00:00Sa ibang balita, bumagal pa ang food inflation ngayong Hunyo
00:03kumpara noong nakarang buwan at sa kaparehong panahon noong 2024.
00:08Ayon po sa Philippine Statistics Authority,
00:10isa sa mga rason nito ay ang pagbaba ng presyo ng bigas.
00:13Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:16Kahit papaano, nakakahinga na ng kaunti ang ilang mga mamimili,
00:21lalo na pagdating sa presyo ng bigas.
00:23Si Mergie Ampo, may budget na 1,000 kada linggo
00:26para sa kanilang pamilya na may tatlong miyembro.
00:29Ang natipid niya sa pagbili ng murang bigas
00:31ay ipinangdagdag niya sa biniling ulam.
00:47Dati naman hirap sa pagbabudget si Raquel Javier.
00:50Pero ngayong bumaba ang presyo ng bigas,
00:53kahit paano may dagdag na rin pambili ng iba pang sangkap.
00:59Sa pag-uusapan, medyo bumaba naman kasi dati mga bigas,
01:02mga commercial, mga 54, di ba?
01:04Pag bumili ka na mga pang mga NFA, mga nas 35, 30, gano'n.
01:08At least ngayon, bumaba-baba naman na.
01:10Kaya nakakabili na din.
01:11Pagdagdag din yun, siyempre.
01:13Mga nasa mga 50, 100, gano'n.
01:15Depende.
01:16Depende sa bibili mo.
01:17Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA,
01:20isa ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga dahilan
01:23kung bakit bumagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain ngayong Hunyo.
01:27Bumagal ang food inflation sa 0.1% nitong June 2025,
01:31mas mababa kumpara sa 0.7% noong May nitong taon
01:35at 6.7% noong June 2024.
01:38Isa sa pangunahing dahilan ng pagbagal
01:41ang malaking pagbaba ng presyo ng bigas
01:43na ngayon ay may negative inflation ng negative 14.3%
01:47dahil malaki ang bigat ng bigas sa presyo ng pagkain.
01:50Ang una sa food inflation,
01:53kaya in general, yung presyo ng mga bilihin
01:57under the food and non-alcoholic beverages as a basket up
02:01ay bumabagal dahil doon sa bigas.
02:04Ang presyo ng or ang weight kasi ng bigas
02:08sa ating food basket ay halos mga 30%,
02:16no, one-third of the food ay bigas.
02:18Git ng PSA, bagaman may mga pangunahing pagkain
02:21tumaas ang presyo, gaya ng isda at karne,
02:24mas ramdam pa rin ang epekto ng deflation
02:26o pagbaba ng presyo ng bigas sa buong merkado.
02:29At ito na ang pinakamalaking bagsak sa presyo ng bigas
02:32sa kasaysayan ng inflation data since 1995.
02:36Sa labas naman ng NCR o Metro Manila,
02:39mas mababa rin ang inflation dahil sa pagkain.
02:41Yung ating consumption basket kasi ay iba-iba, no?
02:46Dito sa National Capital Region,
02:49substantial ang weight niya.
02:52Of course, ang nangunguna pa rin dyan ay yung food natin, ano?
02:56Pero ang next na isa sa malaki na weight
02:59ay yung water, electricity, gas, and other fuels.
03:04Doon naman sa labas ng National Capital Region pagkain, no?
03:07Kasi malaki yung weight ng pagkain at nakita natin,
03:09bumababa yung presyo ng major items,
03:13particularly dito yung bigas.
03:15Dagdag ng PSA, sa kabila ng inaasahang pagulan ngayong tagulan
03:19at kahit may pagtaas sa ibang bilihin,
03:22overall,
03:23mas magaan ang gastusin sa pagkain ng maraming Pilipino.
03:26Sa kabuuan, 1.4% ang headline inflation
03:29o kabuuan inflation nitong June,
03:32bahagyang mas mataas kaysa noong May na 1.3%,
03:35pero malayo pa rin sa 3.7% noong June 2024.
03:40Tiniyak naman ng Banko Sentral ng Pilipinas
03:42na pasok pa rin ang 1.4% inflation
03:45sa forecast range na 1.1% to 1.9%,
03:48at inaasahan nilang mananatili ito
03:51sa target range na 2.0 to 4.0% hanggang 2027.
03:56kahit pang may mga external risks
03:58gaya ng geopolitical conflict
03:59at uncertainty sa global economy.
04:02Denise Osorio, para sa Pambansang TV,
04:05sa Bagong Pilipinas.