Skip to playerSkip to main content
6 na classroom para sa halos 3,000 estudyante sa isang paaralan sa Cavite! Isa lang 'yan sa mga problemang sasalubong sa pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Lunes. Kaya mismong education department, aminadong kailangan na ng tulong ng pribadong sektor!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:006 classroom for almost 3,000 students in one place in Cavite.
00:07One is one of the problems that are going to start classes in public school.
00:15So, the education department is going to need help from the private sector.
00:22Mark Salazar.
00:23Ito ang Siudad Nuevo Dinaik Elementary School sa Naik Cavite.
00:31Huling araw nila ngayon ang enrollment at umaabot na sa 2,887 ang kanilang enrollees.
00:38Pero paano kaya magkakasya ang mga bata sa a-anim lang na classrooms na meron sa kakarampot na 500 square meters nilang campus?
00:47Ito na dapat ang pinakahuling classroom sa pasilyo na ito.
00:52Pero dahil hindi nga sapat, kailangan nilang humanap na espasyo.
00:56At nakahanap nga naman sila sa pababang ito.
01:01Karagdagang espasyo para sa mga klase pa na kailangan nilang punan.
01:06Ang tawag nila dito, baby bus.
01:08Baby bus dahil tingnan nyo naman, courting bus.
01:11Pati pagkakasalan sa mga upuan ay parang bus.
01:14Pero ang espasyo na ito ay kailangang mag-house ng 60 learners sa bawat klase.
01:21E 50 lang ang upuan.
01:23So yung mga sosobra na wala ng sariling upuan,
01:27ay dito na lang, uupo dito.
01:29Basta magkasha lang sila at mairaos ang kanilang klase.
01:34Malayo na sa ideal 25 to 45 student per class ang kanilang 60 per class ratio.
01:41Yan ay sa kabila ng 3 shifting na sila.
01:43At may dalawang araw na modular ang mga bata.
01:46Di bali ng walang library, walang clinic, guidance office o kantin.
01:51Ang dalawang 10th classroom na ito ay dalawa sa apat na improvised na classroom na ginawa ng paaralan
01:58para pagkasyahin yung kanilang mga estudyante.
02:00Masyadong raw yung classroom na ito.
02:04Nakita nyo naman, ang nandito lang ay buhangin.
02:09At syempre, ang mahalaga lang naman, meron silang blackboard at mga upuan.
02:14Pero ang pinakamalaking challenge dito ay pag ganitong tag-ulan.
02:18Dahil tumutulo daw ito.
02:20Kita naman ang mga butas o.
02:21At umaanggi yung ulan.
02:24Kaya marami daw na eksena rito habang nagkaklase, nakapayong ang mga bata.
02:30Kahit masigip, mahirap, ilang magteis para makatapos ang mga anak namin.
02:37Namangha ang mga dayuhang volunteers sa Brigada Eskwela.
02:40Nasa kabila ng lahat, excited pa rin ang mga bata sa balik eskwela.
02:44Kahit mahirap ang situation nila, like, soprang humble talaga.
02:50Soprang masaya sila sa kahit anong situation.
02:54Kahit, like, mahirap, they make the best of it.
02:58Masaya sa Filipino people. Always.
03:02Sinubukan naming makapanayam ang mga opisyal ng eskwelaan
03:05pero wala rin silang clearance para magpa-interview.
03:08Pero anila, nagkaganito ang sitwasyon dahil lumoburaw ang populasyon ng Naikavite
03:14dahil sa mga relocation sites na itinayo sa kanilang bayan.
03:18Sa buong bansa, mahigit 165,000 ang classroom backlog.
03:23Dahil dito, 5.1 million na istudyante ang tinatawag na aisle learners.
03:30O yung walang sariling armchair dahil singit lang sa classroom.
03:33Number one, yung budget na binibigay ko sa amin.
03:36Pangalawa ko, yung dahil lumalakas ko yung mga bagyo, yung mga kalamidad,
03:40mas maraming nasisira.
03:41Pangatlo, yung aging o yung pagluluma ng mga ibang silid-aralan.
03:46Pangapat, yung paglakit po ng ating populasyon.
03:49So yun, lahat yun ay factor kung bakit lumalaki yung agwat ng ating student-to-classroom ratio.
03:55Sa nakalipas na limang taon, 847 classrooms lang ang naitayo,
04:01o 12% lang ng target.
04:03Ilang taon bago natin matapos yung sekretary?
04:07Ang calculation namin, 55 years.
04:10Kasi lumalaki yung cost of construction, tapos lumalaki din yung ating populasyon.
04:16Aminado ang DepEd, kailangan na ng tulong ng pribadong sektor
04:19para matugunan ang labis na kakulangan sa classrooms.
04:23Pero meron tayong proposal sa ilalim po ng liderato po ni Pangulong Bongbong
04:27na mag-public-private partnership.
04:29Kasi hindi ka kakayanin yung inaalat ng gobyerno.
04:33So baga, uutang ho tayo, tapos ililist natin from the private sector
04:37to form of EPP o public-private partnership
04:40para kahit yung isang dang libo maubisahan natin
04:43dito sa ilalim ng termino ni Pangulong Bongbong.
04:45Sa Mangaldan National High School naman sa Pangasinan,
04:49upuan naman ang problema.
04:51Nagahabol sila hanggang kanina para i-repair
04:53ang 200 upuan na gagamitin sa lunes.
04:56Sa ngayon po, meron na po tayong kakulangan sa upuan
05:00pero mga sira lang naman po yun na po pwede naman po ayusin.
05:04Problema rin sa maraming eskwelahan ang sapat at malinis na palikuran.
05:08Sa usapin naman ng teacher backlog,
05:10ipinagmamalaki ng DepEd na kung noong 2023,
05:1490,000 ang kulang na teacher,
05:17ngayon, 30,000 na lang daw.
05:19Para sa GMA Integrated News,
05:22Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
05:26Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended