00:00Gusto raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ng dati niyang presidential spokesperson na si Harry Roque
00:06ang pagtulong sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
00:11Sabi ng abogado ni Duterte sa ICC ni si Atty. Nicholas Kaufman,
00:15baka makompromiso pa ang kaso ng dating Pangulo dahil kay Roque na isaan niyang pugante rito sa Pilipinas.
00:21Pinuna ni Kaufman ang paghingin ng tulong ni Roque sa isang Dutch lawyer para sampahan ng kaso ang Dutch government,
00:26at kaugnay sa pagtulong nito sa pagpapakulong kay Duterte sa The Hague, Netherlands.
00:31Bagaman napigilan daw ito ni Kaufman, tila tiniyak daw ni Roque na naisa publiko ang mga hakbang.
00:36Sana raw ay hindi nakompromiso ang kooperasyon sa Dutch government
00:40na may mahalagang papel sa hinihiling na interim release o pansamantalang paglaya ni Duterte.
00:47At the end of the day, the Netherlands have to be involved in any request to release an individual from the court
00:56because in order to go to a target country, he would have to pass through the Netherlands territory.
01:01So to initiate a case in the Netherlands against the Netherlands would be a big mistake.
01:08Sa isang Facebook post, itinagin ni Roque na nagbigay siya ng pahayag na posibleng makaapekto
01:13sa estrategiya ng Duterte Defense Team sa ICC.
01:16Hindi raw siya pwedeng sisihin sa pag-iisip ng mga legal na hakbang para makauwi ang dating Pangulo.
01:22Panawagan ni Roque kay Kaufman, itigil na ang paninisi at tutukan na lang
01:26ang mga hakbang para makauwi ang dating Pangulo sa Pilipinas.
Comments