Skip to playerSkip to main content
Sumalpok at nagdire-diretso ang isang SUV sa lobby ng Manila Central University sa Caloocan. Pito ang sugatan kabilang ang anim na estudyante. Ayon sa pulisya, naapakan umano ng senior citizen na driver ang silinyador. Bagay na itinanggi nito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Sumalpok at nagdirediretsyo ang isang SUV
00:07sa lobby ng Manila Central University sa Caloocan.
00:11Pito ang sugatan, kabilang ang anim na estudyante.
00:15Ayon sa polisya, naapakan umano ng senior citizen na driver,
00:18ang silinyador. Bagay na itinanggin ito.
00:21Nakatutok si Baya Pinlak.
00:23Pauwi na sana ang mga estudyante ng Manila Central University o MCU sa Caloocan kahapon
00:33nang biglang sumalpok at tumagos sa entrada ng isa sa mga gusali ng eskwelahan ang SUV na ito.
00:40Huwag ang gagalaw! Huwag ang gagalaw!
00:47Relax lang, relax.
00:49Pito ang sugatan, kabilang ang apat na minor de edad.
00:53Anim dito mga estudyante, habang isang empleyado ng paaralan ang nadamay rin.
00:59Kwento ni Grace, hindi niya tunay na pangalan,
01:01nasa labas na ng building ang mister niya at ang walong taong gulang nilang anak
01:05nang biglang humarurot ang sasakyan.
01:08Nagulat ako, tumawag ang husband ko sa akin.
01:11Sabi niya, mahal na aksidente kami.
01:13Shock talaga ako. Hindi ko alam kung ano pa yung pwede mangyari.
01:17Ang SUV, minamaneho ng 70 anyos na lalaking magsusundu lang daw sana sa apo niya.
01:23Si tatay is magsusundu ng granddaughter niya.
01:26Aksidentali niya po na naapakan yung accelerator ng sasakyan.
01:31Kaya pumasok dun sa education business building ng naturang school po.
01:37Ang natumbok po talaga yung female student na 13 years old.
01:42Dinala sa ospital ang pitong sugatan, pati ang driver ng SUV na sumamarawang pakiramdam dahil sa pagkabigla ayon sa pulisya.
01:51Ongoing treatment pa naman sila pero may paunang kuha na tayo.
01:56Result na stable naman po sila lahat kasama po yung driver.
02:00Nakalabas na ng ospital ang senior citizen na driver.
02:03Hawak siya ng Traffic Accident Investigation Unit ng Kaluokan Police.
02:07Giit niya.
02:08Nakahinto na kami sa ano, doon sa tapat ng entrance ng school.
02:14Pinepreno ko pero nagwa ano, hindi ko naman natapakan yung silineador na nagwild yung ano, dire direto sa ano.
02:21Buti, nakakabig ko sa kaliwa kung hindi, mga bata ang daming madadali ako.
02:25Masa condition naman ako. Hindi naman ako antukin eh.
02:28Sana eh, hindi ko naman kagustuhan din yung nangyari.
02:32Posible siyang maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property.
02:39Wala pang pahayag sa ngayon ang MCU.
02:41Para sa GMA Integrated News,
02:44Bea Pinlock nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended