Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 5, 2025


- Kasunduan sa iba't ibang sektor, inaasahang lalagdaan ng Pilipinas at India sa state visit ni PBBM | PBBM: Filipino community sa India, makikinabang sa mga kasunduang lalagdaan ng Pilipinas at India | PBBM: May direct flights na ang India at Pilipinas; hindi na kailangan ng visa ng Indian nationals kapag pupunta sa Pilipinas | PBBM, binigyang-pagkilala ang mga Pinoy sa India


- Presyo ng sili sa Pangasinan, umabot na sa P500/kg dahil sa kakulangan sa supply | Presyo ng ilang gulay, tumaas din dahil daw sa epekto ng nagdaang masamang panahon


- Taripa sa imported na bigas, inirerekomenda ng Dept. of Agriculture na taasan | Pansamantalang tigil-importasyon sa bigas, isinusulong din ng D.A. para kumita ang mga magsasakang Pinoy | Ilang mamimili at nagtitinda, pabor sa dagdag-taripa at tigil-importasyon sa bigas para tangkilikin ang local rice


- Honeylet Avanceña, suspendido ang visitation rights kay FPRRD sa ICC | Avanceña, sinisisi si Atty. Kaufman sa suspensyon ng visitation rights niya kay FPRRD sa ICC | Kaufman, tumangging magkomento sa pahayag ni Avanceña na pinagdadamutan siyang makadalaw siya kay FPRRD


- Pagpapatupad ng standard anti-bullying policy sa mga paaralan, iniutos ng Department of Education


- Pag-attend ng Ex-PBB Housemates sa GMA Gala 2025, ginawan ng memes ng netizens | "Sang'gre" stars, stunning sa blue carpet; Bianca Umali, honored sa "Ang'gre" parody ng "Bubble Gang"


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00SEDDRIVE
00:04Bajong pagpirma sa mga kasunduan ng Pilipinas at India ngayong araw,
00:16hinarap at nagpasalamat muna si Pangulong Bongbong Margo sa Pilipino Community roon.
00:21Like mula sa New Delhi, India, may unang balita si Salima Refran.
00:26Salima,
00:30Igan, namaste dyan sa inyo sa Pilipinas.
00:33Alas 4.30 pa lamang na madaling araw dito sa New Delhi sa India.
00:37Pero kaabang-abang na talaga yung ikalawang araw ng state visit ng Pangulong Bongbong Marcos dito sa India.
00:43Lalagdaan kasi ang iba't ibang kasunduan na magpapalaka sa kooperasyon ng Pilipinas at India.
00:52Makulay na kultura.
00:53At malalim na pagkakaibigan ang sumalubo kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagdating sa Palam Air Force Station sa New Delhi para sa limang araw niyang state visit sa India.
01:07Makasaysayan ang state visit na ito ni Pangulong Marcos Jr. dito sa India.
01:11Lalo't pinagdiriwang ang 75 taong pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at India.
01:17Ang ugnayan na yan, inaasahang pagtitibayin pa sa pagpirma ng mga kasunduan ng dalawang bansa.
01:24It's already the fourth largest economy in the world.
01:27It will be a 5 trillion economy estimated around 2027.
01:31It's a high technology country.
01:33Itong pag-angat ng ugnayan natin sa India,
01:36kaakibat nito yung pinapalagudin natin yung turismo,
01:40yung pagpapadali ng connectivity, especially direct air connectivity.
01:46So, maraming bagay.
01:48So, there's the ease of access sa pagitan ng dalawang bansa,
01:53ease of commerce and business which translates to jobs.
01:57His Excellency Ferdinand Romualdez Marcos Jr.
02:02Sa harap ng Filipino community sa New Delhi kagabi,
02:05sinabi ng Pangulo na may mga kasunduang makikinabang.
02:08Hindi lang ang mga nasa Pilipinas, kundi maging ang mga nasa India,
02:12kagaya na lang ng isang social security agreement.
02:14In the coming days, our delegation will be engaging not only the government of Prime Minister Modi,
02:20but also India's biggest enterprises.
02:23We would like to see them invest more and generate more jobs back home.
02:29Napakalaking bansa ang India at napakalawak ang mga larangan kung saan maaring kapwang makinabang ang ating dalawang bansa.
02:37Inanunsyo rin ang Pangulo na magkakaroon na ng direct flights ang India at Pilipinas
02:43at visa-free na ang mga bibisitang Indian nationals.
02:47Binigyan pugay rin ang Pangulo ang Filipino community sa India,
02:50tulad na lang ng mga OFW na mga profesional at mga Pinay na nakapangasawa ng mga Indian.
02:56Magiging ina, may bahay, profesional o anuman pong gawain,
03:01ipagmamalaki nating lubos ang inyong pagtataguyod ng napakagandang pangalan at pagkilala sa ating bansa
03:08sa pamamagitan ng inyong husay, ng inyong galing at pakikipagkapwa-tao.
03:16You have made an excellent portrait of the Filipino to the rest of the world.
03:24Even across the vastness of India, you are cohesive,
03:27you are ready to lend support to each other, to our countrymen in need.
03:32Bagay na kinatuwa ni Mel June na labing dalawang taon na sa India kasamang asawa't anak.
03:38My husband is an Indian, very responsible,
03:41and hanggat maaari, he doesn't like me to work
03:45because for him, the family is responsible.
03:50Filipino women's good, good care-caring, friendly.
03:57Magiging tanyag na Pinoy chef na si Augusto Cabrera na dalawang dekada na sa India.
04:03Kayang-kaya ng mga Pinoy, iba ang Pinoy pagdating sa mga iba't ibang trabaho
04:09kasi matcha-tsaga tayo, at kaya, kaya ang kaya.
04:13Basta meron ka lang sipag at tsaga,
04:16at dapat passionate ka rin sa mga ginagawa mo.
04:20Yun, determination para din sa pamilya.
04:28Igan ngayong umaga nga ay mag-aalay ng bulaklakang Pangulong Marcos
04:31sa Mahatma Gandhi Memorial
04:33bago makipagpulong sa Pangulo at punong ministro ng India.
04:37Igan ang unang balita mula nga dito sa New Delhi sa India.
04:40Igan.
04:41Sa lima ngayong araw rin ba, inaasang tatalakay ni Pangulong Bongbong Marcos?
04:45Kasaming kanyang gabinete,
04:46yung rekomendasyon ng Department of Agriculture
04:48tukol sa tarip at pag-import ng bigas.
04:52Masisingit ba?
04:55Alam mo, Igan,
04:57Igan, wala pang binibigay sa atin na informasyon
05:00kung kailan talaga magaganap yung pulong na yan.
05:02Ngayong araw kasi punong-puno yung schedule ng Pangulo
05:06at ng kanyang gabinete.
05:07Gayun naman, sinabi sa atin kahapon
05:09ni Agriculture Secretary Francisco Tulaurel
05:12na aabot sa 35% yung rekomendasyon na
05:15taas taripa sa imported na bigas.
05:18Pero hindi rin yan isang bagsakan,
05:19kundi gagawin ng pautay-utay.
05:21Igan.
05:22May mga nabangit ba?
05:23Ano yung mga kasunduan posibleng lagdaan ngayong araw?
05:25Alam mo, Igan, kagabi, sinabi na ng Pangulo
05:31yung Social Security Agreement,
05:34inanunsyo niya yan doon sa ating Filipino community.
05:37At sabi naman ng Department of Foreign Affairs,
05:39hindi bababa sa anim yung mga kasunduang pipirmahan.
05:42Igan lang dyan yung sa sektor ng Justice System,
05:45ng Culture at Science and Technology.
05:48Igan.
05:48Maraming salamat sa Libra Fran live mula sa New Delhi, India.
05:51Ingat.
05:52Pumalo na sa 500 piso kada kilo
05:55ang presyo ng sili sa ilang pamilihan sa Pangasinan
05:58dahil daw sa kakulangan ng supply
06:00at live mula sa Mangaldan, Pangasinan.
06:02May unang balita si Jasmine Gabriel Galban
06:05ng GMA Regional TV.
06:06Jasmine.
06:10Susan, matapos ng halos tatlong linggong
06:13tuloy-tuloy na pag-uulan,
06:14ay apektado na ang supply ng sili.
06:16Ganun din ng ibang gulay na ibinibenta
06:17sa mga pamilihan dito sa probinsya ng Pangasinana.
06:22Kapansin-pansin,
06:26nakukonti lang ang laman
06:27ng isang plastik ng siling labuyo
06:29na nagkakahalaga ng 10 piso.
06:31Kulang daw ang supply
06:32kaya mataas din ang presyo ng siling labuyo
06:35na pumalo na ngayon
06:36sa 500 pesos kada kilo
06:38kumpara nung nakarang linggo
06:40na 150 lamang.
06:41Tumaas din ang presyo ng siling haba
06:43na ngayon ay nasa 100 pesos kada kilo
06:46kumpara nung nakarang linggo
06:47na 30 pesos lamang.
06:48Parang po ang ano po namin
06:50nasa 8 pises lang po.
06:528 pises?
06:5310 piso.
06:5410 piso.
06:55Ayon dati?
06:56Ano po marami po,
06:57isang dakot po dati.
06:5810 pesos po.
07:00Ayon sa mga tindera,
07:02mula pa sa Quezon Province,
07:04Benguet at Pangasinan
07:05ang mga siling labuyo
07:07na inaangkat na mga tindera
07:08sa bagsakan market sa Ordaneta City.
07:10Pusibli raw na naapektuhan ng presyo
07:13dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.
07:15Nagmahal na po sir lahat
07:16naman ng gulay sa nagmamahal na rin.
07:18Ay, pagsasili?
07:19Mahal na rin sir.
07:20Ito, katakulad nito sir,
07:2110 piso,
07:22kakunti maliit pa lang.
07:23Bukod sa sili,
07:24mataas din ang presyo
07:25ng ilang gulay sa mga pamilihan
07:27mula sa highland vegetables
07:29gaya ng ripolyo.
07:30Lettuce,
07:31mataas din ang presyo ng patatas.
07:33May kataasan din ang presyo
07:34ng native vegetable
07:35gaya ng talong
07:37na aabot na sa maygito
07:38100 pesos kada kilo.
07:40Ayon sa mga industri na agrikultura
07:42o sinag,
07:43karaniwan ang pagtaas
07:44sa presyo ng gulay
07:45ngayong tag-ulan.
07:46Apektado kasi ang supply
07:47ng gulay.
07:48Pero asahan daw
07:49na sa mga susunod na linggo
07:50ay unti-unti na rin
07:52babalik sa normalang
07:53supply at presyo ng gulay.
07:54Siguro temporary lang yan
07:56pagka hopefully
07:58mag-settle niyo
07:59na yung situation
08:00baka
08:01bumaba naman.
08:02Susan,
08:09sa ngayon tuloy-tuloy
08:10ang monitoring
08:11na isinasagawa
08:11ng Agriculture Office
08:13sa mga taniman
08:13ng gulay
08:14dito sa probinsya
08:15ng Pangasinan
08:16para malaman
08:16kung gaano nga
08:17bakalawak
08:18yung pinsalang iniwan
08:19ng nagdaang mga bagyo.
08:20Ganon din ang habagat.
08:21Samantala,
08:22dito sa mga
08:23dan public market
08:24aminado ang mga negosyante
08:25na apektado
08:26yung kalidad
08:26ng gulay
08:27na kanilang ibinibenta.
08:28Kaya naman,
08:29kanya-kanyang
08:30diskarte sila
08:30para may dispose
08:31sumaibenta
08:32yung kanilang mga
08:33panindang gulaya.
08:34Susana?
08:35Maraming salamat,
08:36Jaspin Gabriel Galvan
08:37ng GMA Regional TV.
08:40Dagdagtaripa
08:41at pansamantalang
08:42tigil importasyon
08:43sa bigas
08:43ang ilang mong kain
08:44ng Department of Agriculture
08:45para mas tangkilikin
08:47ang local rice.
08:49Pabor kaya dito
08:50ang ilang mamimili
08:51at nagtitinda.
08:52Bula sa Pasig,
08:53may unang balitan live
08:54si EJ Gomez.
08:57EJ.
09:01Igaan,
09:03inirekomenda nga
09:04ng Department of Agriculture
09:05o DA
09:05na itaas
09:06ang taripa
09:07sa bigas
09:08o imported
09:09na bigas
09:10at dahil paparating na nga rin
09:11ang harvest season
09:12ay iminumukahi rin
09:14ng DA
09:14na magkaroon
09:15ng pansamantalang ban
09:17sa pag-import
09:18ng bigas
09:18para maprotektahan
09:20ang local farmers.
09:21Nagkakaroon daw
09:25ng mga araw
09:26na mas marami
09:27ang stocks
09:28na imported
09:28na bigas
09:29sa tindahan
09:29ni Rodel.
09:30May panahon daw
09:31kasi na mas maraming
09:32mamimili
09:33ang nagahanap
09:34ng imported rice.
09:35Imported din
09:36ang may stock ako.
09:38Minsan,
09:38malakas ang imported
09:39kasi long grain
09:41ang local naman,
09:43masarap ang lasa,
09:45may kontin,
09:46dorog.
09:47Iminumungkahi
09:47ng Department of Agriculture
09:49o DA
09:49na itaas ang taripa
09:51sa imported na bigas
09:52para raw mas maipakalat
09:54ang local rice
09:54sa merkado.
09:56Kung talagang
09:56bababa ang local,
09:57talagang
09:58siyang uunahin
09:59ang customer
10:00kasi love is fresh na eh.
10:04Ang imported
10:05eh
10:06bihira na.
10:08Ayon sa DA,
10:09kailangan nang maubos
10:10ang stock
10:10sa warehouses
10:11ng rice traders,
10:13rice millers
10:13at National Food Authority
10:15o NFA
10:16ngayong nalalapit na
10:17ang harvest season.
10:18Dapat lang din daw
10:19itaas ang taripa
10:20sa imported rice
10:21ngayong mas bumaba
10:22na ang presyo nito
10:23sa world market.
10:25Plano ng DA
10:26na gawing 25%
10:27ang kasulukuyang 15%
10:28na taripa
10:29sa imported rice
10:30sa first ranch
10:31at itataas pa ito
10:32sa 35%
10:33matapos ang tatlong buwan.
10:35Paano kala rin
10:36ang DA
10:36na pansamantalang
10:38itigil
10:38ang pag-import
10:39ng bigas
10:40para maprotektahan
10:41ng local farmers?
10:42Ayon sa mga
10:43mamimili at rice vendor,
10:45dapat naman talaga
10:46na bigas
10:47na inaanin
10:47ng mga Pilipinong
10:48magsasaka
10:49ang unahing
10:50bilhin
10:50ng mga consumer.
10:51Oh, tama yun.
10:53By local talaga
10:54ang dapat
10:54ating tangkilikin
10:56dahil atin yan eh.
10:58Dapat local rice
10:59para matulong
11:00ating kapat-Pilipino
11:01natin.
11:02Siyempre masarap,
11:02masarap siyang
11:03saing
11:04and affordable
11:06naman kasi dapat
11:06talaga tayo.
11:08Pwede naman,
11:09okay lang naman na
11:10puro local.
11:12Supportahan natin
11:13yung atin,
11:13siyempre.
11:15Dito sa Pasig
11:15Mega Market
11:16ang imported rice
11:17na hasmin
11:18at yung inaangkat
11:19naman mula sa Thailand
11:20ibinibenta sa
11:2145 pesos
11:22kada kilo.
11:23Ang kada kilo
11:23naman ng ordinaryong
11:25local rice
11:25mabibili sa
11:2642 pesos
11:27hanggang 44 pesos.
11:29Habang ang premium
11:30nasa 40 pesos
11:32hanggang 63 pesos
11:33ang kada kilo.
11:39Igaan,
11:39wala pang tiyak
11:40na panahon
11:41kung kailan
11:41mapagdidesisyonan
11:42ang mga panungkala
11:43ng Agriculture Department
11:45kasama yan
11:46sa mga usaping
11:47tatalakayin
11:47ni Pangulong Bongbong Marcos
11:49at ng kanyang mga gabinete
11:50sa sidelines
11:51ng kanyang pagbisita
11:52sa India.
11:53At yan,
11:54ang unang balita
11:55mula rito sa Pasig City.
11:57EJ Gomez
11:58para sa GMA
12:00Integrated News.
12:02Suspendido
12:03ang visitation rights
12:04ng common law wife
12:05ni dating Pangulong
12:06Rodrigo Duterte
12:07na si Hanilet Avancenya
12:08ayon mismo
12:09kay Avancenya.
12:11Isinisisi niya ito
12:12sa abogado ni Duterte
12:13na si Atty.
12:13Nicholas Kaufman
12:14tumanggi magbigay
12:15ng pahayag
12:16si Kaufman.
12:17Ang International Criminal Court
12:18naman hindi raw
12:19nagbibigay
12:20ng komento
12:21kaugnay sa mga bisita
12:22ng detainees.
12:23May unang balita
12:24si Marisol Abduraman.
12:28Sa isang panayam online,
12:31sinabi ng common law wife
12:32ni dating Pangulong
12:33Rodrigo Duterte
12:34na si Hanilet Avancenya
12:35na sinuspindi raw
12:36ang kanyang
12:37visitation rights
12:38kay Duterte
12:38sa detention facility
12:40ng International Criminal Court
12:41sa The Hague,
12:42Netherlands.
12:43Ito raw
12:44ang sinabi sa kanya
12:44ng isang lalaki
12:45sa loob ng detention facility
12:47ng ICC
12:47nung huling dumalaw siya.
12:49Noong time na yun,
12:51five minutes
12:51bago matapos,
12:52sinabihan na lang ako
12:53na
12:53isususpend daw ako.
12:57Ang sabi pa nga
12:58ni PRD
12:58dun sa lalaki
12:59na nagsabi na
13:00sabi niya,
13:01you cannot do that.
13:03Yunan niya niya.
13:04Kasi, you know,
13:05he is expecting me.
13:06This is my time right now.
13:07This is my schedule
13:10to visit him.
13:11Tapos the following day,
13:12wala lang akong visit.
13:13Sabi ni Avancenya,
13:14may kinalaman
13:15ang pagsuspindi sa kanya
13:16sa isang tawag niya
13:17sa telepono kay Duterte
13:19noong July 19.
13:20Five minutes bago matapos
13:21ang visitation time namin,
13:26sinabihan ako
13:27noong isa doon,
13:29sabi niya na
13:29noong July 19 daw,
13:31noong phone conversation namin,
13:34meron daw akong sinabi,
13:36sabi ko about the case.
13:38Sabi ko,
13:39I don't know anything
13:40about the case.
13:42Sa isang punto ng panayang,
13:43sinisirini Avancenya
13:45ang chief legal counsel
13:46ni dating Pangulo
13:46na si Nicholas Kaufman
13:48na pinagdadamutan daw niya
13:49ng pagkakataon
13:50na makadalaw kay Duterte.
13:52Dinideprime mo ako
13:53na mabisita siya,
13:54at least makausap,
13:56may makausap siya
13:57ng family.
13:58Alam ko,
13:59I have nothing against you,
14:00pero please do not
14:01deprive us of,
14:02you know,
14:03asking other people
14:04or asking legal opinions
14:07from other lawyers also.
14:10Pero we acknowledge you
14:11as his lawyer.
14:12Alam ko doon ka na
14:13nagalit eh.
14:15Galit ka na doon
14:16for me.
14:16You know,
14:17I know you are
14:18protecting your practice.
14:20I don't know
14:20if you're trying
14:21to prove something,
14:22pero kami,
14:23we are concerned
14:24about the life
14:25of this man.
14:26Minsahe pa ni
14:27Bansenya kay Kaufman.
14:28How can you defend
14:30the man
14:30if you do not know
14:31the man?
14:31Yeah,
14:32he's 80 years old
14:33and then
14:33marami na siyang,
14:35marami na siyang,
14:37alam mo na,
14:38marami na siyang
14:38hindi ma-remember,
14:40hindi ma-recall,
14:41malalo na
14:41nung nagpresidente siya.
14:43Nang tanungin si Kaufman
14:44hinggil sa legal basis
14:45ng omnipagsuspindi
14:46sa visitation rights
14:47ni Abansenya,
14:48tumagi siya magkomento
14:49kung totoo
14:50ang mga aligasyon
14:51ng partner ni Duterte
14:52para na rin daw
14:53sa judicial reasons
14:54at bilang pagrespeto
14:55sa privacy
14:56ng pamilya.
14:57Dagdag ni Kaufman,
14:58tila emosyonal
14:59si Abansenya
15:00kaya kung ano-anong
15:01paratang ang sinasabi nito
15:02na pinalalaki pa raw
15:03ng ibang tao.
15:05Tungkol naman
15:05sa pagkwesyon
15:06ni Abansenya,
15:07sa kakayahan ni Kaufman
15:08ay pagtanggol
15:09si Duterte.
15:10Sinabi niyang
15:11ang anak nitong
15:11si Vice President
15:12Sara Duterte
15:13bilang isang abogado
15:14ay may kakayahan
15:15maghusga
15:16sa kalidad
15:17ng kanyang
15:17pagtatrabaho
15:18para sa dating Pangulo.
15:20Sinusubukan namin
15:21makuhanan ng komento
15:22ang Vice.
15:23Ito ang unang balita.
15:25Marisol Abduraman
15:27para sa
15:27GMA Integrated News.
15:29Samantala mga kapuso,
15:30iniutos po
15:31ng Department of Education
15:33sa mga pampubliko
15:34at pribadong paaralan
15:35na ipatupad
15:36ang anti-bullying policy
15:39o standard
15:39anti-bullying policy.
15:41Batay po ito
15:42sa Revised Implementing Rules
15:43and Regulations
15:44ng DepEd
15:45ng Anti-Bullying Act
15:46of 2013.
15:48Ayon sa DepEd,
15:49dapat magkaroon
15:49ang programa
15:50ang mga paaralan
15:51para sa maagap
15:52na intervention
15:53sa bullying
15:54at malinaw na proseso
15:56sa pagresolba
15:56sa reklamo.
15:57Sakop daw nito,
15:58hindi lang
15:59ang pisikal na pambubuli
16:00kundi pati
16:01ang pananakot,
16:02diskriminasyon,
16:04cyberbullying
16:05at anumang kilos
16:06na magdudulot
16:07ng emosyonal na efekto
16:08sa mga mag-aaral.
16:10Dapat ding
16:10may learner formation officer
16:12sa bawat paaralan
16:13na magiging
16:14contact person
16:15sa mga kaso
16:16ng bullying.
16:17Kinatuwa ng netizens
16:25ang ilang eksena
16:26ng ex-PBB housemates
16:27sa Jemay Gala 2025.
16:30Kaya ng tila
16:31pagiging proud mom
16:32ni Clarice de Guzman
16:33sa tila
16:34graduation moment nila
16:35ni Will Ashley.
16:37Sige nga,
16:38pakita nga.
16:39At ang breka naman,
16:41nakasuot ng puti,
16:42parang sa simbahan na yata
16:43yung tuloy.
16:44Oo nga.
16:44Be forced talaga.
16:45Yan ang diba pang kuelang eksena
16:47sa gala
16:48sa unang chika
16:49ni Aubrey Carapel.
16:50Pakita.
16:50Truly worth the wait
16:57para sa fans
16:57ang pagrampa ng PBB
16:59Celebrity Collab
17:00Edition Housemates
17:00sa blue carpet
17:01ng Jemay Gala 2025.
17:04Agaw pansin
17:05ang mga dumating
17:06in pairs
17:07kagaya
17:07ni Dustin Yu
17:08at Bianca de Vera.
17:10Hindi rin nagpahuli
17:12ang pamilya de Guzman
17:13ang mom and son duo
17:15na sina Will Ashley
17:16at Klang de Guzman
17:17na nilaro
17:18ng netizens
17:19dahil
17:19tila graduation lang
17:21ang peg.
17:23Biro ni Will,
17:24bring your mom
17:25to school
17:25ang atake.
17:27Agree naman si Klang
17:28na pinanindigan
17:30ang pagiging
17:30proud na mom
17:31kay Will.
17:35Si Namika Salamanka
17:37at Brent Manalo
17:38elegant in white.
17:40Pero biro ng fans,
17:42sa kasalan na ba
17:43ang bagsak?
17:45Meron na kasi silang pari
17:47na gagampan na
17:47ng isa pang housemate
17:49na si Vince Maristella.
17:51And to complete the wedding,
17:52naroon si Nina
17:53ang Cara David.
17:56Tilig din ang hatid
17:57ni na Josh Ford
17:58at Kira Ballinger
17:59behind the scenes.
18:00Dahil ang birthday girl,
18:02may special surprise
18:03pala from Josh himself.
18:05May ayuda rin
18:06ang Az Ralph
18:07sa fans
18:08nang i-compliment
18:09mismo ni Ralph
18:10ang other half
18:11ng love team.
18:12Sobrang ganda.
18:13Sobrang bagay
18:14ng kulay sa kanya.
18:16The romance.
18:17Este,
18:18the bromance
18:18continues naman
18:19sa Tim Millie
18:20aka Michael Sager
18:22at Emilio Daez.
18:24Siyempre,
18:27di pa huwuli
18:28sa face card
18:29ang Sangre Stars.
18:31Channeling her inner
18:32deya
18:32si Angel Guardian.
18:34Suave naman
18:35ang dating
18:35ni Adamus
18:36Kelvin Miranda.
18:38Debuting her
18:39short hair look
18:39ang atake ni
18:40Faith Naselva
18:41aka Flamara.
18:43And of course,
18:44earth tones
18:45ang inirampa
18:46ni Bianca Umali
18:47aka Tera.
18:48Speaking of Sangre,
18:54ginawan din niya
18:55ng parody
18:55ng hit TV comedy show
18:57na Bubble Gang
18:58na Angre.
19:00Ano kaya
19:00ang reaksyon
19:01ng cast?
19:02Actually,
19:03sa totoo lang,
19:04blessing yun for me
19:06kasi
19:06for you to be able
19:08to do a project
19:09at ginagawa na
19:10ng parody,
19:11I think that is
19:13a mark of success.
19:14Mga kaibigan namin
19:15ni Ruru,
19:16masarap sa puso
19:17lalo na sila
19:17yung gumawa.
19:18Ito ang unang balita.
19:20Aubrey Carampel
19:21para sa GMA
19:22Integrated News.
19:24Igan,
19:25mauna ka sa mga balita.
19:26Mag-subscribe na
19:27sa GMA
19:28Integrated News
19:29sa YouTube
19:29para sa iba-ibang
19:31ulat
19:31sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended