00:00Pumalo na sa 500 piso kada kilo ang presyo ng sili sa ilang pamilihan sa Pangasinan
00:05dahil daw sa kakulangan ng supply at live mula sa Mangaldan, Pangasinan.
00:09May unang balita si Jasmine Gabriel Galbaan ng GMA Regional TV.
00:13Jasmine?
00:17Susan, matapos ng halos tatlong linggong tuloy-tuloy na pag-uulan,
00:21ay apektado na ang supply ng sili.
00:22Ganon din ng ibang gulay na ibinibenta sa mga pamilihan dito sa probinsya ng Pangasinan.
00:30Kapansin-pansin, nakukonti lang ang laman ng isang plastik ng siling labuyo na nagkakahalaga ng 10 piso.
00:38Kulang daw ang supply kaya mataas din ang presyo ng siling labuyo na pumalo na ngayon sa 500 pesos kada kilo
00:45kumpara nung nakarang linggo na 150 lamang.
00:48Tumaas din ang presyo ng siling haba na ngayon ay nasa 100 pesos kada kilo kumpara nung nakarang linggo na 30 pesos lamang.
00:56Parang po ang ano po namin nasa 8 pises lang po.
00:588 pises, makano'y?
01:0010 piso.
01:0110 piso.
01:01Ay dati?
01:02Ano po, marami po, isang dakot po dati.
01:0510 pesos po.
01:07Ayon sa mga tindera, mula pa sa Quezon Province, Benguet at Pangasinan,
01:12ang mga siling labuyo na inaangkat na mga tindera sa bagsakan market sa Ordaneta City.
01:17Pusibli raw na naapektuhan ng presyo dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.
01:22Nag-mahal na po sir, lahat naman ng gulay sa nagmamahal na rin.
01:25Eh, pagsasili?
01:26Mahal na rin sir. Ito, katakulad nito sir, 10 piso, kakonti maliit pa lang.
01:30Bukod sa sili, mataas din ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan mula sa highland vegetables gaya ng repolyo.
01:37Lettuce, mataas din ang presyo ng patatas.
01:40May kataasan din ang presyo ng native vegetable gaya ng talong na aabot na sa maygito 100 pesos kada kilo.
01:47Ayon sa mga industri na agrikultura o sinag, karaniwan ang pagtaas sa presyo ng gulay ngayong tag-ulan.
01:53Apektado kasi ang supply ng gulay.
01:55Pero asahan daw na sa mga susunod na linggo, ay unti-unti na rin babalik sa normalang supply at presyo ng gulay.
02:01Siguro temporary lang yan, pagka hopefully mag-settle niya yung situation, baka bumaba naman.
02:09Susan, sa ngayon tuloy-tuloy ang monitoring na isinasagawa ng Agriculture Office sa mga taniman ng gulay dito sa probinsya ng Pangasinan
02:22para malaman kung gaano nga bakalawak yung pinsalang iniwan ng nagdaang mga bagyo.
02:27Ganon din ang habagat.
02:28Samantala, dito sa mga dan public market, aminado ang mga negosyante na apektado yung kalidad ng gulay na kanilang ibinibenta.
02:35Kaya naman, kanya-kanyang diskarte sila para ma-dispose, ma-ibenta yung kanilang mga panindang gulaya.
02:41Susana?
02:42Maraming salamat, Jaspin Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
Comments