00:00Samantala ay sinugod sa ospital ang tatlong estudyante matapos mabagsakan ng mga tipak ng semento mula sa isang condominium building dito po sa Quezon City.
00:09Nakatutok live si Sandra Guinaldo. Sandra.
00:15Yes, Emil, critical nga ang kondisyon ng dalawa sa tatlong bata na edad 12 anyos.
00:22At ayon po sa mga saksi ang mga batang yan ay nahulugan nga po ng debris mula sa isang gusali na nagkataon naman na yung mga batang iyon ay naglalakad doon sa harapan.
00:34Nangyari po yan sa panulukan ng Roses at Timog Avenue bandang 4.39pm ngayong hapon.
00:40Napuruhan sa ulo ang dalawa sa kanila na critical ngayon ng kalagayan habang nagtamo naman ng sugat sa braso ang isa pa.
00:48Isinugod sila sa malapit na ospital at doon ay nakausap namin ang magulang na isa sa mga bata at nanawagan sila ng tulong na sana raw ay may doktor na makatulong sa kanyang anak na nasa critical ang lagay ngayon.
01:02Nanawagan din sila sa may-ari ng gusali. Narito po ang payag ng ina ng isa sa mga biktima.
01:12Kailangan ko po sana ng magaling na doktor na makakatulong sa anak mo.
01:15Kasi po ayaw ko pumawalan ng pag-asa kasi humihinga pa siya. Umiiyak pa nga siya eh.
01:22Gusto yung kumansang tulong na naman ako magkawa. Wala na po ako maisip eh.
01:30Nagpinas kagulat ako eh. Pumakasok lang yung anak ko eh.
01:34Hindi ko alam na magkakaganyan siya.
01:36Sa ngayon Emil nananawagan nga po yung magulang na isa dyan sa mga bata.
01:48At nakausap ko rin po maging yung lolo naman nung isa pang nasa critical na kondisyon.
01:53At sila po ay nananawagan ng tulong.
01:56Gayun din nananawagan po sila para doon naman sa pananagutan ng may-ari ng gusali.
02:01At Emil, sinubukan na rin natin na makakuha ng pahayag mula doon sa administrator.
02:08Pero sa ngayon ay wala pang makausap.
02:11Emil?
02:11Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
Comments