Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 17, 202


- Ilang estudyante, nahirapang humiwalay sa kanilang mga magulang | Ilang magulang, pumuwesto sa footbridge para makita sila ng kanilang anak bago pumasok sa classroom | Ilang classroom, hinati sa dalawa dahil sa dami ng enrollees


- Ngayon ang unang araw ng balik-eskuwela sa Cagayan De Oro City | Ilang estudyante, nahirapang hanapin ang kanilang mga classroom | Cagayan De Oro City Central School: Late enrollees, tatanggapin hanggang katapusan ng buwan


- PNP: Bullying sa mga paaralan, maaari na ring isumbong sa 911 Hotline | PBBM: Tututukan din ng gobyerno ang cyberbullying na nakakaapekto sa mental health ng mga estudyante


- PBBM sa mga opisyal na hindi nagagawa ang tungkulin: "Kung hindi mo kami tutulungan, umalis ka na lang"


- Panawagan ni VP Sara Duterte: Magtiwala na magiging patas ang senator-judges sa impeachment trial | VP Duterte: Kung accountability ang habol, dapat kaso sa korte ang inihain, hindi impeachment complaint | VP Duterte, handa raw humarap sa korte kaugnay sa isyu ng confidential funds


- Sen. Pres. Chiz Escudero: Boluntaryo ang pag-i-inhibit ng sinumang senator-judge at hindi puwedeng pagbotohan


- DILG: Hindi makakaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato nitong Eleksyon 2025 kung hindi nakapagpasa ng SOCE sa Comelec


- Presyo ng manok at itlog sa Marikina Public Market, tumaas dahil sa mataas na demand


- Mahigit 200, patay sa palitan ng airstrikes ng Iran at Israel; 5 Pinoy sugatan | PH Embassy: Pinay sa Israel, kritikal matapos maipit ang leeg sa debris | Isang Pinoy, nasa ospital pa rin matapos magtamo ng matinding sugat; 4 pang Pinoy, nakalabas na sa ospital | Pagpapauwi sa mga Pinoy dahil sa away ng Israel at Iran, pinaghahandaan ng DMW | DMW Sec. Cacdac: 30 Pinoy sa Iran, hindi apektado ng airstrikes mula Israel


