00:00Kinukonsidera ng DSWD na isama sa four-piece ang mga manggagawang may mas mababa na minimum ang sahod
00:08at para tuluyan silang makaahon sa hirap, pag-iigtingin din, pa-iigtingin pa ang pagtulong sa kanila
00:15sa pamagitan ng pag-alok ng libre scholarship slot at training sa TESDA.
00:22Si Claesel Pardilla sa Detalye.
00:23Paglilinis ang pamunahing trabaho ng utility worker at padre de pamilya na si Dennis.
00:34Pero sa dami ng gastusin, umeextra na rin siya bilang referee sa mga palaro.
00:39Dahil sa hirap nga ng buhay ngayon, yung mga bilihin medyo mataas, tapos hindi naman ganong kataas yung sahod namin.
00:53Lalo na may pinag-aaral pa.
00:56Security guard at mga manggagawa na mas mababa sa minimum ang sahod na may mga anak na pinag-aaral.
01:04Kinukonsidera ng Department of Social Welfare and Development na isama sa Pantawig Pamilyang Pilipino Program o four-piece.
01:13Ayon sa ahensya, bahagi ito ng enhancement na gagawin ng DSWD.
01:18Sa ilalim ng four-piece.
01:20Kaya para kay Dennis na may high school student na anak.
01:23Araw-araw yung pamasahe, baon.
01:29Siyempre may ano pa yan, may project.
01:34Maganda yan para sa akin.
01:35Kasi una, ang laking bagay niyan eh.
01:39Ang laking bagay yung para sa amin.
01:40Para lalo pang matulungan ng mga four-piece na makaahon sa hirap,
01:46nagkasundo ang DSWD at Technical Education and Skills Development Authority
01:51ng paigtingin ang tulong para sa mga pamilyang graduate ng four-piece.
01:56Sa ilalim ng isang memorandum of agreement,
01:59mag-aalok ang testa ng libreng scholarship slots,
02:02skills trading at certification para sa mga kwalifikadong beneficiaryo ng four-piece.
02:08Habang ang DSWD naman ang tutukoy sa mga kalahok.
02:13Layon itong matulungan sila na makahanap ng maayos na trabaho
02:16at magkaroon ng disenteng kita.
02:19Alingsunod ito sa direksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:23na bigyan ng maayos na edukasyon
02:25at kapaki-pakinabang nakasanayan ang mga graduate
02:29na hindi lamang susi sa pag-angat ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino,
02:34kundi makatutulong din para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
02:38Sa susunod na taon, inasahang aabot sa isang milyon
02:43at walong daan libong pamilya ang lalabas sa four-piece.
02:47Kabilang dyan ang higit isang milyong senior high school graduates.
02:52Kaleizal Pordilia,
02:54para sa Pambansang TV,
02:56sa Bagong Pilipinas.