00:00Matatag pa rin ang tiwala ng mga kongresista na matuloy ipaglilitis kaugnay sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
00:09VP Duterte, pinagkukumento na ng Korte tungkol sa pila ng Kamara para baliktarin ng pasyang edektarang unconstitutional ang Articles of Impeachment.
00:21Si Mela Lasmora sa Sentro ng Balita. Mela.
00:24Algo sunod-sunod ang press conference dito sa Kamara pero lahat sila, iisa lang ang pangunahing mensahe.
00:32Sana at dapat ay matuloy pa rin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:38Ito ay sa gitna nga ng inaabangang butuhan sa Senado kung tuluyan na ba nilang ibabasura ang Articles of Impeachment o itutuloy pa rin nila ang paglilitis ukol dito.
00:47Ayon kay House Postperson Atty. Princess Abante, ayaw nilang pangunahan ang Senado at niririspeto nila ang sariling mandato nito.
00:55Pero umaasa silang mananaig pa rin ang kanilang tukulin na to try and decide for trade patungkol na sa impeachment case.
01:03Muling nanindigan si Abante, dumaan sa tamang proseso at nakaayon sa konstitusyon ang lahat ng hakbang ng Kamara ukol sa impeachment.
01:10Kayo't umaasa rin silang papanigan ng Korte Suprema ang kanilang motion for reconsideration na humiling nabalikta rin ng Korte ang nauna nitong pasya na iliklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment.
01:23Kaugnay pa rin niyan, kahapon binigyan na ng Korte Suprema si Vice President Duterte,
01:27gayon din si Atty. Israelito Torion ng sampung araw para magkomento ukol sa MR na inihain ng Kamara.
01:34Kanina umaga, una na rin nag-presscon ang mga Bayan Black na binubuo ni na Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tino at Kabataan Partylist Rep. René Co.
01:43Panawagan nila sa Senado, huwag magmadali at hintayin muna ang magiging pasya ng SC sa MR ng Kamara bago isara ang usapin patungkol na sa impeachment.
01:52Sa ngayon, inaabangan din natin ang presscon ni House Prosecution Panel Spokesperson Atty. Antonio Bucoy.
01:58At yan muna ang latest audio.
02:01Salamat, Mela Lesmoras.