- Mga bago at nagbabalik na karakter, tampok sa pilot episode ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Shifting ang klase ng mga estudyante sa President Corazon Aquino Elementary School sa Quezon City.
00:26Sa ikalawang araw ng balik-eskwela, maraming estudyante ang hirap pa rin mawalay sa kanilang mga magulang.
00:32At may unang balita live si James Agustin. James, iyakan ba dyan ngayon?
00:42Ivan, good morning. Nakita natin kanina na may mga ilang estudyante na napaiyak at napaiyaka pa sa kanilang mga magulang.
00:48Yung tinatawag na separation anxiety. Karaniwang eksena na yun na nakikita natin sa mga elementary school.
00:53At on-going ngayon yung klase ng mga estudyante na nasa morning shift dito sa President Corazon Aquino Elementary School.
01:01Maagang hinatid na mga magulang ang kanilang mga anak dito sa eskwelahan.
01:05May ilang estudyante sa kindergarten na napaiyak at mahigpit ang yakak.
01:09Ayaw na magpaiwan sa kanilang mga nanay.
01:11Kalauna nahikayat din ang mga estudyante na sumama sa kanilang mga guru.
01:15Separation anxiety ang tawag dyan na karaniwan ang nararanasan ang mga estudyante sa preschool sa mga unang araw ng pasukan.
01:22Kitang-kita ang ganyang sitwasyon sa gate ng paaralan.
01:24Ang ilang magulang naman pumeso sa footbridge para lang makita sila ng kanilang mga anak bago pumasok sa mga classroom.
01:30Panayang kaway ng mga magulang.
01:32Ganon din naman ang kanilang mga anak.
01:34Hinihintay nila na magsimula ang klase.
01:36Ngayong umagang schedule ng klase ng mga estudyante na nasa kindergarten grade 2, 4 at 6.
01:41Mamayang hapon naman ang sa grade 1, 3 at 5.
01:45Dahil sa dami ng enrollees ngayong school year, hinati sa dalawa ang ilang classroom.
01:49Face-to-face classes pa rin ang mode of learning ng mga estudyante.
01:52Mahirap din naman kasi ano, syempre, yung wala pagkapatahang hanggang sa kasama mo siya.
02:00E ngayong papasok, syempre may takot din.
02:02Binibreathing po lang naman siya mula umpisa kasi sa kuya pa lang niya, saka sa ati pa lang niya kung kapasok na dito.
02:08Binabantayan ko po bago po ako umalis ay sure ko po na nasa loob na po na siya ng school.
02:14Mite ko po kung nandyan na po yung teacher nila para po sigurado, saka po ako uuwi pag secure na po, pag nandyan na po yung teacher nila.
02:22Samantala Ivan, doon sa datos na nakuha natin mula dito sa pamuno ng eskwelahan ay umabot na sa 8,150 yung kanilang mga enrollees as of yesterday yan
02:37at patuloy yung pagtanggap nila ng mga nage-enroll para sa school year 2025-2026.
02:42Yan muna unang balita, mula rito sa Quezon City.
02:44Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:47James, hindi naman bago yung discarte ng mga eskwelahan na hatiin ng classrooms o kaya magkaroon ng shifting
02:54para pagkasyahin yung napakaraming mga enrollees.
02:57Dyan sa President Corazon Aquino Elementary School, ano ba yung student to classroom ratio?
03:02At parang bakit ganun pa rin? Hindi ba nagkakaroon ng mga karagdagang classroom?
03:07Sa patuloy na pagdami ng mga enrollees?
03:13Yes Ivan, nakausap natin yung principal na si Dr. Jerry Isi bago tayo umeret.
03:17Ang sinasabi niya sa atin, sa dalawang building nitong eskwelahan,
03:21kinailangan nila na hatiin yung nasa 16 na mga classroom para doon sa isang building pa lamang yun,
03:28doon sa isang building naman ay 15, sa kabuan ay nasa 31 classroom,
03:31yung nilagyan nila ng partition para maging 62 yan.
03:34Ang nagiging ratio dyan sa mga classroom na yan, ng teacher to student is 1 is to 32.
03:41Pero yung ibang mga grade level naman ay nasa 45 yung mga students,
03:44ito yung mga walang partition naman.
03:46At ito'y band-aid solution lamang na naabutan itong si Dr. Isip dito sa eskwela na ito.
03:50At ang long-term solution daw talaga na sinusustyon nila,
03:54lalo na dito sa DepEd, paging doon sa Luka Government Unit ay magkaroon ng panibagong building.
04:01Yun nga lang, eh hamon yan dahil tinanong natin dito sa espasyo,
04:04dito sa loob ng compound ng eskwelahan,
04:06ay wala na din talagang sapat na espasyo.
04:07Kaya pag-iisipan pa kung paano posibleng mangyari yan.
04:10Iban.
04:11At maraming salamat sa iyo, James Agustin.
04:14Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
04:18Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
04:27At kayong Martes, ang unang araw ng pag-awalik eskwela sa Cagayan de Oro City.
04:33Alamin naman natin ang sitwasyon doon.
04:34Live mula sa Cagayan de Oro,
04:36may unang balita si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
04:40James.
04:44Ivan, good morning.
04:465.30 pa lang ng umaga ay may ilang mga estudyante na makikita pumapasok dito sa Cagayan de Oro City Central School.
04:54Araw ng Martes, June 17, ang pagsisimula ng klase dito sa Cagayan de Oro City.
05:00Dahil kahapon ay local holiday, bunsod ng Charter Day celebration ng syudad.
05:04Ngayong araw nga ay dagsa ang mga estudyante para sa first day of school.
05:08Ayon sa pamunuan ng paaralan, walang naging problema sa unang araw ng pasukan.
05:12Maliba na lang sa ilang mga estudyante na nahirapan daw sa paghahanap ng kanilang mga classroom.
05:17Agad naman daw itong nasolusyonan.
05:196.30 ng umaga, ng formal na magsimula ang klase.
05:22Ayon sa pamunuan ng eskwelahan, tatanggap pa rin sila ng mga late enrollees hanggang sa katapusan ng buwan.
05:28Ang City Central School ay may pinakamalaking student population sa buong Cagayan de Oro City na halos 8,000.
05:34So, inaasahan daw nila na 80% sa datos na yan ang papasok ngayong araw.
05:39Ivan, dahil nga sa dami ng estudyante at sa kakulangan ng mga classrooms dito sa City Central School,
05:46ay nagpapatupad sila ng shifting of classes para sa grade 1 hanggang sa grade 3.
05:51Alas 6.30 ng umaga, magsisimula ang morning shift hanggang alas 12 ng tanghali.
05:57Alas 12 naman ng tanghali hanggang alas 5 ng hapon, magsisimula ang afternoon shift.
06:02Ito ay para ma-accommodate ang lahat ng mga estudyante.
06:06At kung makikita nga ninyo sa ating likuran ngayon, pansabantalang itinigil ang klase ng mga grade 6
06:13dahil sa isang programang isinagawa para sa kanilang pagbabalik eskwela ngayong umaga.
06:19Ivan?
06:20Maraming salamat, James Paoloia ng GMA Regional TV.
06:25Maaari nang isumbong sa 911 hotline ang mga esistidente na bullying sa mga paaralan.
06:33Ayon kay PNPG Police General Nicolás Torre III, re-responderian ang mga local police station.
06:40Makikipag-ugnayan sila sa mga pamunuan ng mga paaralan.
06:44Ayon naman kay Pangulong Bongo Margos, bukod sa bullying sa mga paaralan,
06:48tinututukan din ang gobyerno ang cyberbullying na lubos na nakaka-apekto sa mental health ng mga estudyante.
06:58May mensahe sa Pangulong Bongo Margos sa mga opisyal ng gobyerno na hindi nagagampanan ng maayos sa kanilang tungkulin.
07:05If you're not helping get out of the way, kung di mo kami tutulungan, basta malis ka na lang dito.
07:15Gawin mo yung gusto mong gawin pero pabaya mo kami magtabaho.
07:18Sa ikalawang episode ng podcast ng Pangulo, nilinaw niya na hindi lang pagsisante ang tinutukoy niya.
07:26Pwede rin pansamantalang i-relieve o floating status o kaya ilipas sa ibang posisyon tulad ng ginawa niya sa ilang miyembro ng Gabinete Kamakailan.
07:35Dagdag ng Pangulo, hindi na uobra ang business as usual sa gobyerno.
07:39Patuloy raw ang kanyang inspeksyon at pag-iipot para tiyaking naabot ang mga target ng gobyerno.
07:48Kung accountability raw ang inahanap, sinabi ni Vice President Sarah Duterte,
08:04dapat kaso sa korte ang inihain laban sa kanya, imbis na impeachment complaint.
08:10Nagsilitary ng bisit tungkol sa Senator Judges.
08:13Dari itong unang balitan ni Argil, relator ng GMA Regional TV.
08:18Sa gitna ng mga panawagang mag-inhibit sa hinaharap niyang impeachment trial ang ilang senador dahil sa kanilang mga pahayag at ikinilos.
08:30Nanawagan si Vice President Sarah Duterte na pagtiwalaan ang mga Senator Judges na magiging patas sila.
08:37Sinasabi ko, ibigay na natin yung benefit of a doubt dyan sa ating mga Senator Judges na gagawin nila ang trabaho nila ng patas according to sa sinumpaan nila as Senator Judges.
08:50Paliwanag niya kung bayas umano ng isang senador, pabor sa kanya ang magiging basihan.
08:57Paano naman daw iyong mga senador na may bayas laban sa kanya?
09:01Kung ganun ang ating basihan sa inhibisyon, dapat din natin ipainhibit ang mga Senators na may bayas against Sarah Duterte.
09:15Tulad na lang ni Sen. Risa Ontiveros na in a public speech, sinabi niya na kailangan talaga ibayin ang pamilyang Duterte.
09:26Tugon niya sa pahayag ng ilang business groups na pagpapakita na accountability ang pagpapatuloy ng impeachment trial.
09:34Igirit niyang hindi ito tungkol sa accountability. Kung accountability daw ang hanap, dapat sa korte nagpunta at hindi sa impeachment court.
09:44Dalawa lang yung penalties dyan. Removal from office at perpetual disqualification from government service.
09:51Walang penalties dyan. Dahil walang kaso dyan. Ang impeachment ay removal process ng isang impeachable officers.
10:01Kung gusto talaga nila ng accountability, ay mag-file ng mga kaso dyan sa mga korte.
10:09Noong nakaraang linggo, inadapt ng Kamara ang rekomendasyon ng House Committee on Good Government
10:15na sampahan ng kasong sibil at kriminal si Duterte para sa umano yung maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
10:25Nagbigay ng reaksyon dito si VP Sara sa isang video na ipinamahagi sa media ng OVP.
10:32Kung ako, okay lang. Dahil politiko ako, alam ko kung anong kailangan ko gawin at gusto ko rin sumagot sa loob ng korte.
10:44Pero naaawa ako dahil sa mga threats sa harassment na ito ay mayroong mga empleyado ng ating opisina na nadadamay.
10:54Ito ang unang balita.
10:55R. Jill Relator ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.
11:02May tugon si Sen. President Jesus Escudero na tumataw yung presiding officer ng Impeachment Court
11:06sa panawagan na mag-inhibit ang ilang Sen. Judges na lilitis kay Vice President Sara Duterte.
11:14Voluntary ang pang-inhibit ng sino mang Sen. Judge.
11:17That is addressed to the sound discretion of each judge.
11:21Hindi kami pwede magbotohan na i-inhibit siya.
11:25Walang ganong proseso.
11:27Ang proseso ay ikaw ang bahala kung gusto mo mag-recuse o mag-inhibit.
11:32Ginit ni Escudero, wala siyang kapangyarihan na magpa-inhibit sa kanyang mga kasamahan.
11:39Hindi rin rin rin rin pwedeng ipilit sa sino man, pabor man o kontra kay BP Duterte.
11:44Kung meron man daw kung may question sa Sen. Judges, maaari silang magsampan ng ethics complaint.
11:49Sa maghala, hindi pa payang makaupo sa pwesto ang nanalong kandidato nitong eleksyon 2025
11:55kung hindi sila nakapagpasa ng Statement of Contributions and Expenditures o SOSES sa COMELEC.
12:03Ayos sa Department of Interior and Local Government, alinsunod dyan sa batas.
12:07Hindi raw kikilala niya ng DILG ang outtaking ng mga opisyal na hindi nakapagsumite ng kanilang SOSES.
12:13Ayos sa COMELEC, 90% ng mga kandidato ang nakapagpasanaan ng kanilang SOSES.
12:18Wala nang extension ang filing niyan na nagtapos nga noong June 11.
12:32Kasamay na muling pagbubukas ng klase, tumas ang presyo ng itlog, nakaraniwang almusal at ng manok na ibinabaon din sa eskwelahan.
12:40Silipin natin kung magkano live mula sa Marikina. May unang balita si EJ Gomez.
12:46EJ, magkano?
12:48Igan, ngayong kasisimula nga lang ng klase, may pagtaas na ngang naitala sa presyo ng mga favorite baon sa eskwela gaya ng itlog at manok.
13:03Dito sa Marikina Public Market, ang presyo ng kada kilo ng manok aabot sa 20 pesos ang itinaas.
13:10Araw-araw daw namimili ng itlog ang construction worker na si John.
13:19Yun daw kasi ang pinakamurang ulam na pwede niyang mabili, lalo na pang almusal.
13:23Ngayong araw, tatlong piraso ang binili niya, na papartnera ng pritong talong at kamatis.
13:29Ito, dalawa sa umaga, albasal.
13:31Ano pong papartnera sa itlog?
13:33Itong hotlog po.
13:34Minsan merong mahal, merong mura. Kung saan na amura, dun na wala may lipat. Pagka mahal, alis ako.
13:40Paninda naman sa school na pinagtatrabahuhan niya ang dalawang tray ng itlog na binili ni Mirna.
13:46Ramdam daw niya ang pagtaas muli ng presyo.
13:49May mataas nga po.
13:51Lahat naman po nagtaasa.
13:53Dito sa Marikina Public Market, mabibili ang isang tray ng pinakamaliit na itlog sa 185 pesos.
13:59Ang medium size, 210 pesos.
14:02Ang large, 235 pesos.
14:04Extra large, 250 pesos.
14:07At jumbo, 270 pesos.
14:10Ayon sa Department of Agriculture o DA,
14:12inaasahan ang pagtaas ng presyo ng itlog dahil sa pagtaas ng demand ngayong pasukan na.
14:17Sabi naman ng tenderong si June.
14:19Ang demand medyo tumaas na.
14:23Kasi nga, nagbukas na yung klase.
14:25Yung supply, hindi ganong tumaas kasi nga, yung iba nagkakal na.
14:29Nagpapalitan sila ng manok para sa susunod na buwan,
14:34tataas na yung supply nila.
14:36Tumaas din ang presyo ng manok.
14:39Ang dating sariwang buong manok na 198 pesos, 205 pesos na ngayon.
14:44Mabenta raw sa ngayon ang sariwang manok ayon sa tenderong si John.
14:48Kailan pa nagsimulang kumaas yung ating presyo?
14:51Nakarang linggo po po kasi pagmabili kasi nagpapataas sila ng manok.
14:57At may tira, minsan naubos rin pag madaming tao.
14:59Ang chilled or frozen whole chicken naman, ibinibenta ng 240 pesos na dating 220 pesos lang.
15:06Ang choice cuts naman, tumaas na sa 260 pesos ang kada kilo.
15:11Igaan sa mga mahilig kumain ng itlog at manok, asahan daw.
15:21Ang mas lalo pang pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na linggo.
15:24Ayon sa mga nakausap natin nagtitinda, ang pagtaas niyan ay aabot mula sa limang piso hanggang sampung piso.
15:32At yan, ang unang balita mula rito sa Marikina City.
15:36EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
15:40Nagahanda ng Department of Migrant Workers ng Mass Repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa palitan ng airstrikes ng Israel at Iran.
15:49Mahigit 200 ang patay sa magkalabang bansa.
15:52Mahigit 1,000 naman ang sugatan kabilang limang Pinoy.
15:56Meron ding isang Pinay na kritikal ang lagay.
15:59May unang balita si J.P. Sorian.
16:04Hanggang madaling araw ng nunes, ang alingaw-ngaw na mga sirena sa Tel Aviv, Israel.
16:10Sunod-sunod na missile ang nagpaliwanag sa gabi sa gitna ng palitan ng pag-atake ng Israel at Iran.
16:19Ang iba sa mga missile na intercept ng defense system ng Israel.
16:27Pero merong tumama sa lupa.
16:29Gaya sa lunsod ng peta-tivka malapit sa Tel Aviv.
16:35Isang residential building ang tinamaan, tatlo ang patay at mahigit 30 ang sugatan.
16:46Paaralan at sinagog naman ang napuruhan sa lunsod ng Nebrak.
16:51Maraming apartment building ang nawasak.
16:54Nakuha ang bangkay ng isang lalaki at mahigit 20 ang sugatan.
16:58Isa pang napuruhan ang lunsod ng Haifa sa hilagang bahagi ng Israel.
17:05Kita ang usok mula sa refinery matapos ang missile strikes ng Iran.
17:09Ayon sa oil refineries ng Israel, nasira ang kanilang pipelines at transmission lines sa Iranian missile strikes nitong linggo.
17:19Nasa 30 ang sugatan sa lunsod habang patuloy ang search and rescue operations.
17:24Ang layunin ng Israel, pigilan ng Iran na lumikha ng nuclear weapon kaya tinarget ng nuclear at military facilities doon.
17:36Giit ng Israel, magbabayad ang Iran sa pag-ataking ikinamatay ng di bababa sa 8 nitong magdamag.
17:43Nasa 100 ang sugatan.
17:45Sa kabuan, di bababa sa 24 ang patay sa Israel sa mga missile attack ng Iran.
17:52Lahat mga sibilyan.
17:53Sa Iran naman, mahigit 200 ang nasawi, karamihan din sibilyan.
17:59Babala ng Iran, mas malala pa ang kanilang gagawin kung patuloy natitindi ang tensyon.
18:04Sabay giit na di sila gumagawa ng nuclear weapon.
18:09Isang Pilipinong caregiver sa Rehovot Israel ang nasa kritikal na kalagayan ngayon.
18:14Nadaganan siya ng mga debris ng tinamaang gusali.
18:17Naiipit po yung kanyang neck, yung kanyang lieg and monitoring po ngayon kasi nasa ICU po siya.
18:25Hopefully, she's able to pass the night para ma-stabilize yung condition para pwede siyang operahan.
18:32Isa pang Pinoy caregiver ang nagtamorin na matinding sugat.
18:36Sinasabi lang, kailangan nang tingnan kung ano yung baka magkaroon ng life-changing impact yung sugat niya sa kanya once she heals.
18:47Ang apat na iba pang Pilipinong nasaktan nakalabas na ng ospital ayon sa Philippine Embassy.
18:52Ilan sa mga OFW roon, nasaksihan ang tindi ng pinsala sa mga gusali.
19:07Nasaksihan din ang tubong gimaras na OFW na si Alden ang airstrikes.
19:12Sa ngayon, wala pang gagawing sapilitang pagpapa-uwi sa mahigit 30,000 Pinoy roon.
19:18Ang mga nakaschedule naman talagang i-uwi at nais-umuwi.
19:22Sisikapin daw mayalis agad ng Israel sa lalong madaling panahon.
19:26At sakaling dumami pa raw ang mga nais-umuwi.
19:29We always stand ready for any eventuality including mass repatriation.
19:34Bukod sa Israel, meron ding 30 Pilipinong nagtatrabaho sa Iran.
19:39Nobody has been adversely affected from the Indian Iranian side.
19:43Targeted kasi ang attacks naman na doon.
19:47And we continue to hope and pray na again, humupa yung hidwaan na ito
19:52para wala nang further na maapekto, ano masaktan.
19:56Ito ang unang balita.
19:58JP Soriano para sa GMA Integrated News.
20:01Avisala Encantadix, the long wait is finally over.
20:10Napanood na kagabi ang pilot episode ng Encantadio Chronicles Sangre.
20:15Mga nila lang ng lupaing isinumpa.
20:20Simula sa araw na ito ay ako na
20:22ang kikilala ni ninyong Kera.
20:25Ipinakilala na si Rian Ramos bilang si Kera Mitena,
20:29ang tila bayaning nagligtas sa mga taga-Mineave
20:33matapos mapatay ang higante na si Arsos.
20:36Isa pang tampok sa pilot, ang ganda, o nga.
20:38O, diba?
20:39Isa pang tampok sa pilot episode kagabi,
20:41ang pangitain ni Cassiopeia played by Solene Youssef
20:44tungkol sa nakatakdang pumatay sa kanya.
20:47Tila naging babala ito sa magkakapatid na Sangre Pirena,
20:50na Alena at Danaya played by Glyza De Castro,
20:53Gabby Garcia at Sanya Lopez.
20:56Kaya naman ititrain nila ang kanilang mga anak.
20:58Kaya naman dapat abangan kung ano
21:00ang magiging kapalara ng bagong Encantadio.
21:03Mamayang 8pm sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
21:09Igan, mauna ka sa mga balita,
21:11mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
21:14para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
21:20GMAERO
21:20GMAERO
21:21GMAERO
21:21GMAERO
21:22GMAERO
Comments

Recommended