00:00Muling nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas sa ating mga teritoryo nang naaayon sa international law.
00:10Inihayag yan ng Pangulo sa kanyang pagharap sa isang foreign policy forum kung saan nanindigan ang Presidente laban sa mga maling naratibo sa South China Sea.
00:19Nagbabalik si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:22Sa kanyang pagharap sa isang foreign policy forum sa New Delhi na inorganisa ng Observer Research Foundation,
00:31muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paninindigan ng Pilipinas bilang isang bansang handang tumindig para sa batas, soberanya at pandaigdigang kapayapaan.
00:41Sa kanyang foreign policy address, inilahad ng Presidente ang pananaw ng Pilipinas sa lumalalim na krisis sa Indo-Pacific region, isang rehyon na anya ay sentro ng mga oportunidad.
00:51Ngunit sinusubok ng kaguluhan at panggigipit.
00:54Git niya, hindi sapat na manahimik o magmasid lamang.
00:57Kailangan anya na aktibong ipaglaban ang umiiran na kaayusan at kapayapaan na nakabatay sa batas at hindi sa lakas o dahas.
01:05It has thus become the responsibility for all stakeholders, including the Philippines and India,
01:11to play a more active role in upholding, in defending, and in preserving our rules-based order.
01:18Binigyang diin din ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng 2016 Arbitral Award,
01:23isang desisyon na kumikilala sa karapatan ng Pilipinas na mariing tinututulan ng ilang bansa at patuloy na sinusubukang baliwalain.
01:31The assertions of literal states have to pass the test of conformity with international law,
01:38particularly the unklos, and definitive binding interpretations such as the 2016 Arbitral Award.
01:45Nanindigan din ang presidente laban sa mga maling naratibo sa South China Sea na lumilihisan niya sa katotohanan.
01:52Indeed, there are those who sometimes justify such provocations under the pretext of geopolitics.
01:59Just as disconcertingly, there are those who seek to discredit international legal procedures
02:04and dismiss binding rulings to cloak opaque claims with a semblance of legitimacy.
02:10Sinabi rin ni Pangulong Marcos Jr. na tinatahak ng Pilipinas ang tamang landas tungo sa kapayapaan
02:16sa pamamagitan ng pagpapatatag ng ugnayan sa mga bansang may kaparehong paninindigan
02:21at mga bansang nirerespeto ang international law bilang tugon sa tumitinding tensyon sa Indo-Pacific region,
02:28kabilang na ang patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
02:32We fight for peace. But that is exactly what we do. And since we have started to be confronted
02:41with that situation, that is the solution that we find will be most effective and is the proper thing to do
02:52is to form these alliances, put together the coalition of like-minded states who share the same values,
03:00who adhere to international law and who are committed to defending their territory and the exercise of their sovereign rights.
03:13Sa naturang forum din, ibinida ng Pangulo ang kasaysayan ng Pilipinas at India bilang mga bansang lumalaban sa kolonyalismo
03:19at ngayon ay parehong isinusulong ang demokrasya, kaunlaran at patas na ugnayang pandaigdigan.
03:25Kaya naman itinuturong ni Pangulong Marcos Jr. na isang mahalagang hakbang ang pagtatatag ng Philippine-India Strategic Partnership,
03:32isang kasunduan na naglalayong palalimin pa ang kooperasyon sa depensa, maritime security, teknolohiya, ekonomiya at kapakanan ng mamamayan.
03:41Sa ilalim nito, kinilala rin ang Pangulo ang mahalagang papel ng India bilang isang mapagkakatiwalaang kaalyado
03:47na hindi lamang nagbibigay suporta, kundi sumusunod din sa international law kahit sa sarili nitong maritime disputes.
03:55With our strategic partnership, we unfurl the sails and steer our hopes and dreams through challenging tides.
04:04Our vision for a free, open, and inclusive Indo-Pacific is our compass.
04:11Our commitment to international law is our balance.
04:15Mula New Delhi, India, Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.