70% na ng mga classroom sa bansa ang wala sa kondisyon, ayon sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2. Lumabas ding mas mahal magpatayo ng classroom sa mga contractor ng DPWH kumpara sa halaga ng mga mga dino-donate ng pribadong sektor.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:0070% na ng mga classrooms sa bansa ang wala sa kondisyon ayon sa pag-aaral ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM-2.
00:10Lumabas ding mas makal magpatayo ng classrooms sa mga kontraktor ng DPWH, kumpara sa kalaga ng mga dinodonate ng privadong sektor.
00:18Nakatutok si Mark Salazar!
00:19Ang Kalubkob Elementary School sa Naikavite ang ginawang mukha ng education crisis ng EDCOM-2 sa kanilang report sa Senado kanina.
00:33Nang puntahan ito ng GMA Integrated News sa pagbubukas ng klase nitong Hunyo, nakita ang pagsisiksikan ng 1,800 students sa dalawang standard classroom at anim na makeshift classroom sa sobrang lala ng classroom backlog.
00:49Sa kalapit na government housing project na lang, nagkaklase ang kinder to grade 3.
00:54Sa kabuan, 165,000 classrooms ang backlog na ayon kay Education Secretary Sani Angara, aabuti ng limang dekada bago nila mahabol maipatayo ang mga ito.
01:06Mabagal kasi ang building rate. Halimbawa, noong isang taon, 847 classrooms lang ang naitayo.
01:13165,000 classrooms ang kulang ayon sa DepEd.
01:19Pero hinala din po namin na mas marami pa dito ang kakulungan.
01:23Ayon sa EDCOM report, 5.1 million ang aisle learner o nakupo sa aisle ng classroom kasi wala silang silya.
01:31Hindi rin natin nabibilang sa kulang ang mga classrooms kung saan may double shift o triple shift ng mga estudyante.
01:38Ilang libo pa kaya ang sira, siksikan?
01:42Kung ito po ay sinuma ho natin in peso value, lalabas po almost 413 billion ang kailangan ho natin.
01:49Ayon sa EDCOM 2, malamang na higit sa 413 billion ang kailangan dahil wala pa sa nakwenta ang pagkumpuni sa mga kwartong wala na sa kondisyon.
02:00Dahil 70% pala ng mga classrooms sa bansa ay wala na sa kondisyon.
02:05Katunayan, maraming estudyante ang nagkaklase ng may piligro.
02:10Wala po kaming school na na-visit na wala pong condemned building pero minsan kailangan talagang gamitin kasi walang pagsiksikan ng mga bata.
02:18And siguro po a real mapping out of all of the condemned buildings that are still being used
02:23and also a projection of the timeline of their condemnation so that we could match our investments to also replace those classrooms.
02:32Lumaba sa pagdinign ng Senado na nasa DPWH na pala ang pondo at responsibilidad sa pagtatayo ng bagong classroom.
02:39At nainis si Senador Loren Legarda sa taas ng presyo ng mga kontratista ng DPWH
02:45kumpara sa mga kontratista ng private sector na nagdo-donate ng classroom.
02:50Sa private donor, 20,000 lang per square meter habang 36,000 sa mga kontratista ng DPWH.
02:57For the life of me, almost double. So, the backlog in classrooms, it will be halved with the budgets that we have.
03:08Makakalahati po kung yung contractors ng pribadong sektor na donors nila ang gagawa.
03:15Diiban na natin yung mga 36,000 na yan kung meron palang halintulad sa quality po na 20,000.
03:23Yung pagwawaldas ng pera sa edukasyon dapat walang kuwang sa lipunan natin.
03:28Dahil hindi lang eskwelahan ang niyanakawan kung hindi pangarap ng mga kabataan at mga pamilya na naghahangad lang na may anak silang makapagtapos.
03:37Magbubuo ng Technical Working Group ang Senado para himayin ng mas masinsin ang problemang ito.
03:43Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
Be the first to comment