00:00At dahil today ay CDC Day,
00:11iahatid namin sa inyo ang mga programa at proyekto ng Clark Development Corporation
00:15para sa patuloy na pag-unlad ng Clark Freeport Zone
00:19tungo sa isang bagong Pilipinas.
00:21Mas mabilis, mas simple at mas epesyente.
00:24Yan ang hatid ng bagong sistema para sa aviation-related businesses sa Clark Freeport.
00:30Binuksan ng Clark Development Corporation,
00:32katuwang ng Bureau of Customs Port of Clark ang MRO Fast System,
00:37isang makabagong inisyatiba para pabilisin ang dokumentasyon at inspeksyon ng mga aviation locators.
00:43At sa patuloy na pagsulong ng Clark bilang logistics at investment hub,
00:47higit pang tumataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan tungo sa isang bagong Pilipinas.
00:52Narito po ang report.
00:54Mas mabilis, mas simple at mas epesyente na ngayon
00:59ang proseso para sa aviation-related businesses sa Clark Freeport.
01:03Bunsod ng pagpapatupad ng electronic permits, joint inspections at pinaiting na compliance monitoring.
01:11Bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na gawing mas responsive at streamlined
01:16ang sistema ng kalakalan sa bansa,
01:18Inilunsad ng Clark Development Corporation,
01:21katuwang ng Bureau of Customs Port of Clark,
01:23ang Maintenance, Repair and Overhaul Facilitated Access for Services and Trade o MRO Fast System.
01:30Layunin ng bagong sistema na pabilisin ang pagproseso ng mga dokumento at inspeksyon
01:35para sa mga aviation-related locators sa Freeport.
01:38Ang MRO Fast ay inilunsad sa visa ng Joint Memorandum Order na nilagdaan noong May 30, 2025
01:45at bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatibo sa ilalim ng Customs Industry Consultative and Advisory Council
01:52na pinangungunahan ng CDC.
01:54Sa paumagitan ng forum na ito,
01:56mas pinatitibay ang ugnayan sa pagitan ng gobyerno at industriya
01:59habang nagbibigay ng direktang platform para sa feedback at agarang solusyon
02:04sa mga operational concerns ng mga locators.
02:07Sa patuloy na pagtutulungan ng CDC at mga ahensya ng pamahalaan,
02:12mas pinapadali, pinapabilis at pinapalawak ang kalakalan sa Freeport
02:17tungo sa isang makabago, maayos at inklusibong bagong Pilipinas.
02:25Samantala, patuloy ang pagsulong ng Clark Freeport
02:28bilang isang mahalagang logistics at investment hub sa Luzon Economic Corridor.
02:32Ayon kay Clark Development Corporation President and CEO Atty. Agnes VST Divanadera.
02:38Sa Asia CEO Clark 2025 Forum,
02:41iniulat ni Atty. Divanadera na umabot sa P77 billion pesos
02:46ang kabuang halaga ng committed investments noong 2024.
02:50Target ng CDC na makabot o mahigitan pa ang bilang na ito ngayong taon.
02:55Ilan sa mga dahilan ng tumataas na kumpiyansa ng mga mamumuhunan
03:00ay ang mas pinahusay na connectivity, strategic location,
03:05maayos na pamamahala at pagpapaunlad ng kakayahan ng manggagawa sa Freeport.
03:10Batay sa datos ng CDC, may higit 145,000 na manggagawa
03:16at 1,213 locators na sa Clark.
03:20Kasabay nito, pinalalakas ang Town and Gown Program
03:23sa pakikipagtulungan sa mga unibersidad
03:25para matugunan ang skills gap at pangangailangan ng industriya.
03:30Ay pinapatupad din ang Business Interdependence Program
03:32na nagbibigay daan sa mga locators na makipagkalakalan sa loob ng zone
03:36habang nananatili ang kanilang tax incentives.
03:39Sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng CDC
03:42sa privado at magpublikong sektor,
03:45nananatiling aktibo ang papel ng Clark
03:46sa pagsuporta sa layunin ng isang bagong Pilipinas.