Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7 weeks ago
Bilang ng may trabaho sa bansa, tumaas sa 96.3% nitong Hunyo | Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Effectivo ang hakbang ng pamahalaan para mabigyan ng trabaho ang mga Pilipino.
00:05Patunay riyan ang pinakabagong resulta ng Labor Survey ng Philippine Statistics Authority
00:11kung saan tumaas sa 96.3% ang employment rate sa bansa nitong Hunyo.
00:18Si Denise Osorio sa detalye.
00:22Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong Hunyo 2025
00:26ayon sa pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority.
00:31Umabot sa 96.3% ang employment rate, mas mataas kaysa noong Mayo.
00:36Katumbas ito ng mahigit 50.47 million na Pilipino na may trabaho sa iba't ibang sektor.
00:43Bumaba rin ang bilang ng mga underemployed o ang mga may trabaho pero naghahanap pa ng dagdag na oras o kita.
00:50Mula 13.1% itong Mayo, bumaba ito sa 11.4% ngayong Hunyo.
00:55Ibig sabihin nito, mas kaunti na ang nangangailangan ng extra sideline o dagdag na trabaho para mapunan ang pangangailangan.
01:04Pero tumaas din ang unemployment rate sa 3.7%, mas mataas kumpara sa 3.1% noong Hunyo 2024.
01:12Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito kaysa sa naitalang 3.9% nitong Mayo,
01:18isang indikasyon na unti-unting pagbangon ng ekonomiya.
01:21Isa sa mga sektor na matinding naapektohan ay ang arts, entertainment, and recreation.
01:27Ayon sa PSA, humigit kumulang 218,000 na trabaho ang nawala sa sektor na ito sa nakarang taon.
01:35At isa sa pangunahing dahilan ay ang pagsasara ng mga online betting at gambling platforms sa bansa.
01:40Nakapag-contribute doon sa pagbawas sa arts, entertainment, and recreation ay yung gambling and betting activities.
01:48Kasama rin yung other amusement and recreation activities.
01:52Pinakamalagi dito yung gambling and betting activities.
01:55Dahil sa gambling and betting activities, 209,000 ang nawala ng trabaho
02:00at ang pinakamalaking contributor sa pag-unti ng mga nasa larangan ng arts and entertainment.
02:0616,000 naman para sa other amusement and recreation activities.
02:10At 9,000 naman ang sa sporting activities.
02:13Ayon sa PSA, isa ito sa mga pinakamalaking pagbaba ng employment ngayong taon,
02:18kasunod ng construction, agriculture, at manufacturing.
02:22Sangayon dito si Kuya Richard dahil marami siyang kakilalang nalulong sa pagsusugal sa online gaming.
02:27Isa lang ang nananalo dyan. Mananalo ka man, pati kikiming ka lang, pero mostly talaga talo.
02:34Eh paano yung sinasabing piso na yan, limang piso, kung pangkain mo na lang, pangkain na lang,
02:40tapos napupunta pa sa paglalaro.
02:41Si Ate Lorena naman, naahawaman siya sa ating mga kababayang nawala ng trabaho
02:46dahil sa online gambling at pagiging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators.
02:50Yung sa mga tao naman pong nagtatrabaho sa POBO, alam po naman natin na bawal yun.
02:55Kailangan po natin maghanap, maghanap po ng magandang trabaho na naaayon po sa ating Pilipinas,
03:03yung makakatulong po sa ating Pilipinas.
03:05Sa Agriculture and Forestry naman, may kabuo ang 580,000 na trabaho na wala kumpara sa nakarang taon,
03:12dulot ng sama ng panahon, pagbaha, at mataas na gasto sa produksyon nitong mga nakarang linggo.
03:18So, limang typhoon yung pumasok this July.
03:25So, probably, naka-apekto yun sa ating agri and forestry.
03:29Kasi itong agri is really sensitive to weather, diba?
03:33In fact, even construction, bumaba din siya.
03:37Matakas yung pagbaba ng construction, 692,000.
03:41So, we can relate this to the typhoons na pumasok dito sa buwan ng July.
03:47Sa kabila ng ilang sektor na humarap sa hamon, nananatiling matatag ang kabuwang employment ng bansa.
03:54Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended