Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang personalidad ang nauugnay sa mga contractor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos
00:05na nakakuha ng isang daang bilyong pisong halaga ng flood control projects.
00:10Saksi, si Maki Pulido.
00:15Labing limang contractor ang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos
00:19na nakakuha ng isang daang bilyong pisong halaga ng flood control projects
00:24o 20% ng kabuang fondo para rito.
00:27Sa labing limang yan, base sa datos mula sa Malacanang,
00:31tinakamalaking halaga ng mga proyekto ang nakuha ng SunWest Incorporated
00:35para yan sa 78 flood control projects na nagkakahalaga ng mahigit 10 bilyong piso.
00:42Base sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research,
00:46dati nang naugnay sa ilang kontrobersya ang SunWest Incorporated.
00:502012, nagsitahin ang COA ang isa sa kanilang mga proyekto.
00:53Lumabas kasi na bitin ng higit 2,000 square meters ang lapad ng kasadang kanilang ginawa
00:59kontra sa nireport nitong accomplishment sa DPWH.
01:04Napuna rin sila noon ng Senado.
01:06Bakit daw isang construction company ang supplier ng PSDBM
01:09para sa Protective Personnel Equipment o PPE
01:13noong 2020 at 2021 sa kasagsagan ng pandemia?
01:17SunWest Construction and Development Corporation o SCDC pa ang pangalan nila
01:21noong mga panahon yun.
01:23Lumabas din ang pangalan ng SCDC bilang supplier ng umanoy overpriced
01:27at outdated na laptop sa DepEd sa 2022 audit ng COA sa PSDBM.
01:33Dati incorporator ng SunWest pero nag-divest ng umano
01:36si Acobico Partylist Representative Elizalde Coe.
01:39Sinusubukan pa namin kunin ang kanyang pahayag.
01:42Mahigit 10 na bilyong piso naman ang nakuha ng Legacy Construction Corporation
01:46para sa 132 projects.
01:49Pinakamarami ito sa listahan.
01:50Pinuntahan namin sa Pasig City ang nakuha namin office address nito
01:54pero sinabi ng security guard na lumipat na ang legacy
01:57bago mag-COVID pandemic noong 2020.
02:01Mahigit 7 bilyong piso naman ang nakuhang proyekto
02:03ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation.
02:08Pareho ang office address ng Alpha and Omega
02:10sa St. Timothy Construction Corporation
02:13na na-awarda naman ng mahigit 7 bilyong pisong flood control project.
02:17Pero sa labas ng office address ng dalawa,
02:20St. Gerard Construction ang nakalagay na pangalan.
02:23Sa pinakahuling general information sheet ng Alpha and Omega,
02:27si Sarah Diskaya ang nakalagay na residente.
02:30Nito lang nagdaang eleksyon,
02:32nakalaban siya ni Pasig City Mayor Vico Soto sa pagkaalkalde ng lungsod.
02:36Nang makapanayam noon ng GMA Integrated News,
02:39ang asawa ni Sarah na si Pasifiko Diskaya,
02:41sinabi niyang dati silang shareholder ng St. Timothy
02:44pero nag-divest na rao sila rito.
02:46Nangupahan din daw dati sa kanilang building ang St. Timothy
02:49pero umalis na ito.
02:51Ang St. Timothy ang nag-pull out na venture partner ng Miro Systems
02:54para sa 2025 automated elections.
02:58Sinusubukan pa naming hingin ang kanilang mga pahayag.
03:02Halos 8 bilyong piso naman ang na-award sa EGB Construction Corporation.
03:07Git ng kumpanya, quadrupo A status ang kanilang construction company
03:11dahil may integridad ang kanilang kumpanya.
03:14Maayos po ang aming trabaho.
03:16Tumutupad po kami sa lahat ng plans and specification.
03:20Nasa listahan din ang Center Waste Construction and Development, Inc.
