00:00Artificial intelligence para sa mga bata, isa ito sa mga ibinida sa huling araw ng pagdaraos ng Artificial Intelligence o AI Festival sa Iloilo City.
00:10Iginiit naman ang DOST na hindi dapat katakutan ng publiko ang AI. Si Isaiah Miracuentes sa Sentro ng Balita, live.
00:22Tama ka dyan, Naomi. Ngayon na nga ang huling araw ng pagdaraos ng AI Festival dito sa Provinsya ng Iloilo.
00:28Pero kahit patapos na itong festival na ito, tuloy pa rin sa pagpapasiklab ang mga estudyante at mga organisasyon mula sa iba't ibang panig ng bansa gamit ang kanilang mga obra ang gawa sa Artificial Intelligence.
00:45Nakilala ang Artificial Intelligence sa mga videos katulad nito.
00:48Pero natuklasan ko na ang Artificial Intelligence ay marami pa nang kayang abutin.
00:54Hindi lang mga video, pero kaya rin itong aliwi ng mga bata.
00:59Kagaya na lamang sa isang bagay na nakilala ko dito sa AI Festival sa Iloilo City.
01:05Dito sa exhibit, may nakilala ko. Ang pangalan niya, Zoom Zoom AI.
01:10Isang laruan na pinapaganan ng Artificial Intelligence.
01:14Pero ang kakaiba sa kanya, hindi mo na kailangan gumamit pa ng remote control dahil mapapagana ko siya sa pamamagitan lang ng aking boses.
01:23Susubukan ko.
01:24Forward.
01:27Turn left.
01:30Turn left.
01:33Turn left.
01:36Forward.
01:37Forward.
01:38O diba? Nakakamangha.
01:40Dahil sa Artificial Intelligence, mas lalong umusbong ang makabagong panahon.
01:46Dahil rin sa AI, mas napadadali nito ang trabaho ng mga Pilipino.
01:52Maliban kay Zoom Zoom AI, natuklasan ko rin ang isang proyekto ng Department of Science and Technology na ay tanong.
02:00Kagaya nito, sa dami ng batas sa Pilipinas, panigurado, halos wala sa atin ang may kayang kumabisa nito.
02:08Pero dahil sa AI tanong na kayang sagutin ang mga tanong, hindi na tayo mahihirapan.
02:14Sinubukan ko itong gamitin.
02:16Bilang mamamahayag, itinanong ko sa AI tanong ang aking mga karapatan.
02:21At makalipas ng limang segundo, nasa harap ko na ang lahat ng sagot.
02:26Parang isang tao na may sariling utak. Yan ang Artificial Intelligence.
02:31AI, welcome to the city of the Iloilo!
02:38Dito sa Iloilo City, nagpapatuloy ang Artificial Intelligence Festival.
02:43Ayon sa DOST, ang AI ay mahalaga at pausbongin pa sa pag-usad ng panahon.
02:49Hindi ito dapat katakutan dahil malaking suporta ito para sa mabilis na progreso ng bayan.
02:58Naomi, maliban sa mga pinakita ko, marami pang mga obrang gawa sa AI na makikita dito sa AI exhibit dito sa Iloilo Convention Center.
03:07Merong mga robot, merong ibang mga agricultural products, at merong yaring mga pelikula na binoorin ng AI.
03:14At yan muna ang pinakahuling balita muna dito sa Iloilo City.
03:17Iibalik muna sa iyo, Naomi.
03:19Maraming salamat, Isaiah Miro Puentes.