00:00Samantala nababahala ang Philippine Cancer Society
00:03sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kababaihan sa Pilipinas na may breast cancer.
00:08Ito ang ulat ni Bien Manalo.
00:11Tila gumuho ang mundo at halos mawala ng pag-asa si nanay nati
00:16nang madiagnose siya ng stage 3 breast cancer noong 2015.
00:20Tinaningan na siya ng doktor na hanggang limang taon na lang siyang mabubuhay
00:24at pwede pa itong mapaaga kung hindi siya magpapagamota.
00:29Nagtatrabaho siya noon bilang staff sa restaurant
00:31kaya mas lalo siyang nanlumo ng malamang milyon-milyong piso
00:35ang kanyang magagasto sa pagpapagamota.
00:38May pagsisisi rin si nanay nati na hindi siya agad sumailalim sa early detection at screening
00:43at hinintay pang lumala ang sitwasyon.
00:46Nung malaman ko po na may cancer po ako, as in end of the world na po talaga,
00:52sabi ko malalaban pa ba ako o susuko na.
00:56Kasi talagang, as in, nung sinabi ng doktor, you have stage 3 breast cancer,
01:00you must prepare 3 million, so blanko ang isip ko.
01:03As in, hindi ko alam ano sasabihin ko, nanginginig ang mga tuhod ko.
01:09Sampung taon ding nakibakasasakit si nanay nati.
01:12Hindi siya nagpatinaga, pilit siyang lumaban para sa kanyang anaka.
01:16Labis ang kanyang pasasalamat sa mga tao, organisasyon at grupo na tumulong sa kanya.
01:21At bilang isang cancer survivor, nagsisilbi siyang inspirasyon sa iba pang cancer patients
01:27na maging matataga at huwag mawala ng pag-asa.
01:31Early detection saves life.
01:33Kaya lagi ko yung sinasabi sa kanila.
01:35Kaya ako pinalakas pa dahil kailangan akong i-inspire yung iba na
01:39tingnan niyo ko, lumalaban po ako.
01:42Bracing talaga sa akin yun nandito ako para masabi ko din sa kapwa ko mga pasyente
01:47at sa mga hindi pa nagpapacheck up na, magpacheck up na po kayo.
01:51Nababahala ang Philippine Cancer Society sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kababaihan sa bansa
01:57na nagkakaroon ng cancer sa suso.
02:00Breast cancer ang pinakakaraniwang cancer ng mga Pilipina.
02:04Ayon sa PCS, Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa Timog Silangang, Asia.
02:12Umaabot sa 27,000 ang naitatalang kaso ng breast cancer kada taon
02:17o isang Pinoy sa bawat 32 segundo ang namamatay dahil dito.
02:22Noong 2022 nga, pumalo sa may gitlabing isang libong Pilipino ang namatay dahil sa breast cancer.
02:29Sabi pa ng PCS, 55-65% ng mga kababaihan sa Pilipinas,
02:35late na nilang natutukla sana na may breast cancer na pala sila.
02:39Dahil dito, pinaigting pa ng grupo ang early detection at screening.
02:43But there's such a thing as AI-assisted ultrasound and mammography screening for breast cancer.
02:52It's assisting this technology to detect more precisely the presence of mass in the breast.
03:03Palalawigin pa nila ang kanilang ACA-NOW o Access to Cancer Treatment Now programa.
03:09Tampok dito ang kanilang mobile cancer screening bus na nagbibigay ng libring breast and cervical detection services,
03:16lalot higit sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan.
03:19Sa ngayon, umabot na sa may git 46,000 kababaihan ang naservisyohan na ng mobile cancer screening basa
03:27mula sa may git 800 outreach mesyonsa simula ng ilunsag ito noong 2015.
03:32For us, women, Filipinas, na hindi naman po mas madali pong gamutin yan kung maliliit,
03:40huwag niyo pong patagalin dahil pwede naman kayo pumunta sa ospital magpatingin para maagapan ka agad
03:49because if you really come in very early, your survival, mas mahaba po ang survival.
03:54Samantala, itinaas pa ng Philippine Health Insurance Corporation of PhilHealth
03:59ang benefit package nito para sa breast cancer.
04:02Mula kasi sa dating 100,000 pesos, ay itinaas na ito sa 1.4 million pesos
04:08na malaking tulong sa gamutan ng mga breast cancer patient.
04:12Bien, Manalo, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.