Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Plano ang bisigahan ng Tri-Committee sa Camera ang mga kwestyonable umanong flood control project.
00:06Pero hindi pa board dito si Presidential Sun at House Majority Leader, Sandro Marcos.
00:12Saksi, si Maki Pulido.
00:18Nang manalasa ang magkakasunod na bagyo at habagat sa Visayas ni Tonghulyo,
00:23binahaang Iloilo City kung saan may namatay, gayon din sa Oton at iba pang bayan sa probinsya.
00:28Sinisi ni Iloilo City Mayor Raisa Treña saan niya yung mga palpak na imprastruktura,
00:33hindi tapos ng mga proyekto at ghost o nawawalang flood control projects.
00:37Aabot niya sa 4 na bilyong piso ang halaga nila sa loob lang ng dalawang taon.
00:43Yung iba hindi namin makita kasi sometimes sa projects naka-specify lang, naka-general lang,
00:50slope protection for Iloilo or walang specific address.
00:59So kaya hindi din kami makabigay ng specific kung ano ba, details kung paano na or kamusta na yung project.
01:07Dalawa sa mga kumpanyang nasa likod na mga proyekto ay kabilang sa labin limang kumpanyang pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos
01:14na naka-corner ng 20% ng mga pondo para sa kontrabaha sa buong bansa.
01:20Sila ang Timothy Construction Company at Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation
01:25na naawardan din ang tigma higit 7 bilyong piso.
01:29Sabi ni Mayor Treñas, sa Iloilo City, 600 million pesos na ang kabuoang project cost
01:34para sa apat na flood control project ng St. Timothy at Alpha and Omega.
01:39Pero walaan niya sa project description ng dalawang proyekto kung saan itatayo ang mga ito.
01:45Habang ang dalawa, walang ginagawang proyekto sa nakalistang lugar.
01:49Ang Iloilo City District Engineering Office ng DPWH,
01:52ang implementing agency ng mga naturang proyekto.
01:55Kinakalampag pa ng City Hall ng DPWH para makakuha ng ibang detalye.
01:59Kaya ghost talaga kasi inahanap natin, hindi natin mahanap, nagtatago.
02:07Kaya, or maybe, with the help of DPWH, they can locate this and they can explain to us kung saan ba
02:16at makita na natin yung ghost. Baka buhay pala.
02:21Sa SEC General Information Sheet ng St. Timothy at ng Alpha and Omega,
02:25ang gusaling ito sa Pasig ang kanilang office address.
02:28Pero ang pangalan sa labas ng gusali ay St. Gerard Construction.
02:32Kahit ang St. Gerard, may questionable rin umanong proyekto sa Iloilo City,
02:37ayon kay Mayor Trenyas.
02:38The St. Gerard project, according sa barangay captain,
02:43na andun was to have an esplanade.
02:48Instead daw, mas mataas daw yung esplanade, mas bumaba.
02:52Parang not according to specs.
02:55Sinubukan uli namin kunin ang pahayag ng mga kumpanya,
02:58pero hindi pa rin sila nagbibigay ng pahayag.
03:01Ang mga kwestyonable umanong flood control project,
03:04iimbestigahan sa Kamara ng Tri-Committee,
03:06ang Public Accounts, Public Works, at Good Government.
03:09Pero hindi pabor dito ang presidential son na si House Majority Leader,
03:12Sandro Marcos.
03:14What do you say about your decisions that the House doesn't have the credibility
03:18to conduct its own investigation into flood control projects?
03:21I actually agree.
03:23There are dozens of contractors.
03:26And why, sir?
03:27In what way?
03:28Why would a body investigate itself?
03:32Kabilang daw kasi sa pinaghihinalaan ang ilang mambabatas.
03:35I think we shouldn't get ahead of ourselves.
03:38Although the House, I believe, should assist in being able to identify where the anomalies are,
03:45I think it will be primarily the prerogative of the executive
03:48to be able to identify where these anomalies lie,
03:56given the fact that, again, the accused, so to speak, are within the legislature.
04:03Kaya sabi ni Quezon Representative at House Senior Deputy Speaker David Suarez,
04:09isang independent body ang mag-iimbestiga.
04:11We need a third party to look into it because, you know,
04:14mag-Congress kasi ang mag-iimbestiga.
04:16Sabihin na we're investigating ourselves.
04:19So dapat talaga may third party na mag-iimbestiga.
04:21Are you open to a third party investigation of the House?
04:25And it's possible by some of that?
04:26I don't see anything wrong with that.
04:28Kanina'y pinatawag na House Committee on Public Accounts ang DPWH
04:32para magbigay linaw sa issue.
04:34Pero kuenestyo ni Nabotas Representative Toby Tshanko ang jurisdiction nito.
04:38Kasama tayo sa tinitingnan dito.
04:40Dahil wala namang magiging kalokohan dito kung di na punduhan.
04:44At yung budget nang galing sa Kongreso.
04:46So Mr. Chair, gusto ko lang siguraduhin na
04:49talagang sinusunod natin ng stricto ang ating rules.
04:53Hindi po ba dapat ang committee na sumasakop dito ay yung good government
04:59and mas shoot siya doon?
05:03Yung pong committee on public accounts
05:05principally is a committee assigned to the minority.
05:09And the minority would like to be very relevant on current issues.
05:14Kung hindi po nagpatawag ng meeting yung committee on good government,
05:19kami po, inunahan na namin.
05:24Hindi pa na pag-uusapan ang tungkol sa flood control projects.
05:27Hinimay muna nila ang problema sa baha.
05:30Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
05:34Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:38Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended