Skip to playerSkip to main content
-SC decision na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment vs. VP Duterte, tinuligsa ng ilang grupo/1987 Constitution framer Rene Sarmiento: SC decision sa impeachment ni VP Duterte, hindi naaayon sa mga naunang pasya ng korte/ Mga bagong requirement sa paghahain ng impeachment complaint batay sa SC decision, pinuna ng ilang law expert/ 1Sambayan: Mali ang SC sa pagsasabing nahuling ihain ang ikaapat na impeachment complaint vs. VP Duterte/Pangamba ng law expert: Baka dumami ang mga kunwaring impeachment complaint para masimulan ang "one-year bar" rule/ SC: Hindi aandar ang "one-year bar" rule kung hindi maayos na inendorso sa Kamara ang impeachment complaint

-10 PDL na tumakas sa Batangas Provincial Jail, balik-kulungan matapos mahuli sa magkakahiwalay na operasyon

-Zero Balance Billing sa DOH hospitals, tiniyak ni PBBM/ PBBM: Cancer Assistance Fund at coverage para sa heart attack at surgery, kasama sa pinalawak na PhilHealth benefits/PBBM: Halos 1.5M pamilya, gumanda ang buhay at naka-graduate na sa 4Ps/Edukasyon, nananatiling prayoridad ng PBBM administration; kalusugan ng mga estudyante at guro, tinututukan/40,000 dagdag na classrooms, target matapos bago ang PBBM administration/PBBM: Walang anomalya sa pagbili ng laptops para sa mga guro; internet connection sa lahat ng public schools target bago matapos ang 2025/ PBBM: May dagdag na 60,000 na teaching positions/PBBM: P6B pondo, ilalaan sa 2026 para sa libreng kolehiyo/ PBBM, pinuna ang palpak na serbisyo sa tubig; pananagutin daw ang mga nagpabaya

-INTERVIEW: PROF. MARIA FE MENDOZA, PROFESSOR EMERITUS, UP NCPAG

-"P77," showing na sa mga sinehan bukas; Alden Richards at David Licauco, kakaibang Barbie Forteza raw ang napanood sa pelikula

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinunah ng ilang legal expert ang desisyon ng Supreme Court na unconstitutional o labag sa saligang batas ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Hindi rin kasi yun naayon sa mga naunang pasya ng Korte. Iprinotesta rin ng ilang grupo ng mga estudyante ang desisyon.
00:18Balitang hatid ni Joseph Moro.
00:20Sa harap ng mismong Korte Suprema, iprinotesta ng mga student groups ang pagdeklara ng Korte sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:33Ayon sa bagong desisyon ng Korte, nilabag ng Articles of Impeachment ang pagbabawal ng konstitusyon na magpagulong ng higit sa isang impeachment laban sa isang impeachable officer sa loob ng isang taon.
00:44Itinuturing kasi ng Korte na pagsisimula ng proceeding, hindi pag-aksyon sa anumang impeachment complaint.
00:51Kung matatandaan, may tatlong impeachment complaint na inihain noong Desyembre na in-archive ng Kamara noong February 5, 2025.
00:58Ayon sa Korte, dahil sa tatlong yan, ang ika-apat na complaint na inadapt sa parehong araw at iniakyat sa Senado ay lumabag na sa one-year bar.
01:07Pero sabi ng isa sa mga nagbalangkas ng saligang batas sa Serena Sarmiento, kinukontra nito.
01:12Ang dati ng desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing initiated o nasimula ng isang impeachment complaint kapag naisan pa ito at na-i-refer sa Committee on Justice.
01:22Pinunari ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na iba yan sa nire-require noon.
01:27The people did not know that there was this requirement because there was no requirement like this.
01:32You cannot make it retroactive. It should be prospective. You know, the doctrine of operative fact.
01:38If there is a new requirement, you cannot say, oi, bakit hindi mo sinunod ito?
01:44Eh, paano mo isunod na wala nga yun? It did not exist at the time.
01:49Pinunari nila ang bahagi ng desisyon na nagsabing hindi nabigyan ang due process si Duterte
01:53sabay latag ng requirement para masabing nasunod yan.
01:57Ayon kay Sarmiento, ngayon lamang naglatag ng ganyan ang Korte na pakikailam na umuno sa eksklusibong kapangyarihan
02:03ng House of Representatives sa magsimula ng mga kaso ng impeachment.
02:07Sabi rin ni Carpio, hindi naman required yan noon.
02:09Ang sabi niya ng Supreme Court, it should be, it cannot be an ex-party hearing.
02:17It has to be an actual hearing.
02:20And that will require time.
02:22Tapos ka sa oras, that was never intended.
02:25And nobody knew that there was such a requirement.
02:27Sinusugan niya ni UP Law Assistant Professor Paolo Tamase na nagsabing kahit naman ang articles of impeachment
02:33laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay nakabase lamang sa pinagbutuhang resolusyon.
02:39Hindi na hininga ng panig si Corona sa level na yan.
02:42Hindi rin naman nagkaroon ng hirig doon.
02:44At hindi naman pinwestiyon niyan.
02:46Pareho lang naman yung circumstances niya.
02:48Kaya mahirap paliwanagan eh, or mahirap na paliwanag kung bakit iba yung mga patakaran ngayon.
02:54Para naman sa grupong isang bayan, mali ang Korto Suprema sa pagsasabing nahuling ihain ng ikaapat na complaint.
03:01Sa record daw ng Kamara, naon ang aksyonan at pagbutohan ng ikaapat na complaint bago in-archive ang tatlong impeachment complaint.
03:09Kaya na i-adapt daw ang ikaapat na complaint bago ang one-year bar rule.
03:13Naiintindihan ko kusa nagagaling yung one-sambayan.
03:17If anything, dapat ang natanaan ng one-year bar rule ay yung tatlo na hinain.
03:22Na una, supposedly, at hindi yung final ng House of Representatives.
03:26Sinabi na ng Kamara na aapela sila sa Korto Suprema dahil sa mga umunit pagkakamaling ito.
03:32Nakakabahala rin daw ang posible maging epekto ng desisyon ng Korto Suprema sa proseso ng impeachment para panaguti ng mga opisyal ng gobyerno.
03:41Seryoso siya na problema dito sa desisyon ng Korto Suprema.
03:45Nagahain sila na mga siyang complaint upang magsibula yung one-year bar rule.
03:49Kung hindi i-action na ng House, kasi clear naman na siyang yung complaint para bang napag-decision na rin na at nagsisimula na yung pagtakbo ng one-year bar rule.
03:58Sabi naman ng Korte, dapat pa rin agad-agad na itapon ang mga kunwa-kunwariang reklamo kahit inendorso pa ito,
04:05pati na ang mga reklamang hindi inendorso ng Kamara.
04:08Hindi raw ito magiging simula ng pag-andar ng one-year bar.
04:12Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:15Agad pinusasa ng lalaking niya na bumaba mula sa bintana ng pampasayarong bus sa Santa Tomas, Batangas.
04:35Ang lalaki, kabilang sa sampung persons deprived of liberty na tumakas sa Batangas Provincial Jail.
04:41Sunod na sumuko at pinusasa ng apat niyang kasamahan sa pakikipagtulungan ng bus driver na tinawagan para malaman niyang may sakay siya mga pugante
04:49na apahinto ang bus para mahuli ang mga tumakas na PDL.
04:54Ayon sa mga otoridad, walang hinostage o walang hostage taking na nangyari.
04:58Wala rin nasawi o nasaktan sa mga PDL o pasahero ng bus.
05:01Sa ibaan Batangas na nahuli ang tatlong tumakas na PDL na recover sa mga inmate ang isang baril, mga bala, patalim at pera.
05:10Paliwanag din na at tumakas sila dahil sa kalupitan o mano ng isang prison guard na madalas daw silang pagtripan.
05:17Wala pang pahayag ang prison guard.
05:19Sa ngayon, nahuli na ang lahat ng sampung tumakas na PDL at kasalukuyang hinihingan ng pahayag.
05:26Mahaharap naman ang mga pugante sa karagdagang reklamo.
05:29Kalusugan at edukasyon ang ilan sa mga pinakatinalakay po ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.
05:46Kabilang dyan, ang tuloy-tuloy na pondo para sa libreng kolehyo at zero balance billing sa mga DOH hospital.
05:54Balitang hatid ni Maris Umali.
05:56Itinuloy na po natin ang zero balance billing.
06:04Wala nang kailangan bayaran ng pasyente basta sa DOH hospital dahil bayad na po ang billing.
06:11Mismo si Pangulong Bongbong Marcos ang nagsabi, dito sa atin, mahal magkasakit.
06:19Pero makakaasa pa rin daw ang mga pasyente sa medical assistance program.
06:23Kasama na nga ang zero balance billing sa mga hospital na pinatatakbo ng DOH.
06:29Ibinida rin ang Pangulo ang pagdami ng bagong urgent care and ambulatory services o bukas centers
06:35para sa libreng check-up, x-ray, lab tests at iba pa.
06:39Sa kaunahang-unahang pagkakataon, ang bawat bayan po sa Pilipinas ngayon ay may doktor.
06:47Kabilang sa pinalawak na PhilHealth benefits ayon si Pangulo,
06:50ang libreng mga sesyon at gamot na mga nagpapadialisis
06:53at 2.1 million pesos na limit para sa kidney transplant.
06:58May Cancer Assistance Fund na rin at PhilHealth coverage para sa atake sa puso,
07:02open heart surgery at heart valve repair o sa replacement.
07:06Padadaliin pa natin ang proseso ng medical assistance dahil ipapasok na po ito sa ating e-gov app.
07:14Ipinagmalaki rin ang Pangulo na sa kanyang administrasyon,
07:18halos isa't kalahating milyong pamilya ang gumandang buhay
07:21at nakagraduate na mula sa four-piece o pantawid pamilyang Pilipino program.
07:26600,000 kabahayan daw ang matutulungan sa ikalawang taon ng walang gutom program.
07:31Mahigit tatlong milyong mag-aaral naman ang nakasama sa feeding program ng DSWD at DepEd
07:37sa daycare centers at public schools.
07:39Sa susunod na taon, sa tulong ng karagdagang isang bilyong pisong pondo,
07:45pararamihin pa ng DSWD ang bilang ng mga batang mabibigyan ng masustansyang pagkain.
07:52Alam naman natin, basta't may laman ng tiyan, may laman ang isipan.
07:56Ipinunto naman ang Pangulo na sa lahat ng pinahahalagahan ng kanyang administrasyon
08:02na sarurok pa rin ang edukasyon.
08:05Ngayong taon, sinimulan na natin ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL program
08:11at pinalalakas din natin ang Early Childhood Care and Development.
08:16Naglaan tayo ng isang bilyon para makapagtayo ng mahigit 300 barangay child development center
08:22at bulilit center sa buong bansa.
08:26Pinaspasan na raw ang pagbabakuna sa mga bata at babantayan pati kanilang mental health.
08:31Tututukan din ang kalusugan ng mga guru sa bagong lunsad na yakap caravan.
08:36May libre check-up at lab tests katulad ng cancer screening para sa kanila, pati na libre gamot.
08:4122,000 silid-aralan na rin daw ang nabuksan.
08:45Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin natin madadagdagan pa
08:49ng 40,000 silid-aralan bago matapos itong administrasyon.
08:54Nakahanda na rin daw ang mga high-tech at digital na gamit smart TV,
08:59libreng Wi-Fi at libreng load sa bayanihan sa SIM card
09:02para makasabay ang mga estudyante sa makabagong paraan ng pag-aaral.
09:06Ngayon, nagdaratingan na ang mga laptop na laanpara sa bawat guro sa public school.
09:13Kiniyak natin na walang anomalya sa pagbili ng mga laptop na ito.
09:18Halos 12,000 pampublikong para lang pa ang walang internet.
09:23Kaya sinusiguro ng DICT at ng DepEd na bago matapos ang taong ito,
09:28magkakaroon na ng koneksyon ng internet ang lahat ng pampublikong para lang.
09:35Pinakamahalaga rao sa edukasyon ng mga guro.
09:38Nadagdagan ang mga nabigyan ng trabaho sa pagbubukas ng 60,000 teaching items.
09:43Saat ngayong school year na ito,
09:46makakatanggap na kayo ng kabayaran para sa inyong teaching overload at para sa inyong overtime.
09:52Sa kolehyo, 260,000 na estudyante rao ang nadagdag sa bilang ng mga libreng pinag-aaral.
09:59Maglalaan pa rin daw sa susunod na taon ng 6 na bilyong piso para rito.
10:03Kaya mga magulan, sulitin na ninyo ang mga pagkakataong ito.
10:10Dahil hangad natin na sa lalong madaling panahon,
10:13ang bawat isang pamilya ay may anak na nakapagtapos ng kolehyo o sa test doc.
10:20Sa susunod na taon din, tatapusin ang halos 200 planta ayon sa Pangulo bilang solusyon sa problema sa kuryente.
