00:00Salamat na Lord!
00:16Matapos ang magkakasunod at malalakas na lindol sa bansa,
00:20pinangambahan naman ngayon sakaling gumalaw ang West Valley Fault
00:23at tumama ang 7.2 magnitude earthquake sa Metro Manila at Bulacan.
00:28Handa nga ba ang mga ospital sa bansa para tugunan ang mga mga ngailangan ng atensyong medikal?
00:34Ito ang gustong paghandaan ni Health Secretary Ted Herbosa.
00:37Please make sure we will be the last facility standing.
00:42In a big one, tayo ang dapat huling facility na hindi babagsak.
00:49May mga naka-assign na mga DOH hospital na magsisilbing primary healthcare facility
00:54north, south, east o west quadrant ng Metro Manila
00:57na dapat paghandaan ang dagsa ng pasyente.
01:00Sa North Quadrant, isa sa primary facility ang Dr. Jose Rodriguez Memorial and Sanitarium sa Caloocan City.
01:07Sa ngayon, nakahanda na sa kanilang warehouse
01:09ang mga generator set, hospital field bed, tents, medical equipment at gamot na tatagal ng dalawang linggo.
01:16Kung dumagsa ang mga pasyente, sa parking lot itatayo ang mga tent na magsisilbing field hospital.
01:22Ang uusod na yung triaging natin malapit sa gate.
01:25So doon pa lang, iti-check na natin yung mga patients kung ano nga silang kategory,
01:29kung sila ba ay walking wounded or sila ay urgent.
01:34So yung makakapasok lang sa banda rito is the red patients.
01:38Ang Tondo Medical Center na sakop ng west quadrant,
01:41balak magtayo ng field hospital sa Intramuros Golf Course,
01:45sa mga kalsada sa paligid ng ospital, pati na sa isang kalapit na paaralan.
01:49Pag bumaksak po ang ospital namin, kinilir ng engineering namin na pwede namin gamitin yan,
01:55that will be our temporary hospital.
01:58May mga ospital mula sa regyon na sasaklolo sa mga naka-assign na primary healthcare facilities
02:03sakaling tumama ang the big one.
02:05Pero sa DOH briefing, sabi ni Dr. Imelda Mateo ng Amang Rodriguez Memorial Hospital,
02:11na isa naman sa mga ospital na sakop ng east quadrant,
02:14kailangang maghanda sakaling hindi kaagad makarating ang saklolo.
02:18Okay, so kung sino yung first wave na tutulong sa amin,
02:23manggagaling pa sa Visayas.
02:25Yung second wave sa Soxagen pa po manggagaling.
02:29E paano po akong sira na lahat ng airport?
02:32Kaya sana, ayon kay Mateo, may pondo para sa dagdag na equipment
02:36tulad nitong atmospheric water generating system
02:39na magtitiyak ng sapat na supply ng tubig.
02:42Hihingi pa ng pondong DOH dahil 100 million pesos na lang ang natitira
02:46sa emergency response fund ng kagawaran ngayong taon.
02:49Tiniyak naman ni Secretary Herbosa na na-inspeksyon na mga gusali na mga ospital
02:54para tiyaking hindi guguho ang mga ito sakaling tumama ang the big one.
02:59Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
03:05Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:10para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments