00:00Nagbabala ang ilang bansa sa posibleng pagtama ng tsunami
00:03ikasunod ng magnitude 8.8 na lindol sa Russia.
00:07Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:11Matapos yanigin ang magnitude 8.8 na lindol ang Russia,
00:15nakapagtala ng tsunami ang ilang bansa sa mundo.
00:18Habang naglabas na rin ang tsunami alert ang iba pang bansa,
00:21nakaranas na ng 1.3 meters na tsunami ang Kuji Port
00:24sa Iwate Prefecture ng Japan.
00:26Gayunpaman, ayon sa Japan Meteorological Agency,
00:29inaasahan pa rin ang alo na abot sa 3 meters sa Pacific Coast ng Japan.
00:34Samantala, naglabas na rin ang babala ang mga bansang nasa Pacific Coastline
00:38ng North at South America, gaya ng United States, Mexico at Ecuador.
00:43Ayon sa U.S. Tsunami Warning Centers,
00:45posibleng umabot sa 3 metrong mas mataas sa tide level ang alon sa Ecuador,
00:49Northwestern Hawaiian Islands at Russia.
00:52Nasa isa hanggang 3 metro naman ang alon na posibleng maranasan sa Chile,
00:56Costa Rica, French Polynesia, Hawaii, Japan at iba pang isla sa Pacific.
01:01Maaari namang magkaroon ng isang metrong alon sa Australia,
01:04Colombia, Mexico, New Zealand, Tonga at Taiwan.
01:08Sa ngayon, inaabisuhan ang mga residente na lumayo muna sa mga baybayin at lumikas,
01:13lalo na sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng tsunami.
01:16Mi Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.