00:00Pinuri ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang bagong revised protocol ng Case Management of Child Victims of Abuse, Neglect, Exploitation and Discrimination, o Cain-D.
00:12Sa binasang mensahe ni DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdes, sinabi ni Gatchalian na malinaw na nakasaad sa pinalakas na protocol na kailangang protektahan at igalang ang bawat batang Pilipino.
00:25Ang bagong protocol ay magsisilbing gabay ng mga law enforcement officers, healthcare providers, prosecutors, social workers, barangay officials, membro ng Local Council for Protection of Children at iba pang concerned personnel.
00:41Pinasalamatan din ni Gatchalian ang inilabas na circular number 017-2023 ng Department of Justice na nagbibigay ng immunity sa mga social worker na nangangalaga sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
00:54Noong nakalipas na taon, nakapagtala ang Child Protection Network ng mahigit 12,000 kaso ng pang-aabuso sa mga bata.