03:23na nakakuha ng mahigit 5 bilyong pisong halaga ng flood control projects.
03:28Inami ni Sen. President Cheese Escudero na kaibigan niya ang presidente nitong si Lawrence Lubiano
03:34pero inalmahan niya ang isinama sa isang news report
03:37na si Lubiano ang pinakamalaking donor ni Escudero noong 2022 elections.
03:41Matagal ko ng kaibigan at kakilala siya at tumutulong talaga sa amin.
03:46Mula't mula pa nung hindi pa iso to at tubong sarusagon talaga siya.
03:51Bagaman walang sinabi ang artikulong ginawa kong maliw masama,
03:55yung insinuation, yung inuendo, nandun pa rin for the record.
03:59Wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work,
04:03pag-bid, pag-award, pag-bahay, pag-payad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan.
04:09Pagdidiin pa ni Escudero, 1% lang ng P550 billion pesos na halaga ng flood control projects
04:16ang nakuha ng center waste construction.
04:19Bakit pinagtuunan ang pansin yun? Yung 1% pa talaga, hindi yung 99%.
04:24Bakit natin hindi tingnan? Sino ba yung mga mababatas at opisyal na gobyerno
04:28na aktual na kontraktor, aktual na may-ari,
04:32noong mga kumpanya na nakakuha ng kontrato sa gobyerno?
04:37Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Lubiano at ng center waste construction.
04:43Tingin ni Escudero, bahagi ito ng umano'y demolition job sa kanya
04:47ng mga nagtutulak sa impeachment ni Vice President Sara Duterte
04:51at taga-kamara umano ang nasa likod nito.
04:54Tila nagkakatutuanay, sinabi ko nitong mga nagdaang linggo
04:56na merong demolition PR job na nakatuon laban sa akin
05:00at tulad ng babala na isang kapwa ko senador
05:05na ito'y gagawin upang tiyake na maalis ako sa pwesto
05:09at nang pag-final muli daw yung impeachment
05:11ay wala na ako dito pagdating ng February 6.
05:14Sagot ni House Deputy Speaker Antipolo Representative Ronaldo Puno.
05:18Yung demolition job, siguro bangitin niya kung sino specifically
05:22para magkaayos-ayos na sila.
05:24Masama yung pagka-blanket na sinisiraan ako dito sa kongreso.
05:28Eh lahat kami tinatamaan, ikaw, kaibigan ko si Sen. Chis.
05:32Bati ba ako na damay na naman yan sa akosasyon niya.
05:35Hinihinga namin ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez.
05:39Pinasisilip na ng Pangulo ang tinawag niyang disturbing
05:42na pagkaka-corner ng ilang kumpanya sa mga proyekto.
05:45Ang DPWH-NCR kumpiyansa raw na walang sabit ang kanilang flood control projects.
05:51Malaki yung improvement kasi although nagbaha sa ibang areas,
05:55mabilis yung pagbaba niya.
05:56May mga areas din naman po na dating binabaha na ngayon hindi na.
06:00Ayon kay Roland Simbula ng Center for People Empowerment in Governance o SENPEG,
06:05paborito kanyang gatasan ang mga flood control project.
06:09Mahirap kasing i-monitor ito precisely because they are not so visible.
06:14We can only test their effectiveness and efficiency or what is deficient about them
06:20when the flood is already there.
06:23Bagaman walang inihahalimbawa, kabilang anya sa ginagawa ng iba,
06:27ang pagbibigay ng campaign fund.
06:29They invest in politicians, tapos yung politicians are expected
06:33to provide them with the contracts that they want to corner.
06:40Si DPWH Secretary Manny Bonoan,
06:42aminadong may hamon sa pagberipika ng mga ipinatutupad na proyekto.
06:47Well, we're doing our best actually to monitor,
06:49but once again the challenge is actually to verify them actually in the field.
06:54Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
06:59Mga kapuso, maging una sa saksi.
07:04Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended