Skip to playerSkip to main content
Baha pa rin sa ilang lugar sa bansa tulad sa Valenzuela at Malabon. Mabagal ang hupa ng baha dahil hindi kinakaya ng pumping stations ang dami ng naipong tubig.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, baha pa rin sa ilang lugar sa bansa tulad sa Valenzuela at Malabon.
00:04Sa huli, mabagal ang kupa ng baha dahil hindi kinakaya ng pumping stations ang dami ng naipong tubig.
00:11Nakatutok si Maki Pulido!
00:16Para makatipid, kahit limang buwang bunti si Laika Jean, lumusong pa rin siya sa baha para makapag-ayos ng mga dokumento sa Malabon City Hall.
00:24Aabot kasi ng 120 pesos ang balikang pamasahe sa pedicab dahil hindi pa bumabiyahe ang mga jeep sa baha pa rin kalsada.
00:37Hindi naman daw kasi biro pumadyak sa baha, sabi ng ilang pedicab driver.
00:41Pinasok ng tubig ang Malabon dahil sira pa rin ang navigational gate na harang dapat sa mataas na tubig mula sa Manila Bay.
00:55Mabagal naman ang paghupa nito dahil maaaring hindi kinakaya ng mga pumping station, ayon sa Malabon CD-RRMO.
01:02Ang nakikita po namin, yung volume po ng tubig ay hindi po sapat na ipump ng kanilang mga pumping station kaya medyo babagal po yung pag-subside po ng tubig dito po sa harap ng City Hall.
01:16Sa kalapit na siyudad na Navotas, ang dalawang barangay nitong pinakamalapit sa Malabon, barangay Tanza 1 at 2, ang may mga bahagi pa rin hanggang tuhod ang baha.
01:25Sila naman yung direktong katodip ay dagat at saka po yung ilog. Pina-check-check po namin sa aming engineering, kumusta po yung mga floodgates po, yung mga maliliit na floodgates, baka o kailangan i-check at buksan.
01:38Sa Valenzuela City, marami pa rin kalsadang baha pero nadaraanan na ng lahat ng klase ng sasakyan ayon sa Facebook post ng Valenzuela LGU.
01:47Pinabibigat ng baha ang traffic sa MacArthur Highway, bahagi ng barangay Dalandan, kaya ang ilan, tulad ni Lisa, naglalakad na lang.
01:54Mahirap po, masakit po sa paa kasi yung mga bato-bato, masakit, matutusok sa mga paa, madeligado po, lalo na pag mabibis po yung sasakyan, yung tubig datalsik sa'yo, marumi.
02:07Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Oras.
Comments

Recommended