Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, August 12, 2025

-Barko ng Navy at Coast Guard ng China, nagkabanggaan habang hinahabol ang barko ng Phl Coast Guard

-China, sinisisi ang Pilipinas sa panibagong tensyon sa West Phl Sea

-PCG, pinalagan ang paninisi ng China sa Pilipinas kaugnay sa tensyon sa WPS kahapon

-PAGASA: Bagyong Gorio, lumakas bilang Typhoon; magla-landfall sa Taiwan bukas

-1, patay sa pagtagilid ng truck; 3, sugatan

-Vintage bomb, natagpuan sa isang creek sa Brgy. Virac

-Chinese Navy warship, nag-radio challenge sa aircraft ng PCG na nagpapatrolya malapit sa Bajo De Masinloc

-Dept. of National Defense at Atin Ito Coalition, kinondena ang panibagong harassment ng China sa West Phl Sea

-INTERVIEW: PROF. JAY BATONGBACAL, MARITIME LAW EXPERT

-PAGASA: Batanes, isinailalim sa signal no. 1 dahil sa Typhoon Gorio

-Konstruksyon ng bahagi ng North South Commuter Railway Project, magsisimula na ngayong araw; 17 pang tindahan ang kailangang tanggalin

-Guro, patay sa pamamaril; suspek ang estudyanteng ibinagsak daw niya kaya hindi makapag-enroll sa Grade 12

-Binatilyo, pinutulan ng kanang kamay matapos aksidenteng makahawak ng live wire

-"Green Bones," "Hello, Love, Again," at "Balota," nakatanggap ng samu't saring nominations sa 73rd FAMAS Awards


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:20.
00:24.
00:26.
00:28.
00:29.
00:31.
00:39.
00:43.
00:45.
00:46.
00:47.
00:50.
00:51.
00:53.
00:55.
00:57.
00:58.
00:59Sa gitna ng paghabol sa barko ng Pilipinas na BRP Suluan
01:05Nagkabanggaan ang mga barko ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy ng China
01:15Sa lakas ng impact, halos tumagilid ang CCG 3104
01:19Bago ang di nasa ang tagpong yan
01:23Kalahating oras hinabol ng CCG 3104 at PLA Navy 164 ang BRP Suluan
01:28Habang patungo ito sa Bajo de Masinloc na pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas
01:32Ilang beses dumikit ang dalawang barko ng China na pilit iniiwasan ng kapitan ng BRP Suluan
01:41Regular na pag-ikot ito ng Philippine Coast Guard sa ating EEZ
01:45Mission din nila na magabot ng tulong sa mga Pilipinong manging isda
01:48Hindi na nakahabol itong China Coast Guard Ship 3104
01:53Kaya ito naman ngayong PLA Navy 164 ang kumahabol sa Amigatad
01:57Silasubukang harangan yung maglabit namin sa Bajo de Masinloc
02:02Nang hindi maharangan ng BRP Suluan, nagbukas na ng water cannon ng Coast Guard Ship ng China habang pilit kami hinahabol
02:2310 km bago kami makarating sa Bajo de Masinloc, mas naging agresibo ang dalawang barko ng China
02:29Ilang beses din silang muntik magbanggaan
02:32Hanggang sa
02:33Bigla na lang sumulpot ang dambuhalang barko ng Chinese Navy at humarang sa dinaraanan ng China Coast Guard
02:42Sa anggulong ito mula sa aking 360 camera, makikita ang BRP Suluan ang matutumbok sana ng Chinese naval ship
02:49Mabilis lang nakalagpas ang barko ng Philippine Coast Guard, kaya mga barko ng China ang nagbanggaan
02:54There was a miscalculation on the part of the PLA Navy when it did a very sharp turn, siya yung bumangga sa China Coast Guard vessel
03:06Wasak ang uso ng CCG 3104, hindi patiya kung may nasaktan mula sa mga nagbanggaang barko
03:12Ang PCG niradyohan naman ang China Coast Guard para tumulong
03:15This is BRP Suluan 4406
03:18This is the Philippine Coast Guard vessel
03:21Should you need any assistance
03:23We have medical personnel on board
03:26Hindi sumagot ang barko ng China Coast Guard
03:29Habang ang PLA Navy 164 lalong naging agresibo sa paghabol
03:34Ilang beses nitong pilit inabot ang likor ang bahagi ng BRP Suluan at nagbaman niobro ang tila mambabanga
03:39Bumagal din kalaunan ang takbo ng Chinese Navy
03:53Dito na nakita ng kapitan ng BRP Suluan na tinamaan din pala ang barko ng Pilipinas
03:58Bumaluktot ang flagpole ng BRP Suluan matapos dumikit
04:01At bumanggarin dito ang barko ng PLA Navy nang magkabanggaan sila ng China Coast Guard
04:06Kalaunan, tumigil na rin sa paghabol ang PLA Navy habang palayo na kami sa Bahu di Masinlok
04:11Ang mga sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nakaranas din ng pangaharas
04:18Hindi bababa sa 25 barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Vessel ang nakapalibot sa Bahu di Masinlok
04:25Nag-radio challenge pa ang China na sinangkot din ang BIFAR
04:27Agad din sumagot ang BIFAR
04:40We must take leave of our route and are reminded of your obligation for self-conduct by the 1972 International Regulation Preventing Polition at Sea
04:50in the 1982 United Nations Convention on the Road of the Sea
04:54Nag-shadowing ang China Coast Guard Vessel 3306 sa gilid ng Multi-Mission Offshore Vessel o MMOV na Dato Bangkaya
05:01Sa di kalayuan, binugahan na rin ng tubig ng CCG ang isa pang partner MMOV ng BIFAR na Dato Sumkat
05:08Maya-maya, nagtangka na rin silang i-water cannon ang Dato Bangkaya
05:12Hinarangan at sinundan din ang China Coast Guard ang BIFAR vessel lalo nung lumapit sa Bahu di Masinlok
05:17Sa kabila ng naranasang pangaharas, idinaretsyo ng BIFAR at Philippine Coast Guard ang Kadiwa Mission
05:24Tinagpo nila ang mga mangiisda sa palibot ng Bahu di Masinlok para mamahagi ng bigas, tubig inumin, grocery packs, gamot at diesel
05:33Napakalaking tulong po nito sa amin dahil po sa magkakaroon po kami ng kaunting bawas na gasto sa aming bangka
05:40Hindi po kami makakilis na malayang mayigay at gawa ng, nandyan nga po sila parang-arang, kaya hindi po kami makakilis masyado
05:47Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News
05:51Pilipinas ang sinisisi ng China kung bakit daw nagkakatensyon sa West Philippine Sea
05:57Kasunod ng panibagong insidente roon kahapon, sinabi ng China Coast Guard o CCG na mga barko ng Pilipinas daw ang nanghimasok
06:04Ayon pa sa takapagsalita ng CCG, ipagpapatuloy nila ang pagpaprotekta sa kanilang karapatan at maritime interests sa tinatawag nilang Huang Yan Dao
06:13Sinigundahan naman niya ng Chinese Foreign Ministry
06:15Lihiti mo at naaayon-an nila sa batas ang kanilang ginawa para ipagtanggol ang kanilang territorial sovereignty
06:21Ang mismo ugat daw ng tensyon ay ang anilay sinasadya at mapangudyok na mga aktibidad ng Pilipinas
06:27Hinimok nila ang Pilipinas na tigilan na ito at huwag nang labanan ang pagprotekta ng China sa anilay kanilang karapatan at interes
06:34Hindi naman nabanggit na maopisyal ng China ang bangga ng dalawa nilang barko na nakunan ng video
06:40Batay sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS
06:43Pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang lugar kung saan nangyari ang paghabol at pagwater cannon ng mga barko ng China
06:51Sa mga barko ng Pilipinas
06:53Pinalaga naman ng Philippine Coast Guard ang paninisin ng China sa Pilipinas
07:00Hindi raw alam ng PCG o ni PCG Commodore J. Tariela ang basehan para nasabihan ng China
07:07Gayong invalidated na ng 2016 Arbitral Ruling ang claim ng China sa Bajo de Masinloc
07:15They do not have any legal authority to assert whatever claims na sinasabi nila dito
07:22What is clear here, ang mga ganitong dangerous maneuver, reckless na blocking ng PLA Navy at ng Chinese Coast Guard
07:32Will really lead to incidents kapag ganito ang ginagawa nila sa karagatan
07:38Lubokas pa bilang typhoon ang bagyong goryo
07:47Ayon sa pag-asa, wala itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa
07:52Hindi rin ito natatahak ang hanging habagat o nahahatak ang hanging habagat
07:58Base sa pinakauling forecast, tanghali bukas posibleng mag-landfall ang bagyong goryo sa Taiwan
08:04At kinagabihan ay inaasang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility
08:10Huling namataan ang bagyo, 630 kilometers silangan ng Itbayat, Batanes
08:16Taglay nito ang lakas ng hangin na abot sa 120 kilometers per hour
08:22Walang nakataas ng wind signals sa bansa
08:25Tumutok lang dito sa balitanghali para sa 11 a.m. bulletin ng bagyong goryo
08:30Sa ngayon, higit na makakaasa sa maayos na panahon ang Metro Manila at ilang panig ng bansa
08:37Pero posible pa rin ang mga local thunderstorm
08:40Ula din naman dahil sa habagat ang Mimaropa Region, Western Visayas, Negros Island Region at Zamboanga Peninsula
08:49Ito ang GMA Regional TV News
08:55Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV
09:01Tumagilid ang isang truck sa Tingloy, Batangas
09:05Chris, kamusanayang mga sakay ng truck dyan?
09:09Sandra Nasawi ang isa sa mga sakay ng tumagilid na truck sa Barangay Pisa
09:15Dead on arrival siya sa ospital habang sugatan ang tatnong iba pang sakay ng truck
09:19Base sa investigasyon, nasa pababang bahagi ng kalsada ang truck nang mawala ng kontrol ang driver nito
09:25Maarap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries
09:30Wala pa siyang pahayag
09:32Isang vintage bomb naman ang natagpuan ng mga minero sa Itogon, Benguet
09:37Ayon sa mga otoridad, isang klase ng general purpose bomb na high explosive ang nasabing bomba
09:43na nakita sa isang creek sa Camp 5 sa Barangay Dirac
09:46Nasa kusudiyan na ngayon ang Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit
09:51ang mahigit sa 300 kilong bomba
09:54Payo ng mga otoridad, agad i-report ang mga hinihinalang bomba
09:58at huwag itong hawakan o galawin para iwas disgrasya
10:02Bantay sarado ng nasa 25 barko ng China ang baho ni Masinlok sa West Philippine Sea
10:10ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard at isang maritime security expert
10:14Ang isa sa mga barkong yan ni-radio challenge ang TCG aircraft na nagpatroyal sa lugar kahapon
10:19Balitang hati ni Jonathan Andal
10:21Hindi lang galing sa China Coast Guard ang natanggap naming radio challenge
10:34kundi galing na sa mismong barkong pandigma ng China
10:37habang papalapit kami sa Scarborough Shoal
10:40Pero hindi nagpatinag ang kasama naming mga piloto
10:53Ang misyon ng Philippine Coast Guard ang magpatrolya sa Bajo de Masinlok o Scarborough Shoal
11:07Hindi pa man kami nakalalapit doon, nagpakita na ng pwersa ang China
11:11May nakita na kami rito mga barkong ng China Coast Guard
11:15Pero meron din kami nakitang mga barkong pandigma ng China na nakadeploy dito
11:21Sa atin naman, sa Pilipinas, meron tayong barko ng Philippine Coast Guard na nandito
11:26Maya-maya pa, may lumilipad na rin chopper mula sa panig ng China
11:31May chopper na lumilipad dito, mukhang galing doon sa barkong pandigma ng China
11:38Ang mga tagpong ito, nangyari 100 nautical miles o 180 kilometers mula sa coastline ng Iba Zambales
11:4650 nautical miles pa ang layo bago marting ang Bajo de Masinlok
11:50Kaya nagtataka ang aming mga piloto
11:52Anong mayroon sa Bajo de Masinlok at malayo palang gwardyado na ito ng gusto ng China
11:57Para malaman, lumipad kami sa bukana ng Masinlok
12:00Wala naman kaming nakitang kakaibang aktibidad
12:03Pero may isang Chinese Maritime Militia Vessel ang nakapuesto sa bukana
12:07Nakikita rin yan sa satellite image na ito ng Maritime Security Expert na si Ray Powell
12:12Isang barko sa bukana ng Masinlok habang sandamakmak na barko ng China ang nakapaligid dito
12:19Mula himpapawid, nakita namin ang dalawang barkong pandigma ng China
12:23Dalawang Chinese Coast Guard ships at dalawang Chinese Militia Vessel
12:27Ayon sa Philippine Coast Guard, umaabot na sa 25 ang mga barko ng China sa Masinlok
12:33Ang Pilipinas naman may dalawang Coast Guard ships, isang fish carrier at 30 bangka ng mga mangingisdang Pinoy
12:40Concerning in a way na if we're going to look at the Filipino fishermen being harassed ng mga Chinese maritime forces na ito
12:50Dahil mapre-prevent nila ang ating mga kababayang mga ista to move forward towards Baho di Masinlok
12:58Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News
13:02Hindi tayo pasisiil
13:06Ito ang mensay ng Department of National Defense sa Philippine Coast Guard na muling naharas ng China malapit sa Baho di Masinlok kahapon
13:16Kinundira ng DND ang anilay napakasama at walang saisay na ginawa ng China
13:22Nagkabanggaan noon ang Coast Guard at Navy ships ng China sa sa gitna ng mabilis na paghabol ng BRP Suluan
13:31Nagbukas din ang water cannon ng China Coast Guard Vessel na naiwasan ang BRP Suluan
13:37Giit ni Defense Secretary Gibot Yodoro, hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas pero kailangan gawin ang nararapat para protektahan ang ating sovereignty
13:48Kinundira na rin ng grupong atin ito ang harassment ng China
13:52Meron ding pa-online rap contest ang atin ito na layong itaas ang awareness sa mga issue sa West Philippine Sea
13:59Sabi ng koalisyon, ang pagtatanggol sa ating karapatan ay pwede rin ipahayag gamit ang musika at art
14:06Kaugnay sa nangyaring panibagong tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa bawah di Masinlok
14:13Kausapin natin si Maritime Law Expert Professor Jay Batong Bakal
14:16Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali
14:19Hi, magandang umaga, Rafi at sa lahat po ng mga nanonood at kikinig
14:23Sa palagay niyo po ba, meron magiging implikasyon yung nangyaring banggaan ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy
14:29sa kakahabol sa barko ng Pilipinas?
14:32Well, syempre po, malaki po yung implikasyon nga dahil nakita natin na talagang
14:36parang sinadya ng PLA Navy sana na sagasaan, banggain at sagasaan yung ating Coast Guard vessel
14:44yun nga lang, ang nangyari ay yung sarili nilang Coast Guard vessel ang nadisgrasya tuloy
14:52Base po sa IWIT, nandun po ako kahapon at talagang kitang-kita namin na kung tinamaan yung aming barko
14:58ang sabi rin ng crew nitong barko, posibleng lumubog po kami
15:01Ganon kalaki yung epekto kasi napakalaki nitong barko ng PLA Navy
15:06Alam po ba ng China Navy yung implikasyon nito kapag may namatay ng mga Pilipino doon sa incidenting yun?
15:13Well, tama ka, kung sakaling nasagasaan yung barko, palagay ko ay mahahati pa nga yun
15:19at siguradong lulubog sa laki ng kanilang destroyer
15:22Sa tingin ko, alam naman siguro nila yung implikasyon na yun
15:26Kaya nga ang thinking ko, parang talagang deliberate na agresyon yung ginagawa nila
15:31para na takutin tayo at siguro ang plano nila ay gawing sample yung ating mga kababayan doon sa BRP Siluan, kung sakali
15:42At sabi po ng China, Pilipinas pa rin daw yung nagsimula ng tensyon sa West Philippine Sea
15:47Reaction niyo po riyan?
15:48Well, nakakatawa naman yun, pero again, parang iwas po sila kung sino pa yung binibiktima yung pang sinisise
15:58Malinaw naman na ang pangyayari ay hindi pa malang yata nakaabot sa Scarborough
16:04At saka itong China ang nagdeploy ng napakaraming Navy and Coast Guard vessels
16:10para i-confront itong nag-iisa nating Coast Guard vessel
16:14Malinaw naman dito kung sino ang gumagawa ng gulo, sinong mas malayo sa kaninong lugar
16:19Sila ito, alos isang libong kilometro lagpas na siguro silang malayo sa kaninong lugar
16:26Tapos sila itong nangaharang at nag-attempt na managasa, bale, ng ating mga barko
16:33So, hindi talaga kapanipaniwala yung sinasabi nila na tayo ang gumagawa ng gulo
16:38Malinaw na talagang sila ang may kasalanan dito
16:42Normal pa po ba na may deployment ng PLA Navy doon sa lugar
16:47at sila na mismo yung humaharang?
16:48Second incident pa lamang daw ito, ayon sa PCG, na mismong PLA Navy na yung humaharang
16:54sa mga Coast Guard ships ng Pilipinas?
16:57Well, ito nga ay parang bagong development, titignan natin kung magiging regular at permanent yan
17:04yung presence ng PLA Navy
17:05Dati hindi naman sila nakikisaw-saw dyan sa mga maniobra laban sa Philippine Coast Guard
17:10Pero ito yung first na nakita natin na disaster pa ang nangyari para sa kanila
17:17nung nakailam ang PLA Navy
17:20Kung may nangyari po doon sa barko ng Pilipinas sa tamay ng injure, ano po magiging implication nito overall
17:27dyan sa issue sa West Philippine Sea?
17:30Well, I think malinaw na tinetesting nila yung sinabi ni President Marcos
17:37kung maalala ninyo na pag may namatayan, pag tayo namatayan dyan, ay ma-activate yung ating mutual defense treaty
17:47Isa yun sa mga malamang tinitingin nila kung totoo nga, tinetesting nila
17:52Pero pangalawa pa, siguro ang mas malaki pang intention nila ay talagang takutin tayo
17:58dahil nga kung sakaling may napatay silang mga Pilipino
18:01sa tingin nila ay aatras tayo at hindi na tayo lalapit dyan
18:06So yun siguro nakikita natin, in any case, na giging agresibo talaga ang China
18:12talagang gumagamit ng dahas
18:14at mayroon nga intention talaga na tayo'y bigyan ng kapahamakan dito sa bahod na sinlok
18:23Satisfied naman po kayo sa ginagawa ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at ng PCGO?
18:28Meron pang kailangan gawin patungkol dito sa issue sa West Philippine Sea?
18:32Well, so far naman, satisfied po tayo na taba naman yung ginagawa natin
18:37na ina-assert lang natin yung ating karapatan
18:40Mapaya pa naman yung ginagawa natin
18:43Hindi tayo nang babanga, hindi tayo nagbabanta sa pamagitan ng mga kanyon
18:48o mga water cannon at iba pang paraan
18:51So tama lang po yun
18:53Yung sa latest lang na pangyayari dahil nakita nga natin na nagiging agresibo na
18:59at mukhang may tangka talaga ang China na makapatay siguro at makapagpalubog ng mga barko natin
19:07bilang sample, bilang halimbawa
19:11Ito siguro dapat natin ngayong pag-isipan at paghandaan
19:17at isipin ano magiging hakbang natin dahil dito nga sa pangyayari na ito
19:22Kapansin-pansin din po na hindi na-mention itong banggaan ng kanilang dalawang barko
19:26sa kanilang mga press statements
19:28I might be wrong
19:29Pero doon sa initial, wala pong naging statement yung China
19:31tukol sa banggaan ng kanilang dalawang barko
19:34Sa tingin nyo po ba, mas magiging agresibo pa sila dahil sa nangyaring ito?
19:38Maari, no?
19:39Maari silang magiging mas agresibo kahit nakita nila yung kapahamakan na dinulot nila sa sarili nila
19:45Yung ginagawa nilang nagpapalabas sila ngayon ng mga censored na videos
19:51at saka mga pictures na parang manipulated ang presentation
19:57Parang expected natin yan
20:00Dahil sila nga itong lagi nagsasabi tayo daw ang gumagawa ng gulo
20:04Pero isa rin yan sigurong senyales na hindi sila aatras sa ngayon
20:12doon sa kanilang mga ginagawa
20:14at baka mag-imbento pa ng ibang dahilan para maging mas agresibo
20:19Para lang may konteksto po, hindi lang Pilipinas
20:22Yung ganitong nakaka-encounter ng PLA Navy at China Coast Guard
20:26I understand sa Argentina may mga ganito rin pong insidente
20:28Papano, ano yung magiging action dito ng China
20:33kapag lahat ng mga katunggalin nila mga bansa
20:36ay magiging ganito yung reaction sa kanila
20:39Talagang lalabanan sila doon sa mga encounters nila at sea
20:44Well, syempre sila yung mahihirapan
20:46Again, sila yung mismong nagdudulot ng kapamakan sa sarili nilang mga pulisiya
20:51At sa sarili nilang image
20:53Kaya nga siguro mag-arangkada yung kanilang propaganda machinery
20:58para palabasin na naman na tayo na naman may kasalanan dito
21:02Pero tayo dapat, mga Pilipino, dito at sa buong mundo
21:06dapat ay patuloy natin ipakita na kung sino talagang may kasalanan dyan
21:10At ipak-i-spread talaga natin itong mga video na ito
21:14para ang mga tao mismo ay makakita nila sa sarili lang mata kung anong nangyari
21:18At hindi mapalabas na tayo na naman may kasalanan
21:23para maging klaro kung sino ang agresibo dito
21:28at sinong dapat mag-backdown sa kanilang mga ginagawa
21:31Panghuni lang po at very quickly
21:33ang sinasabi kasi, audience, local audience
21:35yung gustong ma-please nitong China
21:39dahil yung buong mundo naman na alam na kung ano talaga yung narrative dyan sa West Philippines
21:43Ganito rin po ba ang inyong pakiwari?
21:45Tingin ko ganun din
21:47Dahil ang Communist Party siyempre worried dyan
21:51na kung makita sila ng mga tao nila
21:56na palpak ka naman ang operation
22:00So siyempre kinakabahan yan
22:03na baka maging masama ang backlash ng kanilang publiko
22:06Pero tayo nga dapat ipakita rin natin ito sa buong mundo
22:10at unahan din natin sila sa pagpapakita at pagpaliwanag
22:15kung ano talaga nangyari dyan sa lugar na yan
22:17para hindi naman tayo ma-pressure
22:20at hindi tayo sumuko doon sa kanilang pag-aangkin
22:24at pananakop sa ating mga katubigan
22:26Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali
22:29Welcome, Marafieta. Magandang umaga ulit sa lahat
22:33Maritime Law Expert Prof. J. Batong Bakal
22:40Mainit na balita
22:43Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
22:47ang Batanes na sa Typhoon Goryo
22:49Sa loob ng susunod na isa't kalahating araw
22:53asahan sa nasabing probinsya
22:55ang malalakas na ulan na may pagbugso ng hangin
22:58Base sa 11am bulletin ng pag-asa
23:01na mataan ang bagyo 560 kilometers
23:04silangan ng Itbay at Batanes
23:06Taglay pa rin ito ang lakas ng hangin
23:09na aabot sa 120 kilometers per hour
23:12Malinis na ang bukana ng ilang istasyon ng tren
23:19matapos masita ng Department of Transportation
23:22ang mga illegal vendor kahapon
23:25Kasabay naman ang pagsisibulan ng konstruksyon
23:28ng North-South Commuter Railway Project
23:30ilang tindahan din ang kailangan tanggalin
23:34May ulat on the spot si Joseph Morong
23:36Yes, Sandra, magsisimula na ngayong araw
23:40ang konstruksyon ng bahagi
23:42ng North-South Commuter Railway Project
23:45o NSDN mula sa mga panulukan
23:47ng Solis hanggang Blooming Trade sa Maynila
23:50Ito ay matapos ang dalawang taong pagkakatala
23:53ng segment na ito
23:54dahil sa mga right-of-way issues
23:56Pero nasolusyon na na yan ng DOTR
23:58kasama ng lokal na pamahalaan ng Maynila
24:01at kanina nga ininspeksyon ni na Madilang City Mayor Esco Moreno
24:05at Department of Transportation Secretary Vince Dizon
24:08ang tatayuan ng elevated na segment ng NSDN
24:11bilang paghahanda sa konstruksyon nito
24:14Ayon sa DOTR, meron na lamang silang 17 o 17
24:18na tindahan na kailangan tanggalin at pababayaran
24:21ang pinatayang TIG 100,000 pesos
24:23Wala naman pagtutol yung mga tindaan na nakausap natin
24:27dahil noong 2019 pa raw naman sila
24:29sinabihan na ng kagawaran
24:31Iniba na rin ang disenyo sa segment na ito
24:33para hindi na tumama at iba-in
24:35ang ilang kabahayan sa kilit ito
24:37Palalakihin din ang krik
24:39para iwas baha kung umuulan
24:41Ang pagkakaantala ay dahil sa mga pagbabayad
24:44o sa issue ng mga pagbabayad
24:45ang mga right-of-way budget na naapektuhan
24:48ng 100 bilyong pisong budget cut
24:50ng DOTR noong 2025
24:52Kaya nanawagan si Tison sa Kongreso
24:55na pakinggan ang panawagan
24:57ang hinanghiling ng Pangulo
24:58na bigyang prioridad
25:00yung mga malalaking pampublikong infrastruktura
25:02tulad ng mga proyekto ng tren
25:04at hindi mabawasan ang mga pondo para rito
25:07Samantala, Sandra, inanunsyo ni Tison
25:10na wala na nga yung mga tindahan
25:12na inspeksyon niya kahapon
25:14sa bukana ng MRT-3 at SQ-9-1
25:17sa Maypasay
25:18Tungkol naman, Sandra, doon sa supply
25:20ng beef cart na hinirereklamo
25:22ng maraming commuters
25:23hinahanapan na raw ng solusyon ng DOTR
25:26at ribadong kumpanya
25:27na gumagawa nito
25:29para makapagpalabas na
25:31ng mga beef carts
25:32para sa mga commuters
25:34Sandra
25:34Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong
25:37Ito ang GMA Regional TV News
25:43Balita sa Visayas at Mindanao
25:46mula sa GMA Regional TV
25:48Patay sa pamamarilang isang guro
25:49sa Balabagan, Lanao del Sur
25:51ang suspect, estudyante niya
25:53Sara, anong paliwanag nung suspect?
25:58Rafi, nagalit umano ang estudyante
26:00dahil nakatanggap siya
26:02ng bagsak na grado mula sa biktima
26:04kaya hindi siya nakapag-enroll
26:06sa grade 12
26:07Ayon sa pulisya
26:08naglalakad
26:09ang biktima papasok ng paaralan
26:11nagbarilin sa ulo
26:12nung isang linggo
26:13Matapos ang krimen
26:15nagtago umano ang sospek
26:16sa kanyang mga kamag-anak
26:17sa bayan ng Marogong
26:19Sumukong siya
26:20sa tulong ng kapatid niyang pulis
26:21Nasampahan na
26:22ng reklamong murder
26:23ang sospek
26:24Hinigpita na rin
26:25ang pagbabantay
26:26sa paaralan
26:27Sinusubukan pa
26:28makuna ng pahayag
26:29ang pamilya ng guro
26:30at ang sospek
26:31Sa Bacolod City
26:34kinailangang putulin
26:36ang kanang kamay
26:37ng isang binatilyo
26:38matapos makuryente
26:39Ayon sa kanyang nanay
26:41kasama ng binatilyo
26:42ang dalawang iba pa
26:43na umakyat sa puno
26:45ng aksidente niyang
26:46mahawakan
26:46ang isang live wire
26:47Sugatan din
26:48ang dalawa niyang kasama
26:50Kinumpirma ng Negros Power
26:52na kanila
26:53ang linyang nahawakan
26:54ng bata
26:54Pinutol na nila
26:56ang ilang sangang nakasagi
26:57sa live wire
26:58Magbibigay ng tulong pinansyal
27:00ang power distributor
27:01sa kaanap
27:02ng mga nasugatan
27:03Tiniyak naman
27:04ang mga tag-barangay
27:05na mahigpit nilang
27:06pagbabawalan
27:07ang mga bata
27:07na umakyat sa puno
27:09Tuesday latest
27:16mga mare at pare
27:17Samotsaring nominations
27:19ang nakuha
27:20ng mga pelikula
27:21ng GMA Pictures
27:23sa Filipino Academy
27:24of Movie Arts
27:25and Sciences
27:26of FAMAS
27:27Isa na riyan
27:29ang multi-awarded film
27:30na Green Bones
27:31na may sampung nominations
27:33kabilang ang
27:34Best Picture
27:35at Best Screenplay
27:36May acting nominations din
27:38para kina Dennis Trillo
27:39Ruro Madrid
27:40at Alessandra De Rossi
27:42Limang nominations naman
27:44ang nakuha
27:45ng certified
27:46all-time box office hit
27:47na Hello Love Again
27:49ng GMA Pictures
27:50at Star Cinema
27:51Best Actress Nominee naman
27:54si Kapuso Primetime Queen
27:56Marian Rivera
27:57at Best Supporting Actor
27:59si Will Ashley
28:00para sa pelikulang Balota
28:02Nominado rin
28:04ang Balota
28:05sa Best Picture
28:05at Best Screenplay
28:07Category
28:07Best Actor Nominee rin
28:09si Adamus
28:10ng Encantadia Chronicles
28:11Sangre
28:11Kelvin Miranda
28:13para sa pelikulang
28:14Chances Are You and I
28:15at Best Supporting Actor
28:17Nominee naman
28:18si Sid Lucero
28:18para sa pelikulang
28:20Topac
28:21Sa gitna ng makapal na hamog
28:31huli ka
28:31mang pagharurot
28:32ng isang bus
28:33hanggang sa sumalpok
28:34sa isang toll booth
28:35sa Russia
28:35Sa lakas ng pagkabangga
28:37tumagilid ng bus
28:38at nahulog
28:39mula sa mga bintana nito
28:40ang ilang mga pasahero
28:42Sakay ng bus
28:43ang 48 pasahero
28:44at 2 driver
28:4530 siya
28:47mang sugatan
28:47sa insidente
28:48kabilang
28:493 bata
28:49ayon sa local media
28:51Inimbestigan pa
28:53ang sanhi
28:53ng aksidente
28:54Kinala ng mga polis
28:55nakatulog
28:56ang bus driver
28:58Nabigo naman
28:59ang karilyebo niya
29:00na makontrol agad
29:00ang bus
29:01Ito na ang mabibilis
29:07na balita
29:08sa bansa
29:08Nasunog
29:11ang isang residential area
29:12sa may paho, Kaloocan
29:13Dalawang palapag na istruktura
29:15ang nasunog
29:16at tumabot sa ikalawang alarma
29:17ang sunog
29:18bago ay deklarang under control
29:19pasado alas 6 ng umaga
29:21Ilang residente
29:22ang lunikas
29:23at naghakot ng gamit
29:24dahil sa pagkalat ng apoy
29:25Walang naitalang sugatan
29:27Patuloy pa
29:28ang ebistigasyon
29:29ukol sa sanhi
29:30ng apoy
29:31Nagkarambola
29:35ang apat na sasakyan
29:36sa Osmeña Highway
29:37sa Maynila
29:37pasado alas 4
29:38kaninang madaling araw
29:39Sangkot sa insidente
29:41ang isang trailer truck
29:42dalawang six-wheeler
29:43at isang MPV
29:44Batay sa ebistigasyon
29:45tinatahak ng mga sasakyan
29:47ang northbound lane
29:48ng kalsada
29:49nang mawalan umuno
29:50ng treno
29:50ang trailer truck
29:51at sumalpok
29:52sa isang six-wheeler
29:53Tumama naman ang six-wheeler
29:55sa isa pang truck
29:55at sa MPV
29:56Isang babaeng sakay
29:58ng MPV
29:58ang isinugot sa ospital
29:59matapos magtamo
30:00ng sugat sa noo
30:01Iniimbestigahan pa
30:03ang insidente
30:04Nagpasaya ng Pinoy's Abroad
30:10si Cruise vs Cruise star
30:12Vina Morales
30:13sa GMA Pinoy TV
30:14Pistahan Parade and Festival
30:16Dinaluhan niya
30:18ng mga Pilipinong
30:19game na game
30:20na lumahok
30:21sa mga palaro
30:22at jamming session
30:24with Vina
30:24Mayroon ding parada
30:26booths
30:27at cultural performances
30:29Sunod na mga aabangan
30:30si Vina
30:31sa Fiesta in America
30:32sa New Jersey
30:33sa August 17
30:35World-class Filipino dishes
30:41ang bumida
30:41sa isang
30:42International Food Festival
30:44kabilang sa mga
30:45naghahain
30:46ng Filipino recipes
30:47with a twist
30:48ang ilang award-winning
30:50international chefs
30:51na may dugong Pinoy
30:52Ang mainit na balita
30:54hati ni Vona Quino
30:55Ang mga putahing Pinoy
31:04hindi lang masarap
31:05kundi
31:05pang world-class
31:07yan ang ibinida
31:08sa International Manila Food Festival
31:10sa Newport World Resort
31:12sa Pasay City
31:13Dito nagsama-sama
31:15ang mga award-winning
31:16Filipino at
31:17Filipino-American chef
31:18para itampok ang
31:19Filipino cuisine
31:20sa sarili nilang
31:21cooking style at flavor
31:23our goal is to make Manila
31:25as a center of culinary excellence
31:29in Asia
31:30people fly here
31:31we'll have fun
31:32and we really take Filipino food
31:34to the next level
31:34it's bringing chefs
31:36from all over the world
31:37we have chefs here
31:38that are Filipino
31:39from Paris
31:40to Seattle
31:41to Toronto
31:42to Melbourne
31:43it's the first time
31:45that I think
31:45that we're all convening
31:46here in Manila
31:47to really honor
31:49discover
31:49and
31:51innovate
31:51Filipino food
31:52Tulad ng seared local scallop
31:57na inhianda ng Phil
31:58ang na two-time
31:59James Beard finalist
32:00para sa Best Chef California
32:02na si Tara Lawansing Monsod
32:04mula San Diego, California
32:06mayroon itong corn ginataan
32:09lemon
32:09at Thai basil
32:10Corn is very popular
32:12in the States
32:13and it's very popular here
32:14growing up in America
32:15we ate cream corn
32:17which is like
32:18you know
32:18very classic America
32:19and I love a dish
32:21that my mom makes
32:22which is ginataan
32:23so I basically
32:23took those two ideas
32:24and combined it together
32:25Bistick naman
32:29ang inihay
32:30ng isa pang Phil
32:31James Beard Award finalist
32:33na si Chef Melissa Miranda
32:34mula
32:35Seattle, Washington, USA
32:37Ang kanyang bistick
32:38may twist
32:39dahil ang mga sangkap nito
32:41ay rib eye
32:42na may calamansi
32:43caramelized onions
32:44toyo
32:45miso
32:46grilled yellow
32:46and red onions
32:47chives
32:48at iba pa
32:49It's a dish
32:50that my dad
32:50cooked for me
32:51growing up
32:52one of my favorite
32:53dishes
32:53and of course
32:54always with a cup
32:55of rice
32:56that's why
32:57I wanted to share it
32:58but in a different way
32:59Habang adobong baboy
33:04panagan
33:04at panghimagas
33:05na pilinat
33:06caramel tart
33:07naman
33:07ang ginawa
33:08ng Filipino chef
33:09na si Cristoni Estocada
33:11Dito sa International Manila Food Festival
33:13hindi lang
33:14hindi lang Filipino Cuisine
33:15ng Bida
33:15kundi yung mga sangkap
33:17na locally sourced
33:18tulad nitong
33:18Binagat Island Spiny Lobster
33:20ng Banagat
33:21Mahalaga ito
33:23para at least
33:24i-open natin
33:25hindi lang
33:26dito
33:27sa local
33:28sa Philippines
33:29pero sana
33:30itong mga ganitong event
33:31ma-open din
33:32sa mga ibang bansa
33:33na parang
33:34meron tayong ganitong
33:35klaseng food
33:36na may i-offer
33:37Patunay ang food festival na ito
33:43na kahit saan man sa mundo
33:44kayang magmarka
33:46ng panlasang
33:47galing sa mga sangkap
33:48at talentong Pilipino
33:50Von Aquino
33:51nagbabalita
33:52para sa GMA Integrated News
33:55Mga kapuso
33:57dahil sa patuloy ninyong suporta
34:00at pagsubaybay gabi-gabi
34:01umaarangkada ang ratings
34:03ng mga programa
34:04sa GMA Prime
34:06Batay sa aggregate
34:07o pinagsama-samang ratings
34:09na naitalaan
34:09ng News & TV Audience Measurement
34:11ang hit super-serie
34:13na Encantadia Chronicles Sangre
34:15nakakuha ng 11.8% ratings
34:17sa buong bansa
34:1812.8% ratings naman
34:21sa Urban Philippines
34:22mula July 25 hanggang August 8
34:24Mas mataas kaysa
34:26sa 12.2% people rating
34:28ng katapat itong programa
34:29sa Urban Philippines
34:31Ang action drama
34:32na Sanggang Dikit for Real
34:34starring Dennis Trillo
34:35at General and Mercado
34:37mayroong 7.9% people rating
34:40sa buong bansa
34:41mula July 21 hanggang August 8
34:438.6% rating naman
34:46sa Urban Philippines
34:47Mas mataas din
34:48kumpara
34:49sa katapat nitong programa
34:51Ang beauty empire
34:52Ang beauty empire naman
34:53na pinagbibidahan
34:54na Barbie Forteza
34:55at Kaylin Alcantara
34:56nakapagtala
34:57ng 4.1% aggregate ratings
35:00sa buong bansa
35:01mula July 7 hanggang August 7
35:044.6% ratings naman
35:06sa Urban Philippines
35:08Pareho rin mas mataas
35:10kumpara sa nakuhang ratings
35:12ng katapat na programa
35:13Mayinit na balita
35:21para sa mga customer
35:22ng Miralco
35:23may taas singil po
35:24ngayong Agosto
35:24Ayon sa Miralco
35:25halos 63 centavos
35:27kada kilowatt hour
35:27ang madalagdag
35:28yung buwan
35:29sa inyong electric bill
35:30Katumbas po
35:31nagdagdag na 125 pesos
35:33sa mga residential customer
35:34na kumukonsumo
35:35ng 200 kilowatt hours
35:36kada buwan
35:37Sabi ng Miralco
35:38ang taas singil
35:39ay dahil sa mas mataas
35:40sa generation charge
35:41mula sa mga
35:42independent power producer
35:43at wholesale electricity
35:44spark market
35:45o West Sem
35:46Ito ang GMA Regional TV News
35:52Isinuko sa mga polis
35:54na kanyang sariling ina
35:55ang isang lalaking 20 anyos
35:57dito sa Davao City
35:59Ayon sa polisyan
36:00nakita ng ina
36:01ng sospek
