Skip to playerSkip to main content
The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) on Thursday afternoon, Aug. 7 said the low-pressure area (LPA) spotted outside the Philippine area of responsibility (PAR) has intensified into a tropical depression.

READ: https://mb.com.ph/2025/08/07/lpa-outside-par-develops-into-tropical-depression-pagasa

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Simulan po natin sa ating latest satellite imagery kung saan makikita natin ang konsentrasyon ng ating mga kaulapan.
00:07At pansin na po natin dito nga po sa may northern Luzon area ay makakapal po ang ating ulap dahil po yan sa ating low pressure area na binabantayan.
00:16At kanina nga po alas 10 ng umaga ay huli natin itong namataan sa may coastal waters ng San Fernando City, La Union.
00:24Ito po'y magdadala ng mga mabibigat na pagulan dyan po sa may Ilocos region pati na rin po dito sa may Zambales area ngayong hapon hanggang bukas po yan ng umaga.
00:35Kaya magingat po tayo sa ating mga kababayan dyan.
00:38Sa ating pagtaya itong LPA naman ay pikilos pa westward patungo po o palabas po ng ating Philippine Area of Responsibility.
00:47At sa ating pagtaya ay bukas hanggang Saturday, posible po ay makalabas na ito sa ating EAR.
00:56Meron din po tayong binabantayan na tropical depression o bagyo sa may labas ng ating Philippine Area of Responsibility.
01:05Kanina po ito po ay LPA lamang, ngunit nakita po natin na pumasok na po sa kategoryang tropical depression o bagyo ang kanyang mga hangin.
01:14Pero sa ating namang pagtaya, hindi naman po ito makakabigay ng ganong grabing epekto sa ating bansa.
01:22Ngunit, posible po ito mag-track po or kumilos pa westward patungo po dito sa may Philippine Sea.
01:29At posible po itong mag-enter or pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility.
01:34At kung bagyo pa rin na ito, by that time ay tatawagin po natin itong Bagyong Fabian.
01:39Para naman po sa nalalabing bahagi ng ating bansa, southwest monsoon pa rin po ang umiiral dito po sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao area.
01:50Kasama na rin po dito sa may northern Bicol region.
01:54So itong southwest monsoon po ay hindi po kagaya ng mga nakaraang linggo na enhance po ng ating LPA or ating mga bagyo.
02:05Ito lang po ay mahina lamang, ngunit nakaka-generate pa rin ito, nakaka-buo pa rin ito ng mga localized thunderstorms,
02:13lalong-lalo na po doon sa may areas na malapit po sa mga bulubunduking lugar.
02:19Kung makikita po natin o mapapansin po kasi natin kung aakyat ang hangin papunta po sa may bulubunduking lugar,
02:26ay ito po yung tinatawag natin na orographic lifting.
02:29At mapipwersa po yung mga pagbuo ng ating mga kaulapan na yun po ang nagbibigay ng ating mga pagulan.
02:38Mag-ingat po tayo kahit isolated or localized thunderstorms lamang yan, ay posible pa rin po itong magbigay ng mga banta.
02:45Kagaya lamang po na nangyari dito sa may Mindanao area na hailstorm.
02:49O pwede din po magkaroon ng mga bugso ng hangin at mga heavy downpours o mga biglang lakas na ulan dahil po sa ating mga localized thunderstorms.
03:00At sa ating pong pagtaya, itong LPA nga po ay lalabas pero magdadala po ito ng mga makulimlim na panahon.
03:08Diyan po sa may Northern Luzon area, kabilang na din po sa may Metro Manila at sa Central Luzon,
03:14sa may Calabar Zone at may Mimaropa, liba na lamang po sa may Palawan area.
03:20Pero pagdating po ng Sabado hanggang linggo, kung makalabas na nga po ito ng ating PAR, ang LPA,
03:26ay posible pong bumalik po doon sa magkakaroon po tayo ng mga localized thunderstorms during the afternoons,
03:34pero sa umaga naman po ay magiging mas maaliwalas po ang ating panahon.
03:38So yun po ang ating senaryo over the weekend.
03:41At dahil nga po dito sa ating LPA ay nagpalabas po tayo ng ating weather advisory
03:49dahil sa ating pagtaya ay maaaring umapot sa 50 to 100 mm ang mga pagulan
03:55dito po sa may Ilocosur, La Union, Pangasinan at Zambales area.
04:00At ito pong 50 to 100 mm ay maaaring po nating maahalin tulad sa 4 hanggang 8 balde ng tubig
04:09na ibinuhos po sa isang standard na CR over the course of 24 hours.
04:16So kung nasa urban areas po tayo o nasa bulubunduking lugar po tayo,
04:21ay tataas po talaga yung level ng tubig.
04:24Kagaya na din dito sa may river areas.
04:28Mag-ingat po tayo sa posibilidad ng flash floods at landslides.
04:31Para naman po sa ating thunderstorm advisories at rainfall advisories,
04:37ang ating mga kasamahan po sa pag-asa Regional Services Divisions
04:41ay nagpapalabas po ng 3 hourly advisories para po doon.
04:46Kung hindi po masakop ng ating national forecast,
04:49yung mga thunderstorms ay sila po ang magbibigay ng mga advisories ukol doon.
04:54Para naman po sa ating forecast bukas,
04:59dahil nga po sa LPA ay magkakaroon tayo ng maulap na panahon
05:03na may kalat-kalat na pagulan, pagkulog at pagkidlat
05:05dito po sa may malaking bahagi ng Luzon,
05:09kabilang na din po dito sa may Metro, Manila.
05:12At dito naman po sa may Bicol Region,
05:15pansin po natin na wala po masyadong kaulapan bukas,
05:18ngunit mataas po yung chance na mga isolated thunderstorms.
05:21Magiging mainit po ang ating panahon dito sa Tugigaraw at sa Metro, Manila,
05:27pati na rin po sa Maylegaspe City,
05:30kung saan ang kanilang maximum temperature ay maaaring umabot sa 31 degrees Celsius.
05:35Kaya magdala po tayo ng mga ating mga payong,
05:39hindi lang pananggas sa mga ulan,
05:41kundi panangga din sa matinding sikat ng araw,
05:44lalong-lalo na sa umaga hanggang sa noon time.
05:48Para naman po sa may Palawan, Abisayaan at sa Mindanao area,
05:54ganun pa rin ang ating aasahan,
05:55magiging maula po ang ating panahon,
05:58liba na lamang dito sa may Cagayan de Oro City
06:00at sa may Davao Oriental Area,
06:05dahil po dito sa Southwest Monsoon.
06:07Magiging mainit po dito sa may Cagayan de Oro,
06:12sa may Davao,
06:13pati na rin po sa may Zamboanga City
06:15at expect po natin na aabot po hanggang 32,
06:18so 33 degrees Celsius ang magiging temperatura.
06:22Ito naman po ang ating sea condition para bukas.
06:25Wala naman tayo nakataas na gale warning
06:27sa lahat ng baybayeng dagat ng ating bansa.
06:30Ngunit aabot po hanggang moderate na pag-aalon
06:34ang ating i-expect dyan sa may Northern Luzon area.
06:37So moderate po aabot po ng 2.1 meters ang kanilang pag-aalon.
06:41Kaya risky po o delikado po ito sa mga sasakyang maliit na pandagat
06:45dahil po itong moderate or 2.1 meters
06:49ay maaari nating mahalin tulad po
06:50doon sa mas higit pa sa isang palapag na building.
06:55So mataas po talaga yung mga pag-aalon natin doon.
06:58Dulot na din po ng ating LPA.
07:00Pero sa nalalabing bahagi naman po ng ating baybayeng dagat
07:05ay magiging light to moderate po ang ating pag-aalon
07:08na aabot po hanggang 1.5 meters
07:11dito po sa may Visayas at 1.2 meters naman po
07:14dito sa may Mindanao area.
07:17Punta naman po tayo sa ating 3-day weather outlook.
07:20Malaking bahagi po ng Luzon ay makakaranas po
07:22ng mas mainit na panahon over the weekend.
07:25Hanggang Monday.
07:26Pero hindi natin inaalis ang chance
07:28ng isolated or localized thunderstorms
07:31pagdating po ng hapon at gabi.
07:33Kaya mag-ingat pa rin po tayo.
07:35Para naman po sa kabisayaan na Metro Cebu,
07:38Iloilo City, pati na rin po dito sa Tacloban City.
07:41Ganon din po magiging mas maliwalas po
07:43ng ating panahon na may chances na lamang po
07:45ng isolated thunderstorms.
07:48Sa may Mindanao area,
07:50magiging bahagyang maulap
07:52hanggang maulap po ang ating papawirin dyan.
07:53At mataas pa rin po yung chance na mga localized thunderstorms.
07:56Thunderstorms.
Comments

Recommended