00:00Samantala, ilan nating mga kababayan ang humahabol sa pagpapatala para makaboto.
00:04Ito ay sa ilalim ng Special Registration Anywhere Anytime Program ng Commission on Elections
00:10kung saan ang voter registration din ang poll body sa mga matataong lugar.
00:15Si Isaiah Merafuentes sa Sentro ng Balita.
00:21Manablockbuster ang pila kagabi sa huling araw ng Special Registration Anywhere Anytime Program ng Comelec sa isang mall sa Mandaluyong City.
00:28Pasado alas 9 na ng gabi pero ganito pa rin kahaba ang pila dito sa isang mall dito sa Mandaluyong City.
00:36Humahabol sila bago magsara ang voter's registration.
00:39Naniniwala kasi sila na ang bawat voto nila ay mahalaga at kayang magpabago ng ating lipunan.
00:46Kagaya ni Tatay Eboy, sinama niya ang kanyang asawa at mga anak sa registration sites ng Comelec.
00:52Nagpa-renew bilang votante silang mag-asawa.
00:55Habang nagparehistro naman bilang votante ang kanyang dalawang anak.
01:00Siyempre bilang Pilipino sila kailangan nilang pumili ng nanonungkulan sa gobyerno natin kasi isa din kami sa mga residente.
01:10Naniniwala rin ang kanyang anak na si Nicole na kahit bilang kabataan ay kaya niyang pumili ng tamang tao.
01:16Ang Special Registration Anywhere Anytime Program o SRAP ay inilatag ng Comelec sa iba't ibang lugar tulad ng parke, mall, transport terminals at BPO companies.
01:38Ito ay para mas mapalapit sa tao ang registration.
01:42Pitong araw itong nagtaga na nagsimula noong nakaraang biyernes.
01:46Pero ang voters' registration sa mga local Comelec office ay magtatagal hanggang sa linggo.
01:53Ay Siamira Fuentes para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.