Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Ipinagutos ng Department of Education sa mga paaralan na higpitan pa ang pagpapatupad ng mahakbang para labanan ang karahasan sa eskwelahan.
00:08May unang balita live si E.J. Gomez.
00:16Susan, mas pinaiigting ngayon ng Department of Education o DepEd ang mga hakbang nito laban sa school-based violence
00:24kasunod ng nangyaring shooting incident sa loob ng isang eskwelahan sa Nueva Ecija.
00:30Matapos ang nangyaring pamamaril ng 18-anyos na lalaki sa kanyang 15-anyos na ex-girlfriend sa loob mismo ng paaralan sa Nueva Ecija,
00:41nagbaba ng utos ang Department of Education o DepEd sa mga field office nito na maging alerto at magpatupad ng mas mahigpit na preventive measures laban sa mga karahasan sa mga paaralan.
00:52Sa isang memorandum, binigyan din ang DepEd ang tungkulin nitong panatilihin ang ligtas at protective learning environment para sa lahat ng estudyante, guro at school personnel.
01:05Iginiit din ang DepEd na kabilang sa Child Protection Policy ang pagbabawal sa pagpasok sa school premises ng mga deadly weapons, droga, alkohol, toxic substances at pornographic materials.
01:17Si Mirna, araw-araw na hatid sundo ang kanyang anak na grade 6 students para panatagdawang loob niyang ligtas ang kanyang anak.
01:25Mas maganda, mas prioritized ng mga school na safe ng mga bata.
01:34Tsaka bawal din ng outsider dito.
01:37Tapos hindi sila basta-basta nagpapapasok ng iba.
01:41Tsaka kung sinong sundo, yun lang po makakakuha sa bata.
01:45Kampante naman po ako sa school regulation nila kasi parang safe silang inahandle yung mga bata.
01:56Hindi sila basta-basta nagtitiwala.
01:59Mahigpit daw ang security measures na ipinatutupad sa elementary school na ito sa Marikinas City.
02:044 a.m. po, pumapasok pa ako ng maaga kasi inaalalayang ko rin yung mga bata na maaga silang pumapasok at nandyan na sila sa labas.
02:14Pinagbabawalan ko silang lumayo.
02:17Nandito lang sila sa loob ng bakod ng school.
02:20Mayroon kaming CCTV dito ma'am. Paikot po yan. Lahat dyan, mayroon dyan.
02:23Alito ma'am, nakapila lahat ang bata dyan. No parent allowed inside.
02:28Binigyang diin naman ng Alliance of Concerned Teachers Philippines ang pangangailangan sa dagdag na guidance counselors at mental health professionals
02:36para magabaya ng mental health at psychosocial needs ng mga studyante sa mga eskwelahan.
02:42Sisikapin namin kunan ang reaksyon ng DepEd ukol dito.
02:45Susanne, binagyan diin din ng DepEd sa policy guidelines nito sa pagpapatupad ng revised school-based management system
02:57na may shared duty ang school communities para masiguro ang safe, secure, inclusive, resilient at learner-centered na learning environment para sa lahat.
03:09At yan, ang unang balita mula po dito sa Marikinas City.
03:12EJ Gomez, para sa GMA.
03:15Integrated News.
03:17Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:20Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment