Skip to playerSkip to main content
Nahuli-cam ng kanya mismong ikinabit na CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa Maynila. Ang tinangay, tangke ng LPG.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nahulikam ng kanya mismong ikinabit na CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa Maynila,
00:07ang tinangay tangki ng LPG. Nakatutok si Jomer Apresto.
00:16Dahan-dahang ibinababa ng lalaking yan ang kawali na nakapatong sa isang LPG
00:20sa loob ng isang bahay sa Tondo, Maynila nitong Webes ng hating gabi.
00:24Maya-maya, tuluyang tinangay ng lalaki ang LPG tank at mabilis na bumaba.
00:29Ayon sa biktima, nasanay na sila na hindi naglalak ng gate ng bahay dahil marami ang nakatira sa kanila.
00:35Umaga na raw nang malaman ng kanyang ate na nawawala ang kanilang LPG.
00:40May pasok yung anak niya, tapos nakita niya bakit wala yung gamit doon.
00:43Anytime may umuwi, may umaalis. Kaya open gate lang kahit sino nakakapasok.
00:49Ang nahulikam na lalaki, siya rin daw palang nagkabit ng mismong CCTV sa bahay na nilooban niya.
00:55Parang ayaw niya magpakita sa kamera, pero kilalang kilala kasi namin siya eh.
01:00Ang kulit kasi ano, siya rin yung nagkabit nun diba.
01:03Hindi niya man lang tinakpan yung mukha niya or ano.
01:06Yung pag may mga nasisira kaming gamit, siya din yung nag-aayos doon.
01:10Ayon sa barangay, residente nila ang sospek na ilang beses nang inireklamo dahil sa pagnanakaw umano.
01:16Isang insidente pa raw ng panunutok ng kutsilyo sa isang minorde edad
01:20ang kinasangkutan ng lalaki sa isang tindahan sa kabilang barangay.
01:23Galing siya hindi na lupihan, may binitbit na naman siyang alak.
01:28Siguro nalaman niya kanina, pinapahanap na po siya sa amin ng chairman,
01:32nagtaguna, hindi na nagpakita itong maghapon na ito.
01:35Nung hindi siya nagbayad, yung minor, lumabas daw para siya singilin,
01:39tapos tinutukan niya raw ng kutsilyo.
01:41Nasa drug watch list din daw ng barangay ang lalaki.
01:44Maghahain ang formal complaint ng biktima ngayong araw sa Manila Police District
01:48para mahuli ang lalaki.
01:49Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended