- 8 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 15, 2025
- E-wallet apps, binigyan ng 48 oras para i-unlink ang online sugal websites | Puna ni Sen. Gatchalian: Puwede pa ring magamit pambayad ang e-wallet kung sa gaming website o app ka pupunta | BSP: Pagtanggal ng online sugal links sa mga app, agarang solusyon habang inaayos ang mas mahigpit na regulasyon | Sen. Marcoleta: Online sugal platforms ang problema, bakit e-wallets ang nagigisa? | Total ban sa online sugal, isinusulong ng ilang senador; sabi ng PAGCOR, malinaw at responsableng regulasyon ang kailangan | PAGCOR: 60% ng online sugal operators ay ilegal at mahirap habulin | BSP: Kailangan ng executive order mula kay PBBM para mapadali ang pagpapasara sa online sugal sites
- Ilang Pinoy, pabor na tanggalin na ang online sugal links sa mga e-wallet | Ilang dating nagsusugal online, tumigil na dahil mabilis daw nauubos ang kanilang pera | Ilang Pinoy, pabor na i-unlink ang online sugal sa e-wallets; ilaan daw dapat ang pera sa pamilya
- Ilang PUV driver, tiniketan dahil sa iba't ibang paglabag
- Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nag-volunteer na pangunahan ang imbestigasyon sa flood control projects | Mayor Magalong, hinimok ng Malacañang na ilahad ang kaniyang impormasyon tungkol sa flood control projects kay PBBM | Malacañang: Dapat may managot sa palpak na flood control projects o ghost projects | Campaign donations ng mga kontratista ng gobyerno, posibleng imbestigahan ng Comelec | Mahigit P272B budget ng DPWH sa 2026 National Expenditure Program, mas mababa kaysa ngayong taon | DPWH: Mahigpit ang aming bidding process para sa flood control projects | PBBM, iniutos sa DPWH na i-blacklist ang mga kontratistang may palpak na flood control projects
- Election period sa BARMM, nagsimula na; gun ban, ipinatutupad
- Ilang kalsada sa Davao City, isasara para bigyang-daan ang mga aktibidad sa Kadayawan Festival 2025 | Pamulak at indak-indak sa Kadayawan Showdown, magsisimula ng 6 am sa Linggo | Davao City Transport and Traffic Management Office: mga sasakyan, bawal i-park sa mga kalsada na dadaanan ng parada
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- E-wallet apps, binigyan ng 48 oras para i-unlink ang online sugal websites | Puna ni Sen. Gatchalian: Puwede pa ring magamit pambayad ang e-wallet kung sa gaming website o app ka pupunta | BSP: Pagtanggal ng online sugal links sa mga app, agarang solusyon habang inaayos ang mas mahigpit na regulasyon | Sen. Marcoleta: Online sugal platforms ang problema, bakit e-wallets ang nagigisa? | Total ban sa online sugal, isinusulong ng ilang senador; sabi ng PAGCOR, malinaw at responsableng regulasyon ang kailangan | PAGCOR: 60% ng online sugal operators ay ilegal at mahirap habulin | BSP: Kailangan ng executive order mula kay PBBM para mapadali ang pagpapasara sa online sugal sites
- Ilang Pinoy, pabor na tanggalin na ang online sugal links sa mga e-wallet | Ilang dating nagsusugal online, tumigil na dahil mabilis daw nauubos ang kanilang pera | Ilang Pinoy, pabor na i-unlink ang online sugal sa e-wallets; ilaan daw dapat ang pera sa pamilya
- Ilang PUV driver, tiniketan dahil sa iba't ibang paglabag
- Baguio City Mayor Benjamin Magalong, nag-volunteer na pangunahan ang imbestigasyon sa flood control projects | Mayor Magalong, hinimok ng Malacañang na ilahad ang kaniyang impormasyon tungkol sa flood control projects kay PBBM | Malacañang: Dapat may managot sa palpak na flood control projects o ghost projects | Campaign donations ng mga kontratista ng gobyerno, posibleng imbestigahan ng Comelec | Mahigit P272B budget ng DPWH sa 2026 National Expenditure Program, mas mababa kaysa ngayong taon | DPWH: Mahigpit ang aming bidding process para sa flood control projects | PBBM, iniutos sa DPWH na i-blacklist ang mga kontratistang may palpak na flood control projects
- Election period sa BARMM, nagsimula na; gun ban, ipinatutupad
- Ilang kalsada sa Davao City, isasara para bigyang-daan ang mga aktibidad sa Kadayawan Festival 2025 | Pamulak at indak-indak sa Kadayawan Showdown, magsisimula ng 6 am sa Linggo | Davao City Transport and Traffic Management Office: mga sasakyan, bawal i-park sa mga kalsada na dadaanan ng parada
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
02:06BSB supervised institutions to take down those in-app links and icons to the online gambling sites.
02:14The other reason, Your Honor, is so that we will also provide time for the customers, for the consumers,
02:23to withdraw their funds from the online gaming.
02:27Sunday morning, hindi ko na makita yung games sa mga e-wallets.
02:30Apo, wala na.
02:30Pag may nakita po ako, ikokontem kita.
02:35Pwede po.
02:37Pero kalaunan, lumabas sa pagdinig na sa mismong e-wallet lang pala matatanggal ang links,
02:42pero pwede pa rin itong magamit pang bayad kung sa gaming website o app ka pupunta, maski yung mga iligal.
02:49Pwede rin mag-link sa mga banko, pwede rin mag-link sa mga e-wallets.
02:54Ibig sabihin, yung mga iligal, pwede rin i-link yung savings account mo.
03:00Ang gusto ho namin, i-delink na lahat sa mga online gambling.
03:04Wala nang e-wallet, wala nang banko ang pwedeng nakalink sa mga online gambling.
03:12Sabi ng BSP, agarang solusyon lang ang suspensyon ng in-app links ng mga e-wallet,
03:17habang inaayos ang ma-striktong regulasyon sa mga legal na online gambling platform.
03:23Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng GCash at Maya na handa silang tumugon sa direktiba ng BSP
03:29oras na matanggap nila ang opisyal na kautusan nito.
03:32Paalala naman ni Sen. Rodante Marco Leta, nababaling ang CC sa e-wallets
03:37gayong online gambling platforms talaga ang problema.
03:40Ngayong 2025, tinatayang nasa 70 billion pesos ang kikitain ng PAGCOR mula sa online gambling.
03:46Pero kumbinsido pa rin ang maraming senador na kailangan ng total ban sa online gambling.
03:51Sabi ng PAGCOR,
03:52Sa halip na tuluyang ipagbawal, mas makabubuting magpatupad tayo ng malinaw, mahigpit at responsable yung regulasyon.
04:00Pero PAGCOR na mismo ang nagsabi.
04:0260% down ang mga nag-ooperate ngayon ng iligal at hirap silang habulin ang mga ito.
04:08Himigit kumulang sa 12,000 website ang natukoy na iligal
04:15at doon po ang naibaba na rin ng mga ahensyang tinukoy ko kanikanina lamang
04:21ay himigit kumulang i-round-off na natin sa 8,000.
04:25Kaya, cut and mouth situation eh.
04:28Habang iyong sinasaray ito mga ito,
04:31nakapagbubukas muli sa ibang pangalan o sa mga karagdagang lamang.
04:37Sabi ng BSP,
04:38madaling maipapasara ang online gambling sites kung maglabas ng executive order ang Pangulo.
04:43Kung sakali, wala naman daw problema, sabi ng PAGCOR, at tutulong pa sila sa pagpapatupad nito.
04:48Ito ang unang balita.
04:49Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
04:53Pagtanggal sa easy access sa mga online gambling app,
04:56ang isa sa mga hakbang ng pamahalaan
04:58para mapigilan ang pagkalulong ng maraming Pinoy sa sugal.
05:03Gaya ng utos ng Banko Central ng Pilipinas sa mga e-wallet na i-unlink ang mga online gaming app.
05:09Nauna nang nangako ang ilang kumpanya ng e-wallet na tatalima oras na makuha ang formal na utos ng BSP.
05:16Ang mismong players kaya, pabor ba?
05:18May street hirit live, si Pam Alegre.
05:22Pam?
05:23Hey again, good morning.
05:28Malapit nang mag-game over ang access ng mga e-wallets sa online gambling.
05:33Kaya dito sa street hirit inalam natin ang pulso ng ating mga kapuso kaugnay ng bagong kapalaran ng online sugal.
05:39Punyatan ang bawat araw ni Eduardo Ventura bilang delivery truck driver.
05:45Kailangan kumayod para kumita.
05:47Kaya hindi ro'n niya guess kung bakit isusugan niya lang ang kanyang pinaghirapan.
05:51May mga kakilala raw kasi siyang nalulung dito.
05:53Meron po akong mga nakikilala po na nalululung po sa s*****.
05:59Mas mainap pa nga po, mawala na po.
06:00Maibigyan nila po sa pamilya at sa mga anak na mag-aaral, mga ngangailangan.
06:07Naranasan na rin mismo ng delivery rider na si Rams magbanoan na madehado sa sugal.
06:12Easy access lang kasi sa e-wallet ang parehong pondo niya pati ang mga laro.
06:17Kaya sangayon siya natanggalin na ito sa e-wallet once and for all.
06:20Tama lang yun para wala lang may ganyo. Naranasan ko na yan, matalo.
06:24Masakit, masakit sa loob.
06:26Naglalaro rin ang BPO employee na si Rome Dayag ng online gambling.
06:30Pero itinigil din daw niya dahil mabilis daw matalo ng pera.
06:33Lalo na kung gigil na, para bawiin ang nagpatong-patong na talo.
06:36Isa nang masasabi ko dyan, one click lang yan.
06:39Kaya yung mabilis talagang maubos.
06:41Mas okay na yung wala na muna ng online gambling.
06:44At ngayong bilang na ang araw ng online gambling sa mga e-wallet.
06:47Mas yamado ang pulso sa kalye.
06:49Good move nga raw ito, parang iwas tukso.
06:51Hindi naman tayo mayamang bansa.
06:53Eh bakit tayo magsusugal pa?
06:55Eh kain na lang natin.
06:56Tsaka yung sa pamilya.
06:58Mas maige sir.
07:00Kasi mas maano, mas mapapakibent yung mga tao sa pagkalulong sa sugal.
07:04Higa, matapos ang 48 hours o dalawang araw, wala na dapat access nga ang e-wallet sa online gambling.
07:15Pati yung mga links sa mga website nito.
07:17Ito ang street link.
07:18Wala rin sa Quezon City.
07:19Iba malagre para sa GMA Integrated News.
07:23Nagpapatuloy kay araw ng road worthiness inspection ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC.
07:30Tinikita ng ilang chuper dahil sa iba't ibang paglabag.
07:34Live sa Caso City, may unang balita si Jocara Presto.
07:36Jomer!
07:41Igan, good morning. Narito ako sa bahagi ng Quezon Avenue kung saan nagsasagawa ng road worthiness inspection sa mga PUV,
07:48ang mga tauhan ng SAIC Special Operations Group at para daw yan sa kaligtasan lalo na ng mga pasahero.
07:58Halos kararating lang ng SAIC Special Operations Group sa bahagi ng Quezon Avenue kanina.
08:03Isang traditional jeep ni kaagad ang kanilang pinara.
08:06Makikita kasi napudpud na talaga ang dalawang gulong nito sa harap.
08:09Wala naman po kung masasabi ko kasi trabaho naman po nila yan laman.
08:13Hindi rin nakalusot ang UV Express na ito na biyaheng Fairview Buendia na pundido ang headlight.
08:18Depensa ng driver, kababalik niya lang galing bakasyon at hindi niya alam na may problema ang kanyang unit.
08:24Kaya sana po minsan magbigay silang konsiderasyon kasi hindi naman po lahat.
08:29Lalo na ngayon, hindi naman malaki kinikita na sa UV.
08:32Tinikitan pa rin siya ng SAIC.
08:33Ang UV Express naman na ito pinara dahil sa kanyang improvised plate.
08:37Sabi ng driver nito, nawala kasi ang plaka ng van.
08:40Nakapagpakita naman siya ng mga updated na dokumento kaya pinaalis din siya.
08:44Ayon sa SAIC, mahalaga ang ganitong klase ng operasyon para matiyak ang siguridad ng publiko lalo na ng mga pasahero.
08:50Humingi naman ang paumanhin ng SAIC sa mga pasaherong naapektuhan sa kanilang operasyon.
08:54Pinapauna na po namin yung aming paghingin ng paumanhin kung kayo po ay nagkakaroon ng konting pagkaabala.
09:01Pero ito naman po ay para po sa inyong kapakanan at sa inyong kaligtasan.
09:04Igaan sabi ng SAIC, hindi daw bababa sa sampung sasakyan ng kanilang nahuli na ngayong umaga.
09:14Kabilang na ang bus na nasa aking likuran, dalawa ang violation niyan.
09:17Isa ang paggamit ng unauthorized na plaka o yung improvised na plaka na walang authorization galing sa LTO
09:24at yung unregistered vehicle.
09:27Hindi daw nakarehistro yan, kaya impounded ang nasabing bus.
09:29Bukod dyan, meron ding mga sasakyan na natikitan kanina kabilang na ang dalawang traditional jeepney na pudpudang gulong.
09:35Sabi ng SAIC, eh kung maaari raw, aaraw-arawin nila ang ganitong klase ng operasyon para na rin sa kapakanan ng publiko.
09:42At live mula dito sa Quezon City, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
09:47Ipinagutos ni Pangulong Bombong Marcos sa Department of Public Works and Highways
09:50na i-blacklist na ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
09:55Samantala, ay nilahad naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong
09:58ang napag-alaman niyang hatian o mano sa pondo ng mga proyekto.
10:03Ngayon ang balita si Maki Pulido.
10:08Nag-volunteer si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na imbesigahan ang flood control projects.
10:14Hindi naman daw pwedeng kongreso ang mag-imbestiga dahil parang iimbestigahan nila ang sarili nila.
10:19People will volunteer to submit pieces of evidence, pati mga people involved, basically.
10:31Talagang maglalabas siya kasi takot din sila lahat eh. Alam nila na may iipit sila eh.
10:35Ayon kay Magalong, kalimitang moro-moro lang ang mga bidding.
10:39Ang paboritong construction companies daw na mga politiko ay ang mga mabilis o mano magbigay ng kickback sa kanila.
10:45Sabi raw ng mga nakausap niyang kontratista sa 100% na project cost, 25% umanong ibibigay sa committee on appropriations ng kongreso,
10:545 to 10% para sa kongresista na kung tawagin ay parking fee o pass-through,
10:593% sa bids and awards committee ng DPWH, at may 3% din na mga lumahok sa moro-moro na bidding.
11:06Kung 12% ang kita ng construction company, 30% na lang daw ang matitira para sa mismong flood control project.
11:13Ang kwento nga dyan, ang maong de-contractor, sabi niya, kung sino pa ang di pumipirma sa dokumento,
11:20siya pa ang may pinakamalaking porsyento.
11:24Sipin mo, pag nagkakaso, sinong kakasuhan?
11:28Yung mga nakapirma sa dokumento, sa kontrata, DPWH, at yung contractor.
11:35Pero yung pinakamalaking mga porsyento, ito yung mga politiko, anong sabi, paano sila masasabi?
11:40Ang Malacanang hinimok si Magalong na ilahad sa Pangulo kung anong may tutulong nito.
11:45May naiset na raw ng mekanismo ang Pangulo kung paano iimbestigahan ang mga proyektong ito.
11:50Walang timeline na ibinigay si Pangulong Bongbong Marcos, bagamat naisumanon niyang mabilisan ang pag-iimbestiga.
11:56Pag diin pa ng palasyo, dapat may mapanagot sa palpak na flood control projects o kaya ay ghost projects.
12:02Ayon kay Pangulong Marcos Jr., dapat na may managot sa ganitong uri ng kapabayaan, katiwalian, at panluloko at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng may sala.
12:17Nakakadismaya at nakapagtataka kung bakit napupunta sa mga pabayang contractors ang mga ganitong proyekto.
12:24Ang COMELEC, posible rin daw mag-imbestiga kaugnay ng campaign donations ng mga kontratista ng gobyerno, lalo't pinagbabawal ito ng Omnibus Election Code.
12:33Kasama sa titignan ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSE na mga tumakbo noong 2022 at ngayong taon.
12:40Tanggat hindi tapos ito yung prescriptive period, ay pwede po po kami gumawa ng lahat ng hakbang dahil nasa amin pong jurisdiction pa yan.
12:49Sa gitna ng mga issues sa flood control projects, mahigit P270 billion ang ipinapanukalang budget ng DPWH para sa taong 2026.
12:58Mas mababa ito ng mahigit P75 billion kumpara ngayong taon.
13:02Dapat ang implementing agencies po natin marunong mag-monitor ng mga proyekto to make sure na yung mga proyekto po ma-implement lang tama at saka sa tamang oras po.
13:17Sa ipinapanukalang budget, sabi ng DPWH, may mga bagong flood control project at bagong pondo para sa pagpapatuloy ng mga nasimulan na.
13:25Git ni DPWH Secretary Manny Bunuan, mahigpit ang kanilang bidding process.
13:30Yung bidding process is a very structured process. It's an open competitive bidding po.
13:36Scrutinized naman sa legal, technical and financial status of every bidder.
13:42DPWH ang pangunahing implementing agency ng mga flood control project.
13:47Direktiba sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos, i-blacklist ang mga palpak na kontratista sa mga flood control project.
13:54Sa labing limang contractors na inilista ng Pangulo na naka-corner ng 20% ng kabuang pondo para sa proyekto,
14:01nakita ng GMA Integrated News Research na anim ang binigyan ng poor o kaya'y unsatisfactory rating sa Contractors Performance Evaluation System o CPES,
14:12base sa siyam na government projects na kanilang ginawa.
14:15Ginawang pagsusuri ng Construction Industry Authority of the Philippines para sa mga proyekto mula July 2015 hanggang June 2025.
14:24Base sa CPES Implementing Guidelines, ang contractor na nagkaroon ng poor o unsatisfactory rating ay magiging blacklisted sa paglahok sa alinmang proyekto ng gobyerno,
14:34alinsunod sa Government Procurement Policy Board.
14:38Ito ang unang balita, Maki Pulido para sa GMA Integrated News.
14:43Ipinatutupad na ang gun bans sa Bangsa Moro Autonomous Region and Muslim Mindanao ayon sa Commission on Elections.
14:49Ito ay bahagi po ng pagsisimula ng election period kahapon na magtatapos sa October 28.
14:54Sa October 13 ang nakatakdam parliamentary elections sa rehyon.
14:58Bilang paghahanda, may mga checkpoint na itinayo sa iba't ibang bahagi ng BARMM para sa kaligtasan ng publiko.
15:05Nakabantay roon ang mga sundalo at pulis.
15:08Ayon naman sa Philippine National Police, magpapadala rin sila ng karagdagan tao roon para masiguro ang kaayusan sa eleksyon.
15:15Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, walang lugar sa BARMM ang isa sa ilalim sa Comelec Control.
15:22Puspusa na ang paghahanda ng mga dawabawain nyo para sa Kadayawan Festival 2025.
15:27Ngayong weekend, silipin natin ang sitwasyon sa Davao City sa unang balita live.
15:32May Argyle Relator ng GMA Regional TV. Argyle!
15:36Susan, makukulay na floats at street dancing competition ang bibida ngayong linggo para sa culmination ng Kadayawan Festival 2025.
15:47At para bigyang daan yan, pansamantalang isasara ang ilang pangunahing kalsada ng Downtown Davao.
15:53Isasara ang ilang kalsada sa Davao City para sa mga aktibidad sa Karayawan Festival.
16:03Sa inilabas na advisory ng Davao City Transport and Traffic Management Office,
16:08bukas August 16, Sabado, sa Konsyerto Karayawan sa San Pedro Square,
16:13magpapatupad ng no-entry papuntang San Pedro Street mula sa Corner San Pedro at CM Recto Avenue,
16:19Corner Rizal at Bolton Streets, at Corner Rizal at Banggoy Streets.
16:24Sa August 17, linggo, magsisimula sa ala sa east ng umaga ang Pamulak o Floral Float Parade
16:30at Indak-Indak sa Karayawan o ang street dancing competition.
16:34Magsisimula ang parada sa Rojas Avenue, dadaan sa CM Recto Avenue,
16:39sa Bonifacio Street, sa Pilayo Street, at sa San Pedro Street.
16:44So kanas yan, doon na po ito yung mga pagsara sa kalsada.
16:48There is ato sa may trading San Pedro, ah, CM Recto San Pedro.
16:54There is ato sa Bolton, there is sa Inigo, sa Pilayo.
16:59Then dito sa may Kamos para walay matrap ng mga sakinan,
17:03yung mga kasulod while ongoing ang atong pamulak o kag-indak-indak.
17:10Bubuksan lang ang kalsada pagkatapos ng last contingent.
17:14Para sa Indak-Indak sa Karayawan Showdown, simula alas 3 ng hapon,
17:19ipatutupad ang no entry papuntang San Pedro Street mula sa San Pedro Street at CM Recto Avenue,
17:26Corner Rizal at Bolton Streets, at Corner Rizal at Banggoy Streets.
17:30No left turn mula sa Corner Pichon at Pilayo Streets, kabilang ang Corner Inigo Street.
17:37No right turn mula sa Corner Rizal at Pilayo Streets, at Corner Inigo Street.
17:42Bukas naman ang Quimpo Boulevard at Quirino Avenue.
17:45Sa mga magdadala ng sasakyan, ipinagbabawal ang pag-park sa mga kalsada,
17:50nadadaanan ng parada, at kabilang ang mga hindi-designated parking areas.
17:55Kung doon na doon ay complain nga, doon ay sakyan na nga naka-block o naka-obstruct sa area,
18:05is kanaalgo ng ato gina siyang ituwing kung ang area is dapat walay obstruction.
18:12Susan, kasalukuyang sinasagawa ngayon dito sa showdown stage,
18:21ang blocking ng mga contingent ng Indak-Indak sa Kadayawan.
18:24Nasa walong contingent ang kalahok para sa Davos City School-based category,
18:28at walo naman ang magpapasiklaban para sa open category.
18:3128 floats naman ang paparada ngayong linggo para sa pamulak sa Kadayawan mula sa iba't-ibang kategorya.
18:36Samantala, makikisaya rin ang ating mga kapuso stars na cast ng sangre sa Kapuso Mall Show sa Kadayawan sa linggo.
18:43Yan ang latest mula dito sa Davos City.
18:45Ako si R. Jill, relator ng GMA Regional TV at GMA Integrated News.
18:49Maraming salamat, R. Jill, relator ng GMA Regional TV.
18:54Gusto mo bang mauna sa mga balita?
18:56Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
19:06Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.
Comments