00:00Nagsagawa na ng operasyon ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga paliparan
00:07laban sa mga taxi na labis kong maningil ng pamasahe.
00:11May detalya si Gav Villegas.
00:15Ipinagutos na ng Department of Transportation sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board
00:22ang pagsasagawa ng operasyon sa mga paliparan,
00:25particular sa Ninoy Aquino National Airport at iba pang lugar laban sa mga taxi na labis na naniningil ang pasahe sa kanilang mga pasahero.
00:33Ito ay matapos suspendihin ang lisensya ng taxi driver na si Felix Opina na naniningil ang 1,260 pesos na pamasahe
00:41sa isang overseas Filipino worker mula na IA Terminal 3 patungong na IA Terminal 2.
00:47Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon,
00:50pinadalhan na ng show cost order ng LTFRB si Opina at ang taxi hub kung saan sila ay pinagbabayad rin ng multa.
00:58Pag kayo nahuli at nabidyo kang kayo kamukha ni Felix Opina,
01:03ito din ang mangyayari sa inyo.
01:04Kaya ang advice ko na lang sa inyo, huwag nyo nang gagawin yan.
01:08Napagalaman rin ng LTFRB at DOTR na noong pang Marso napaso ang Provisional Authority ng Taxi Hub Transport.
01:15Nangangahulugan na lahat ng labing limang units nito na bumibiyahe ay kolorum.
01:20Posible rin na mawala ng prangkisa ang lahat ng unit ng taxi hub transport.
01:24Makikipag-ugnayan rin ang dalawang ahensya sa Manila International Airport Authority
01:28at Yuna IA Infra Corporation para mahuli ang mga mapagsamantalang taxi.
01:33May mensahe naman ang kalihim sa mga pasahero.
01:35I'm encouraging and asking yung mga kababayan natin na gawin yung ginawa ng pasahero dito State Transport Hub Taxi
01:46na i-binivideo niya yung pang-aabuso sa kanya ng taxi driver.
01:52Kasalakuyang ring naka-impound sa compound ng LTO ang nahuli na taxi.
01:57Gabo Milde Villegas para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.