00:00Suspendido ang visitation rights ng common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honnilet Avancenya, ayon mismo kay Avancenya.
00:08Isinisisi niya ito sa abogado ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, tumanggi magbigay ng pahayag si Kaufman.
00:14Ang International Criminal Court naman hindi raw nagbibigay ng komento kaugnay sa mga bisita ng detainees.
00:21May unang balita si Marisol Abduraman.
00:23Sa isang panayam online, sinabi ng common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honnilet Avancenya
00:33na sinuspindi raw ang kanyang visitation rights kay Duterte sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
00:41Ito raw ang sinabi sa kanya ng isang lalaki sa loob ng detention facility ng ICC nung uling dumalaw siya.
00:47Noong time na yun, 5 minutes bago matapos, sinabihan na lang ako na isususpend daw ako.
00:55Ang sabi pa nga ni PRD, doon sa lalaki na nagsabi na nga, sabi niya, you cannot do that.
01:01Yunan niya niya, kasi you know, he's expecting me.
01:04This is my time right now. This is my schedule to visit him.
01:08Tapos the following day, wala lang akong visit.
01:10Sabi ni Avancenya, may kinalaman ang pagsuspindi sa kanya sa isang tawag niya sa telepono kay Duterte noong July 19.
01:185 minutes bago matapos ang visitation time namin, sinabihan ako noong isa doon.
01:26Sabi niya na noong July 19 daw, noong phone conversation namin, meron daw akong sinabi.
01:34Sabi ko about the case. Sabi ko, I don't know anything about the case.
01:39Sa isang punto ng panayang, sinisiri ni Avancenya ang chief legal counsel ni dating Pangulo na si Nicholas Kaufman,
01:46na pinagdadamotan daw niya ng pagkakataon na makadalaw kay Duterte.
01:50Dinideprime mo ako na mabisita siya, at least may makausap siya na family.
01:56Alam ko, I have nothing against you, pero please do not deprive us of, you know, asking other people
02:02or asking legal opinions from other lawyers also.
02:07Pero we acknowledge you as his lawyer.
02:10Alam ko, doon ka na nagalit eh. Galit ka na doon for me.
02:14You know, I know you are protecting your practice.
02:17I don't know if you're trying to prove something.
02:19Pero kami, we are concerned about the life of this man.
02:24Minsahe pa ni Abancenya kay Kaufman.
02:26How can you defend the man if you do not know the man?
02:29He's 80 years old and then marami na siyang, marami na siyang, alam mo na, marami na siyang hindi ma-remember, hindi ma-recall.
02:39Malalo na nun nagpresidente siya.
02:40Nang tanungin si Kaufman hinggil sa legal basis ng omno'y pagsuspindi sa visitation rights ni Abancenya,
02:46tumagi siya magkomento kung totoo ang mga aligasyon ng partner ni Duterte
02:50para na rin daw sa judicial reasons at bilang pagrespeto sa privacy ng pamilya.
02:55Dagdag ni Kaufman, tila emosyonal si Abancenya,
02:58kaya kung ano-anong paratang ang sinasabi nito na pinalalaki pa raw ng ibang tao.
03:03Tungkol naman sa pagkwesyon ni Abancenya,
03:05sa kakayahan ni Kaufman ay pagtanggol si Duterte,
03:08sinabi niyang ang anak nitong si Vice President Sara Duterte bilang isang abogado
03:12ay may kakayahang maghusga sa kalidad ng kanyang pagtatrabaho para sa dating Pangulo.
03:17Sinusubukan namin makuha na ng komento ang vice.
03:20Ito ang unang balita, Marisol Abduraman para sa GMA Integrated News.
03:27Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments