Skip to playerSkip to main content
Nahuli na dalawa pang inmate na pumuga sa Batangas Provincial Jail kahapon kabilang ang isang umuwi sa kaniyang dating tirahan. Sa kabila niyan, hindi pa tapos ang usapan, ayon kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, nahuli na ang dalao pang inmet na pumuga sa Batangas Provincial Jail kahapon,
00:06kabilang ang isang umuwi sa kanyang dating tirahan.
00:09Sa kabila niyan, hindi pa tapos ang usapan ayon kay Batangas Governor Vilma Santos
00:14ang kanyang iniutos sa pagtutok ni Chino Gaston.
00:21Nakaalalay sa operasyon ng Batangas Provincial Police Office ang thermal imaging drone na ito
00:27habang sinusuyod na mga pulis ang masukal at madilim na bahagi ng barangay sa laban sa ibaan, Batangas.
00:34Katuwang din nila ang mga canine units para mahanap ang nagtatagong inmate o persons deprived of liberty
00:40na isa sa mga pumuga sa Batangas Provincial Jail.
00:43Matapos ang ilang minutong paghahanap, nakita rin sa thermal camera ang preso.
00:48Ginamina po natin ng drone na may thermal imaging at may tinap rin po tayong canine na private.
00:54Nagtatago siya at nung masukul na rin, barangay mismo po ang nagturo kung nasan siya.
00:59Naging susi rin sa operasyon ang bagong binoong drone squad ng Police Provincial Office
01:04sa paghabol sa sinakyang bus ng limang sospek na naaresto sa Toll Plaza ng Santo Tomas kahapon.
01:11Tatlong iba pang tumakas din ang nadakip sa bayan naman ng ibaan.
01:15At kaninang alas 10 ng umaga, nahuli ang pangsampung tumakas sa bayan ng Bawan kung saan ito dating nakatira.
01:22Sasampahan sila ng PNP ng karagdagang reklamo ng robbery at direct assault dahil sa pag-atake sa nagbabantay na jail guard.
01:30Samantalang ang mga kumuha ng baril ng gwardya at nahulihan ng patalim,
01:34sasampahan ng reklamong illegal possession of firearms at possession of a bladed weapon.
01:39Bagamat patuloy ang ginagawang investigasyon, posibleng may pananagutan rin daw ang mga jail guard.
01:45Pupwedeng maharap sa kaso na evasion through negligence yung mga provincial guards.
01:52Kahapon, sinabi ng ilang tumakas na pinabubugbog daw sila sa ibang mga jail guard.
01:58Sinusubukan pa naming kuna ng pahayag ang Batangas Provincial Government na nangangasiwa sa provincial jail.
02:04Pero bago nito, ipinag-utos na ni Gov. Vilma Santos Recto ang malawakang investigasyon dahil saan niya ay hindi maayos na security protocols ng bilangguan.
02:14Para sa GMA Integrated News, sino gastong nakatutok 24 oras?
Comments

Recommended