00:00Wala nang kailangan dagdag na dokumento para sa Zero Balance Billing Program sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health.
00:08Ito ang paglilinaw ng DOH sa publiko para maka-avail ng Zero Balance Billing.
00:13Ang detalye sa report ni Bien Banalo.
00:18Sa ikaapat na State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:24ipinag-utos niya na wala nang babayaran ang bawat Pilipino sa mga servisyo at gamot sa mga DOH Hospital Basic Accommodation.
00:33Itinuloy na po natin ang Zero Balance Billing. Libre po.
00:42Ibig sabihin, ang servisyo sa Basic Accommodation sa ating mga DOH na ospital,
00:49wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
00:57Uulitin ko, wala nang kailangan bayaran ang pasyente basta sa DOH Hospital dahil bayad na po ang bill ninyo.
01:06Sa pamamagitan ng dagdag na 15% na pondo sa Maintenance and Other Operating Expense o MOOE na ipinag-utos mismo ng Pangulo,
01:20mas handa na ang mga DOH Hospital na tumugon at maipatupad ang No Balance Billing Policy,
01:27isang kongkretong hakbang tungo sa mas dekalidad na servisyong medikal para sa lahat.
01:32Sa ngayon, ay mayroon ng mahigit 80 DOH Hospital sa buong Pilipinas.
01:38So actually, nag-umpisa na kami mag No Balance Billing noong May 14 at kaya namin.
01:44So tuloy-tuloy na yan. All the 83 hospitals will be doing No Balance Billing.
01:51Tulong din dyan yung MAIFIP program, Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients.
01:58Lakang ginhawa sa amin para sa aming dialysis patient, lalong-lalo na sa sitwasyon namin na tinamaan ng ganito.
02:04Samantala, ilalagay na rin sa e-gov app ang pagproseso sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients program.
02:14Ito ay para mas unified, mabilis, transparent at accessible ng pagpapaabot ng tulong medikal sa ating mga kababayan.
02:22BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.