00:00Dilan sa mga tinalakay ng Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address,
00:05ang Seguridad ng Bansa, Pagsugpo ng Kriben at Iligal na Droga,
00:09pag-iimbestiga sa kaso ng mga nawawalang sabongero at pagpapaiting ng pagbabantay sa West Philippine Sea.
00:16Alamin natin ang iba pang letales sa ulat ni Harley Valbuena live.
00:21Harley!
00:21Dominic, isang tabi ang pagkakaiba-iba at mas galingan pa ang pamamahala.
00:31Ito ang panimulang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
00:41Sa pag-uumpisa ng kanyang SONA, binati ng Pangulo ang mga bagong halal na 12 senador
00:48at patlong daan at labing apat na district at party list representatives sa natapos na 2025 midterm elections.
00:57Bagamat pinuri ang mga Pilipino, particular ang mga kabataang butante,
01:01may eleksyon umanong na pulot ang Pangulo sa resulta ng halalan.
01:05Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan.
01:13Bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangungunahing servisyo.
01:20Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
01:23Kailangan pa natin mas lalong galingan.
01:26Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
01:28Sa usapin ng seguridad, ipinagmalaki ng Pangulo na wala nang nalalabing grupo ng mga gerilya sa bansa
01:37at ang mga dating rebelde ay makakatuwang na ngayon ng mga pulis at sundalo tungo sa kapayabaan.
01:47At sa wakas, wala na rin nalalabing grupong gerilya sa bansa.
01:53Titiyakin ng pamahalaan na wala nang mabubuo muli.
01:58Magkakasangga ngayon ang AFP, PNP at mga dating rebelde sa pagpapanatili ng kayusan at kapayapaan sa BARM.
02:12Tiniyak din ang Pangulo ang patuloy na pagpapatibay sa kapulisan at sanggatahang lakas
02:17kabilang ang kanilang mga sasakyang pandigma at modernisasyon.
02:22At kahit bumababa na ang krimen sa bansa, hindi anya titigil ang aktibong presensya ng mga pulis sa mga komunidad
02:30para sa pagtupad ng five-minute rule sa pagresponde.
02:35Siniguro rin ang Pangulo ang mabigat na parusa sa mga nasa likod ng krimen sa mga nawawalang sabungero.
02:42Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
02:58Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingibabaw sa batas.
03:05Ibinida rin ang Pangulo ang halos 83 bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nakumpis ka
03:14at mayigit 153,000 drug sospek ang naaresto kung saan mayigit 7,600 o 600 ay high-value targets.
03:24Sa harap naman ng aligasyong bumalik na raw ang mga pusher.
03:28Ipagpapatuloy ang operasyon laban sa malalaki at maliliit na drug dealers.
03:33Sa usapin sa West Philippine Sea, mas maigting ang magiging pagbabantay.
03:39Ngunit mananatili o manong mapagpasensya ang Pilipinas.
03:43Wala rin magbabago sa foreign policy ng bansa.
03:47Sa harap na rin ng nakatakdang pag-ohos ng Pilipinas ng 2026 ASEAN Summit.
03:56Then as now, our foreign policy remains the same.
04:00The Philippines is a friend to all.
04:03The Philippines is an enemy to none.
04:06That will be our main focus as we, the Philippines, host the ASEAN Summit in 2026.
04:13Thank you very much.
04:43Alright, maraming salamat, Harley Valbuena.