, sasampahan nito ng kaso ng COMELEC
02:08at posibleng magkaroon ng parusang pagkakakulong dahil lalabas na ito ay isang election offense.
02:14Hindi lang naman itong 2025 national at local elections ang posibleng imbestigahan ng COMELEC.
02:19Maaari din nilang silipin ang mga kandidato sa mga nagdaang halalan.
02:23Nagbigay na tayo ng karampatang instruction sa ating political finance and affairs department
02:29kasi kasama po yun sa kanilang mga tinitingnan.
02:31Maaari nangyari ang lahat 2022, 2025, it doesn't really matter.
02:37Sapagkat hanggat hindi tapos yung prescriptive period,
02:40ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang dahil nasa aming pong jurisdiction pa yan.
02:46Hingil naman sa pag-ami ni Senate President Chief Escudero na nakatanggap siya umano ng donasyon
02:51mula sa kontraktors ng flood control project ng gobyerno.
02:55Gitlang ng COMELEC, mas maiging marinig muna ang panig ng mambabatas.
03:00Pero maganda rin, maarinig natin yung kabuang explanation ni Senate President.
03:06Ang katanungan, baka naman hindi kasi doon ang negosyo sa mismong opisina na yun
03:11o doon sa pinagkinakbuhan ng kandidato. Tingnan natin yung kabuuan.