36:02sa kanyang bag
36:02ang isang bloke
36:04ng pinatuyong dahon
36:05ng marihuana
36:06Nakumpis ka
36:07ang iligal na droga
36:08na humigit kumulang
36:09isang kilo
36:10na may halagang
36:111.5 milyon pesos
36:13Batay rin
36:14sa nakuhang informasyon
36:15ng mga polis
36:15sangkot ang lalaki
36:17sa ilang krimen
36:18sa kanilang lugar
36:19Sinusubukan pa ang puna
36:20ng pahayag
36:21ang sospek
36:21habang hindi na nagbigay
36:23ng komento
36:23ang kanyang ina
36:24Dalawang Malaysian
36:27na sangkot
36:28umano sa pang-espia
36:29ang naaresto
36:30sa Cebu City
36:31Nahuli ang dalawa
36:32sa loob na isang hotel
36:33Ikinasang operasyon
36:35matapos mag-report
36:36ang hotel staff
36:37ng umano'y kahinahinalang
36:39aktibidad
36:39ng mga banyaga
36:40dahil sa dami
36:41ng gadgets
36:42sa kanilang kwarto
36:43kasama sa mga
36:44narecover na gamit
36:45ang ilang laptop
36:46router
36:47motherboard
36:48data sniffer
36:49at hinihinalang
36:50International Mobile
36:51Subscriber Identity
36:52Capture Device
36:53Ayon sa mga otoridad
36:55tauhan ang dalawa
36:56ng isang kumpanya
36:57na una nang sinita
36:58ng Amerika
36:59dahil sa kaugnayan
37:00umano nito
37:00sa Chinese military
37:02Nasa kutsudiyanan
37:03ng Bureau of Immigration
37:04ang dalawa
37:05Wala silang pahayag
37:07Uo pa rin daw
37:22ang tiwala
37:23ni Vice President
37:23Sara Duterte
37:24kay attorney
37:24Nicholas Kaufman
37:25ang lead counsel
37:26ni dating Pangulong
37:27Rodrigo Duterte
37:28para sa kaso niya
37:29sa International Criminal Court
37:31Of course yes
37:35Oo
37:36kasi siya yung pinili
37:37ni dating Pangulong
37:39Rodrigo Duterte
37:40na lawyer
37:41so we only follow
37:43kung ano yung
37:44choice ng client
37:46As long as
37:47nagsabi si
37:48dating Pangulong
37:49Rodrigo Duterte
37:50na yan
37:51ang aking mga abogado
37:53susunod kami
37:54and mag-cooperate kami
37:56kung anong kailangan
37:57Tinanong yan sa Vice
37:59matapos sabihin ni Kaufman
38:01noong nakarang linggo
38:01na si VP Duterte lang
38:02ang pwedeng humusga
38:03sa kanyang trabaho
38:04dahil abogado rin
38:05ng vice
38:06Pinunak kasi ni Kaufman
38:08ang common law wife
38:08ng dating Pangulo
38:09na si Hananet
38:10Avancenya
38:11na papaano niya
38:12madidepensahan si Duterte
38:13gayong hindi naman daw
38:14niya kilala
38:14ang dating presidente
38:16Sinisi rin niya si Kaufman
38:18kung bakit sinuspid niya
38:19ng ICC
38:19ang kanyang visitation rights
38:21Tumanggi na magbigay
38:22ng komenta si Kaufman
38:23kognay
38:23sa suspensyon
38:24Mga Mari at pare
38:31birthday ngayon
38:32ni Kapuso Primetime Queen
38:33Marian Rivera
38:34Sa kanyang Instagram
38:36isinare ni Marian
38:37ang kanyang advanced
38:38birthday bash
38:39kasama ang mga kaibigan
38:41at pamilya
38:42spotted dyan
38:43si Kapuso Comedian
38:44Bubay
38:45at syempre
38:46ang kanyang hubby
38:47si Kapuso Primetime King
38:49Ding Dong Dantes
38:50Good vibes and love
38:52ang hatid niyan
38:53kay Marian
38:53na 41 years old
38:55na ngayon
38:56Happy birthday
38:57Kumaring Marian
38:58Kinuasyon ni Pangulong
39:03Bongbong Marcos
39:04ang hindi pagtugma
39:05ng dami ng
39:06flood control projects
39:08sa mga tinuturig na
39:09flood prone provinces
39:10ng bansa
39:11Batay sa listahan
39:13lima lang
39:14sa sampung
39:15pinakabahang lalawigan
39:16ang kabilang din
39:18sa may
39:18pinakamaraming
39:19flood control projects
39:20Kinababahala rin daw
39:22ng Pangulo
39:23ang mga hinahawakan
39:24proyekto
39:25ng mga kontraktor
39:26sa mahigit
39:27545 billion pesos
39:29kasing pondo
39:30para sa flood control projects
39:32nakuha raw
39:33ng 15 contractors
39:35ang 20%
39:36o tinatayang
39:37100 billion pesos
39:39na halaga nito
39:40lima parao rito
39:41ay may proyekto
39:43sa buong bansa
39:44hinahanap na
39:45ng GMA Integrated News
39:46sa mga kontratistang ito
39:48para makunan
39:49ng payag
39:50sa mga sinasabi
39:51ng Pangulo
39:52Arestado ang isang lalaking
39:57ng hold up
39:57sa isang tindahan
39:58sa San Mateo Rizal
39:59pang-a-pangabi ng lalaki
40:01na gawa niyang krimen
40:02para may pambili
40:02ng pagkain
40:03at pambaon
40:04sa kanyang anak
40:04Balitang hatid
40:06ni EJ Gomez
40:06Balik-kulungan
40:11ang 50-anyos
40:12na lalaking ito
40:13dahil sa
40:14pang-hold up
40:15at pagnanakaw
40:16sa isang tindahan
40:17ng sapatos
40:18sa San Mateo Rizal
40:19pasado
40:20alas 8 kagabi
40:21Kwento ng biktima
40:22na pansin niyang
40:23dumaan
40:24ang kahinahinalang lalaki
40:25sa harap
40:26ng kanyang shop
40:27sa barangay
40:27Ampid 2
40:28Nakuna ng CCTV
40:42ang pagbalik
40:43ng lalaki
40:43Hindi na nakuna
40:45ng sumunod
40:45na pangyayari
40:46pero doon na raw
40:47nagdeklara ng
40:48hold up
40:48ang lalaki
40:49Sabi niya
40:50hold up to hold up
40:51Tapos sabi niya
40:52nasan yung bag
40:53sabi ko
40:54walang bag
40:55Pilit niya akong
40:56tinutulak po
40:57na papasok
40:57kasi gusto ko
40:58nga po lumabas
40:59Nung wala po siyang
41:00makuwang bag
41:01ang ginawa niya po
41:02nakita niya
41:03yung cellphone ko po
41:04naka-charge
41:04yun po ang kinuha niya
41:06Kita sa isa pang kuha
41:07ng CCTV
41:08ang pagtakas
41:10ng lalaki
41:10Ayan siya
41:11Ayan siya
41:13Ayan no
41:13nakadoble siya
41:15ng puti
41:17nakasombrelo
41:19Ang ginawa niya
41:20yung mga suot niya po
41:21hinubad niya po doon
41:23sa may skinita
41:24Dinampot ko po lahat
41:25kasi yun po
41:26yung ebidensya
41:27Nung nahuli po siya
41:28ng taong bayan po doon
41:30lumapit na po ako yun
41:32tapos nagdi-deny siya
41:33na hindi po siya yun
41:35e nakuha po sa kanya
41:36yung jacket
41:37na suot-suot niya
41:38na binalumbon niya po
41:39doon yung cellphone ko
41:40Nakasando
41:41at nakashorts na lang
41:43ang sospek
41:43nang madakip siya
41:44ng mga tanod
41:45ng barangay
41:46Itinurn over siya
41:47sa San Mateo Police Station
41:49Na-recover sa sospek
41:51ang ninakaw na
41:51cellphone at charger
41:53Aminado ang sospek
41:55sa krimen
41:56Ibebenta raw sana niya
41:57ang ninakaw na
41:58cellphone
41:59para may ipambili
42:00ng pagkain
42:01at pambao
42:02ng kanyang mga anak
42:03Ito pong sospek natin
42:30ay pabalik-balik na rin
42:31po sa ating himpilan
42:32dahil po sa kasong
42:33pagnanakaw
42:33Ngayon po
42:34ang kasong naman
42:35pong kaharapin niya
42:35kasi nga po
42:36ay may elemento po
42:38sa pananakot
42:39at pagnanakaw
42:40yung kasong
42:40robbery po
42:41EJ Gomez
42:42nagbabalita
42:43para sa GMA
42:44Integrated News
42:46Piduri ni Pangulong
42:48Bongbong Marcos
42:49ang 5-minute response
42:51ng Philippine National Police
42:52sa anibersaryo
42:53ng police service
42:54ngayong araw
42:55May ulat on the spot
42:56si June Beneracion
42:58June?
43:00Sandra
43:01Sa pagdalun
43:02ni Pangulong Bongbong Marcos
43:03sa 124th
43:05Police Service
43:06Anniversary
43:06dito sa Kamkrami
43:07ay sinabihan niya
43:08ang PNP
43:09na wala dapat
43:10puwang
43:10ang katiwalian
43:11sa kanilang hanay
43:12Wala raw
43:13sa isay
43:13ang magandang gawa
43:14kung merong
43:14mga baluktot
43:15na polis
43:15kaya dapat
43:16mapanagot
43:17ang mga sangkot
43:18sa katiwalian
43:18pinapurihan
43:19ng Pangulo
43:20ang PNP
43:20sa kanilang
43:215-minute response
43:22malaking bagay raw
43:23ito dahil sa
43:24ilang minuto
43:25buhay
43:25ang nakasalalay
43:26Ibinida
43:28ni PNP
43:28Chief
43:29Nicola
43:29Story III
43:29ang 5-minute response
43:31at dinala
43:32ang Pangulo
43:32sa kanilang
43:32command center
43:33Nang mangingi
43:34si Tori
43:35ng volunteer
43:35kung sino
43:36ang papupuntahan
43:37para sa
43:38simulation exercise
43:39pinili ni Interior
43:40and Local
43:41Government Secretary
43:41John Vic Rimulia
43:42ang kanyang kababayan
43:43na si 13 Martires
43:45Mayor
43:45Gemma Lubigan
43:47Pinuntahan ng mga polis
43:48ang City Hall
43:49dumating ang mga polis
43:50pasado oras 9 ng umaga
43:51pero wala ang alkalde
43:53Pinapuntahan siya
43:54sa kanyang bahay
43:54pero hindi nakita
43:55ang Mayor
43:56sa live streaming
43:57ng body cam
43:58ng mga polis
43:58na pumunta sa kanya
44:00Paliwanag naman
44:01ni Mayor Lubigan
44:02nasa bahay lang siya
44:03at may hinaharap na bisita
44:04Kahit nasa bahay
44:06ay nagtatrabaho daw siya
44:07Wala raw itinuturing
44:08na office hours
44:09ang isang halal na opisyal
44:10lalot madalas
44:11ay inaabotin siya
44:12ng gabi
44:12sa trabaho
44:13para magbigay serbisyo
44:14Samantala
44:15dumalo rin
44:16si AFP Chi
44:17from Yvonne Jr.
44:18sa okasyon
44:19Sa interview
44:20sinabi niya na
44:21base sa kanilang assessment
44:22o plano talaga
44:24ng warship ng China
44:25nabanggayin ang barko
44:26ng Philippine Coast Guard
44:27malapit sa
44:28Bajo de Masinluc
44:29Pag-uusapan daw nila
44:31kung ano
44:31ang mga susunod na hakbang
44:33ngayong gumagamit
44:34na ang China ng warship
44:35pardikitan
44:36at hiharas
44:37ang barko ng Pilipinas
44:39Balik sa'yo Sandra
44:40Maraming salamat sa'yo
44:41June Vederation
44:42Kahit nakakulong
44:46tuloy ang pag-aaral
44:46ng ilang persons
44:47deprived of liberty
44:48Sa ilalim niya
44:49ng isang programa
44:50na layon silang bigyan
44:52ng mas maraming oportunidad
44:53kapag nakalaya na
44:55Ang mainit na balita
44:56hatid ni Katrina Son
44:58Matulungan
45:01Mabigyan ng pag-asa
45:03at muling mangarap
45:04Ilan lang yan
45:05sa mga layuni
45:06ng inilunsad na
45:07Change Behind Bars Program
45:08ng Rizal Technological University
45:10at ng Bureau of Jail Management
45:12and Penology
45:13ng Mandaluyo
45:14Ang programang ito
45:15ang kauna-unahan daw
45:17na tertiary
45:18o programang pangkolehyo
45:19sa BJMP Mandaluyo
45:21Kailangan namin yakapin
45:23hindi lamang
45:23yung mga indigenous people
45:25yung mga PWDs
45:28and this is
45:29a very big opportunity
45:31for RTU
45:32para yakapi naman
45:33yung mga PDLs
45:35Isa si JR
45:36di niya tunay na pangalan
45:37sa mga napabilang
45:38sa programang ito
45:39Kwento niya
45:40hindi naging madali sa kanya
45:42na makatapos
45:43sa kanyang pag-aaral
45:44noong kabataan niya
45:45Maga pong nawala kasing
45:46family ko
45:47yung broken family po kasi ma'am
45:49kaya wala po kaming
45:51may pantustos sa pag-aaral po
45:54kaya pinili na lang po
45:55na gandun na lang po muna
45:57Si Alias Marie naman
45:59na 41 taong gulang
46:01Hindi rin daw nabigyan
46:02ng pagkakataon
46:03na matapos
46:03ang kanyang pag-aaral
46:04lalo pat
46:05kailangan daw niyang unahin
46:07ang mga pangangailangan
46:08ng kanyang pamilya
46:09Mas naging priority ko
46:11ang trabaho
46:12kesa sa pag-aaral
46:14Dahil bilang breadwinner
46:15kailangan ko rin
46:16mag-sustain
46:16para sa pamilya
46:18Sa kagaya kong
46:19dating nag-aaral
46:23at natigil
46:24mas mapagtutuan
46:27ako pa ng pansin
46:28yung pag-aaral
46:29At the same time po
46:30mas malaking tulong siya
46:32kasi naging
46:33libre siya dito sa amin
46:35wala kaming
46:36nilalabas na kahit na ano
46:38Yun po ang isang malaking tulong po sa amin
46:40bilang
46:40gustong mag-aaral
46:42Si Najayer at si Marie
46:44kabilang
46:45sa mga nabigyan
46:46ng pagkakataon
46:47na makapag-aaral
46:48ng koleyo
46:48habang nasa loob
46:50ng BJMP Mandaluyong
46:51Tatlumpot siyam
46:52na mga persons
46:53deprived of liberty
46:54o PDL
46:55ng Mandaluyong BJMP
46:57ang kabilang
46:58sa programang pangkolehyo
46:59ng Rizal
47:00Technological University
47:01at ito nga
47:02ang kanilang
47:03magiging classroom
47:05Since ito po ay
47:06tertiary education program
47:07at nais po natin
47:08iparamdam sa kanila
47:09kung ano ang karanasan
47:11ng isang typical
47:11na mag-aaral
47:12Bagaman alam po natin
47:13sila po ay nasa
47:14marginalized sector
47:15pero kailangan din po natin
47:16sila ihanda
47:17the moment na sila
47:18ay lumabas
47:19dito po sa piitan
47:20Ang mga napabilang
47:21sa naturang programa
47:22ay nagsumiteraw
47:23ng mga kinakailangang
47:25requirements
47:25pumasa sa exam
47:27at maging sa interview
47:28na isinagawa ng RTU
47:29DS Entrepreneurship
47:31ang magiging kurso nila
47:32Bahagi din daw ito
47:34ng layunin ng BJMP
47:35na matulungan
47:36ang mga PDL
47:37at mabigyan sila
47:39ng panibagong buhay
47:40sa kanilang paglaya
47:41Ito ay bahagi
47:42ng aming programa
47:44yung PDL
47:45Reintegration Program
47:46ito ay inisitiba
47:49ng aming chief BGMP
47:50Jill Director
47:51Ruelis Rivera
47:52na kung saan
47:53nihanda namin
47:54yung mga PDL
47:55para sila ay magkaroon
47:56ng edukasyon
47:57para sa kanilang paglaya
47:59Katrina Son
48:01nagbabalita
48:02para sa GMA Integrated News
48:04Ito po ang balitang hali
48:07bahagi kami ng
48:07mas malaking misyon
48:08Rafi Timo po
48:09Sa ngala ni Connie Cison
48:11ako po si Sandra Aguinas
48:12Angtapan nyo rin po ako
48:13Aubrey Carampelle
48:14para sa mas malawak
48:15na paglilingkod sa bayan
48:17Mula sa GMA Integrated News
48:18ang News Authority
48:19ng Filipino
48:20GMAIN
48:37GMAIN
48:39GMAIN
48:41GMAIN
48:43GMAIN
48:45GMAIN
Be the first to comment
Add your comment

Recommended