10:28Pinulaan din ang Pangulo ang ani ay palpak na serbisyon ng mga water district at kanilang joint venture partners.
10:34Marami kaming natatanggap na reklamo na hindi man lang daw umaabot ang tubig sa kanilang mga gripo.
10:41Sa lawak ng reklamo, lampas 6 na milyong consumer sa buong bansa ang kasalukuyang naapektuhan.
10:49Titiyakin daw na mapapanagot ang mga nagpabaya.
10:53Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:57Himayin natin ang iba't ibang isyo na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikaapat niyang State of the Nation Address.
11:04Kawusapin natin si UP National College of Public Administration and Governance o UPNC Pagprofessor Emeritus Maria F. Mendoza.
11:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
11:14Magandang umaga, Sir Rafi.
11:16Ano po yung overall assessment niyo sa ikaapat na zona ni Pangulong Bongbong Marcos?
11:20First, very populist yung kanyang zona.
11:24Pero parang titingin natin, nakakonteksto kasi siya dun sa midterm elections.
11:30Kasi nakita talagang yung dissatisfaction ng mga tao at saka hindi tanggap yung mga performance ng Marcos administration.
11:39Kung populist siya, talagang nakikipag-usap siya sa tao.
11:45At ito yung mga resibo na hinihingi ninyo sa akin.
11:47Di ba parang ganun yung ang dating niya?
11:50Kasi, oh, wala na ano, zero balance billing na sa PhilHealth.
11:55Lahat na ng mga gastos nyo, sagot, wala na.
11:57Kasi meron tayong 94% cash out sa PhilHealth, sa pagbabayad ng mga health bills.
12:05Dito sa education, sinabi din niya, libre, tuloy-tuloy yung free education sa college in state universities and colleges.
12:14So, populist siya talaga at inaanin niya sa, oh, ito na, ito na yung mga gusto nyo resibo sa akin.
12:22At yun nga, yung flip side nun, saan niya kukunin ang pondo?
12:27We have a 17 trillion debt, tapos 62% of our GDP is from yung mga debt natin.
12:35So, pakuwanti na lang yung productive savings para doon sa paglagay doon, pag-allocate ng funds para doon sa mga sinasabi niyang beneficyo sa health, sa education.
12:52At saka sa culture, kasi yung 20 peso na kilo of rice ay subsidisyon.
12:57Hindi ito na yung real price noon.
13:02So, ang daming sinasubsidize.
13:04Tapos, meron pa tayong love bus na sinasabi niya na...
13:09Isasubsidize ulit?
13:11Eventually, national and then free.
13:14Kasi diba yung Quezon City, meron siyang free bus service na nag-start ng COVID.
13:20So, parang ang daming niyang pre-nummies na matutuwa ang mga tao.
13:25Kasi, ay, totoo ba yan? Ganyan-ganyan, diba?
13:27Pero yun nga, sumatutal.
13:29Maganda nga, populist siya.
13:32Talagang tumututok siya doon sa pangangailangan ng tao.
13:35Pero paano niya i-for-fund yung mga pinangako niya?
13:41Opo.
13:42Considering that we have a very big debt.
13:46Alam po natin, hindi niya ma-mention lahat ng issue, hindi ho ba?
13:50At nabanggit niyo, populist issue lamang yung kanyang tinalakay.
13:53Pero ito ba yung pinaka-importante talaga na dapat na mayuulat niya sa bayan?
14:00Parang yun nga, mga importante ngayon.
14:02Although yun nga, diba? Parang meron siyang, yung sa gutom, diba?
14:07Kasi ito, titignan natin sa SWS survey,
14:10ando yung freedom from hunger, ando yung employment,
14:15ando yung may konti human rights, tapos yun sa learning law.
14:19So parang doon sa survey na lumabas ng SWS,
14:24parang tinutuka naman niya yung mga importante issue.
14:27Pero marami nagsasabi, bakit wala siyang sinabi doon sa impeachment ni BP Sara?
14:31Although earlier, sabi niya, ay executive, walang gagawin doon.
14:35Kasi punapin yan sa legislative.
14:39At yun nga, may Supreme Court ruling.
14:41So parang wala siyang kakialam doon.
14:43Yung online gaming, talagang talamak.
14:47Pag maglaro ka nga talagang,
14:49kasi naglaro kami ng mga for seniors na games.
14:53At ang hihilap kasi palaging may ads na online gaming.
14:57So parang ano doon, although sabi naman ni Yusek Lair,
15:00regulated na lang siya.
15:02Kasi pag-a-reportal siya, gano'n.
15:03So parang in sum, parang yung mga important issue ay inanig niya,
15:10tinalakay niya.
15:11Opo, doon po sa review, doon po sa review to audit ng flood control projects,
15:15ano po masasabi niyo sa utos na yan ng Pangulo?
15:18Parang ano yan eh, marami nagsasabi.
15:23Kasi di ba si ang tatay niya ay kleptocracy,
15:27yung corruption, ganyan-ganyan.
15:29So parang ano ba yan, pagbabagong huri sa mga Marcos.
15:33Pero yan nga, totoo talaga na ang daming nangurakot doon sa mga flood control projects.
15:39At tama lang na gawa ng paraan para ma-stop yung mga yun.
15:45Kasi talagang makikita mo,
15:47ang dami talagang yung ating landscape natin ay konting ulan lang
15:54o konting bagyo ay talagang flooded na.
15:56So kailangan talagang tutukan yung mga yun.
16:00Sino ang nakinabang? Ano yung mga ghost projects?
16:03At saan ang gagawin?
16:04Pero yun nga, may political will ba na gawin?
16:09Nabanggit po ninyo ang konteksto ng kanyang speech ay yung midterm election.
16:14Inanalabing tatlong taon na lang yung Pangulo.
16:16Ano pong dapat niyang tutukan at bigyang prioridad?
16:18At papasok ba rito yung pagiging lame duck president
16:20gayong tapos na yung midterm elections?
16:22At patapos na rin yung kanyang termino?
16:24Siguro hindi siya magiging lame duck president
16:27kasi meron pa rin siyang support na
16:29ang lame duck president kasi meron na nang nagdidikta,
16:33meron na gumagawa.
16:35Kaya nga pa rin hindi assert niya eh.
16:37Kung yung kasi yung 2025 budget natin,
16:40diba talagang ang pangit.
16:43Ang daming na hijack sa health, sa education.
16:46At mga insertions.
16:47Ang daming mga senador at mga kongresista
16:50ang nalagay ng inserted budget sa DPWH.
16:54So ang ano mo doon,
16:56dapat tutukan yun.
16:59At yun nga,
17:00pagbabagong kuri ba yun?
17:02Kasi nga anti-corruption,
17:03IED naman siya.
17:05Parang slogan ng Marcos administration
17:08kasi nga meron siyang baggage in the past.
17:12At yun nga po,
17:13yung kanyang binanggit,
17:15yung mga insertions na hindi na rin niya papayagan
17:17sa mga susunod na pagkakataon.
17:19At maraming salamat po sa orang sa binahagi niyo po
17:20sa malitang hali.
17:22Okay, salamat.
17:24Si UPNC pagprofessor Emeritus Maria F. Mendoza.
17:28Susubukat po namin pangkahingin ng reaksyon
17:29mula sa Malacanang kaugnay
17:31sa mga sinabi ni Professor Mendoza.
17:32Spooky Tuesday, mga mare at pare.
17:42Una nang na-experience ng inang fans at kapuso stars
17:45ang kakaibang takot at kilabot
17:49na hatid ng pelikulang P77.
17:51Present sa Premier Night ang bidang si Barbie Forteza
17:56kasama ang kanyang castmates at direktor na si Derek Cabrido.
18:01Full support ang friends ni Barbie na sina Alden Richards,
18:04David Licauco,
18:06Bianca Umali,
18:07Derek Monasterio,
18:08at El Villanueva.
18:10Present din ang kapuso award-winning hosts
18:12na sina Jessica Soho at Atom Araulio,
18:15pati ang ilang ex-PBB colab housemates.
18:19Naroon din si GMA Pictures Executive Vice President
18:22and GMA Public Affairs Senior Vice President Nessa Valdelion.
18:27Papahuli ba kayo, mga mare at pare?
18:29Showing na bukas sa mga sinihan,
18:32ang P77.
18:36This is a different take on horror.
18:38Mas malalim, mas personal, mas relevant.
18:41Ang laki ng demand sa lead character
18:43but she was able to deliver it flawlessly.
18:47I've never seen Barbie like this.
18:48Nakikita naman natin sa acting niya,
18:50yung yak, minsan sumisigaw,
18:52lahat na scary, parang wow.
18:54I've never seen that side of her,
18:56yung, ang ganun, di ba?
18:57So, I'm really, really proud of her.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended