00:00...formal ng na-turnover ng Department of Budget and Management sa Kamara
00:04ang 2026 National Expenditure Program o Panukalang Pambansang Pondo
00:09para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 6.793 trillion pesos.
00:16Pinangunahan ni na House Speaker Martin Romualdez at DBM Secretary Amen na pangandaman
00:22ang seremonya kanina kasama ang iba pang opisyal ng Kamara at DBM.
00:27Ayon kay Secretary Pangandaman, pinaghirapan ng administrasyon ang pagbuo sa NEP
00:32sa pangungunan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ngala ng mas maunlad na bagong Pilipinas.
00:40Iniulat naman ni Speaker Romualdez sa mga reformang ipapatupad ng Kamara sa budget deliberations
00:47kabilang ang pag-alis sa small committee, pagbukas ng bicameral conference committee meetings sa publiko
00:53at pakikilahok ng civil society organizations sa mga budget hearing.
00:59Sa ilalim ng proposed 2026 National Budget, pangunahin pa rin paglalaanan ng pondo ang social services
01:07kung saan nakapaloob ang edukasyon na sinundan ng economic services, general public services, debt burden at defense.
01:17Top 10 departments naman ang DepEd, DPWH, DOH at PhilHealth, defense, interior and local government,
01:26agriculture, social welfare and development, transportation, judiciary at labor and employment.