Senator Paolo “Bam” Aquino IV said there are at least 5.1 million students who are taking their classes along the aisle of school buildings due to the lack of seats and proper facilities.
00:00I think we're all in agreement today that there is an education crisis at kung hindi tayo magtutulungan para masolusyonan ang bawat issue na nagpapalala sa krisis na ito, lalong maaapektoan ang mga kabataan at kababayan natin.
00:15Ito ang alam namin basis sa ating konsultasyon at mula po sa report ng EDCOM 2.
00:19Unang-una, 165,000 classrooms ang kulang ayon sa DepEd. Pero hinala din po namin na mas marami pa dito ang kakulungan.
00:29Halimbawa, mayroong mga classroom na tinayo noong 1960s na hindi pa nire-renovate.
00:35Marami din ang classrooms na ginagamit bilang evacuation center, ng mga nabaha, na lindol, at ngayon ay sira-sira na.
00:43Marami din ang classrooms na siksika ng mga sudyante.
00:46Ayon sa EDCOM report, 5.1 million ang aisle learner o nakuupo sa aisle ng classroom kasi wala silang silya.
00:54Hindi din natin nabibilang sa kulang ang mga classrooms kung saan may double shift o triple shift ng mga sudyante.
01:05165,000 ang kulang o hindi pa nagawa, pero ilang libo pa kaya ang sira, siksikan, o kailangan ng mga sudyante para sa pagshifting.
01:18Pangalawa, maraming bottleneck sa project cycle para sa paggawa ng classroom.
01:23Maraming cause of delay at mga lipas na regulasyon at tuntunin na hadlang sa paggawa ng classroom.
01:29Ayon sa EDCOM report, hindi na rin applicable ang mga standard specifications para sa classroom sa iba't ibang lugar.
01:37Isang dahilan din doon ay ang buildable space, especially sa mga syudad, at saka na din ang iba't ibang kalupaan ng iba't ibang lalawigan.
01:46Hindi pa kasama sa mahabang listahan ng bottleneck ang delay sa budget release at issue ng land ownership.
01:53Parang di naman tama na may surplus ng kondo sa Metro Manila o napakabilis sa paggawa ng kasino o nung panahon ng Pogo.
02:01Parang ang bilis-bilis makagawa ng mga building, pero hanggang ngayon kulang-kulang pa rin ang classroom sa buong bansa.
02:07Bakit hanggang ngayon mayroon pa rin bottleneck para sa paggawa ng classrooms?
02:11Panghuli, ayon sa EDCOM report, iba-iba rin ang presyo sa paggawa ng classroom.
02:16Yung presyo ng DepEd ay 2.5 million pesos, although aalamin natin yan sa araw na ito.
02:23Yung presyo ng DPWH umabot ng 3.5 million pesos pataas.
02:28Bakit magkaiba ang presyo?
02:30At saan napupunta ang pera kung 847 classrooms lang ang natayo noong 2024?
02:36Yung pagwawaldas ng pera sa edukasyon dapat walang kuwang sa lipunan natin.
02:40Dahil hindi lang eskwelahan ang iyanakawan, kung hindi pangarap ng mga kabataan at mga pamilya na nag-ahangad lang na may anak silang makapagtapos.
02:51Kapag hindi ho natin mahanapan ng solusyon ang backlog ng classroom, we're looking at not just years but decades.
02:58Siguro mahigit pa sa limang presidente ang lilipas bago natin mahabol ang kakulangan na ito kung hindi ho natin itong mamadaliin at talagang bibigyan ng tamang pansin.
Be the first to comment