00:00Ngunawagan si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa China na agad ipagbigay alam sa Pilipinas
00:05ang anumang planong pagpapalipad ng rocket na posibleng magdulot ng pagbagsak ng debris sa karagatang sakop ng Pilipinas.
00:16Ayon sa Pangulo, makatutulong ito upang makaiwas sa anumang panganib at mabigyan ng sapat na panahon ng mga otoridad
00:23para sa ligtas na pagkuhan ng mga bahagi ng rocket na bumagsak.
00:27Paliwanag niya, hindi ito ang unang pagkakataon na may pinaghihinalaang rocket debris mula sa China na napadpad sa katubigan ng Pilipinas.
00:38Ngunit nilinaw niyang walang nalalabag na batas sa pinakahuling insidente.
00:44Dagdag pa niya, walang nasaktan o na-disgrasya sa naturang pangyayari kaya't wala namang naging agarang problema.
00:50Binalikan din ang Pangulo ang kanyang naging pahayag noon kay Chinese President Xi Jinping na wala namang interes sa Pilipinas sa mga bahagi ng rocket.
01:01Anya, kung ipagbibigay alam lamang ng China ang eksaktong lokasyon ng pagbagsak ng debris,
01:06ay handa ang Pilipinas na kunin ito at isa uli.
01:10We know that the path of the rocket, where the path is, and kung magbibitaw sila ng stages, kung saan babagsak.
01:20And I remember in my trip to Beijing early on, that I told President Xi, you know, we have no interest in your rockets.
01:32You just tell us where they will land, we will collect it and give it to you.
01:36And that continues to be my offer to China.
01:43I said, hindi nyo na kailangan agawin sa amin yan, wala namang anong gagawin namin yan.
01:47So, sabihan nyo kami kung saan dadaan yung rocket, pag may babagsak, kukunin namin sa dagat, tapos idadali namin sa inyo.
01:55Wala namang problema.
01:56But the good side to all of this, wala namang casualty.
02:00Wala namang tinamaan, hindi naman nagka-problema.