Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Mga kongresista, nakiisa sa thanksgiving mass kahapon sa Manila Cathedral | Mela Lesmoras - PTV

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malikan po natin ang ulat ni Mela Les Moras kung saan hindi nga po bababa sa 200 kongresista
00:04ang dumalo sa Thanksgiving Mass na isinagawa kahapon sa Manila Cathedral sa Maynila.
00:10Bibilang paghahanda po sa pagubukas ng first regular session ng 20th Congress
00:14at para sa ikaapat na State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:19Ang update sa kamera, hatid ni Mela Les Moras live.
00:23Mela.
00:24Dayan, handang-handa na sitwasyon dito sa batasang pambansa
00:30para nga sa pagbubukas ng opening ng session ng 20th Congress
00:35kayo din sa ikaapat na State of the Nation address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:40Pero bago yan, Dayan, ay isang Thanksgiving Mass niya ang dinaluhan ng mga kongresista.
00:47Bago mag alas 4 ng hapon kahapon, isa-isang nagdating niyan sa Manila Cathedral sa Maynila
00:52ang hindi bababa sa dalawang daang kongresista para mag-isa sa isang Thanksgiving Mass.
00:58Kabilang sa mga dumalo, si na-re-elected late first district representative Martin Romualdez,
01:04Ilocos Norte first district representative Sandro Marcos,
01:07Manila representative Joel Chua,
01:09tingog party list representative Jude Asidre,
01:12at Bicol Saro party list representative Terry Ridon.
01:15Pinangunahan ng misa ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advin Kula.
01:19Ayon kay Asidre, ipinagdasal nila sa misa ang kinabukasan ng 20th Congress.
01:25With all the challenges we're facing, with all the problems that we have to deal with,
01:30it would be a good thing for members of Congress to begin everything with a prayer.
01:35Praying for of course, not only a successful opening, but a really productive year ahead of us.
01:42Handang-handa na raw ang kamara para sa dalawang napakahalagang okasyon,
01:46ang pagbubukas na kanilang sesyon sa umaga,
01:48at ang ikaapat na State of the Nation address naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa hapon.
01:55Sasabag agad sa trabaho ang mga kongresista,
01:58kaya nakalatag na rin ang kanilang mga tatalakain.
02:00Well, very important na mag-focus po talaga tayo sa mga gut issues at this point.
02:04So, mahalaga-mahalaga na pag-usapan po natin yung presyo ng pagkain, presyo ng bigas,
02:09presyo po ng mga batayang mga pangangailangan ng mga kababayan natin.
02:12So, yan po yung isa sa mga talagang tututukan po ng kongresong ito.
02:16Dumaan sa lockdown ang batasan bilang bahagi ng security measures.
02:20Mayroon na rin nakalatag na traffic rerouting plan sa Quezon City.
02:24Daya, ipakita lamang natin yung sitwasyon dito nga sa Batasang Pambansa.
02:30Specifically, nandito tayo sa North Wing Lobby ng Batasang Pambansa,
02:33kung saan marami ang nagpapasok ang bisita kapag sorna at pag mga pagbubukas ng sesyon ng kongreso.
02:40At dyan, sa unang pagkakataon in recent memory ay walang red carpet.
02:46Kaya yung makikita, walang red carpet dito ngayon.
02:48Tariwas doon sa mga nauna, sa mga nakaraang taon na talaga nga,
02:51dyan pa lang sa entrada ay may red carpet na nalakalatag.
02:54Parehas na walang red carpet sa North Wing Lobby at South Wing Lobby dito sa Batasang Pambansa
02:58bilang bahagi ng masimpleng pagdaraos ng okasyon ngayong araw.
03:03At ito nga ay pakikisa sa mga kababayan nating nasa lanta ng sunod-sunod na bagyo at habagat sa bansa.
03:10At dyan, bahagi naman ng protocol sa main lobby ng Batasang Pambansa ay meron pa rin nga red carpet
03:14dahil yan mismo yung pasukan patungo nga Plenary Hall.
03:17Sa ngayon, Dian, ay mahigpit din ang siguridad na pinapairal dito sa Batasang Pambansa
03:22at yung mga kawanin naman ng media ay nakaredy na rin dito para sa ating coverage ngayong araw.
03:27Dian?
03:28Alright, so Mela, compared to the past Sona, mas mahigpit ba yung siguridad na pinatutupad ngayon
03:33sa mga papasok dyan sa Batasang Pambansa?
03:36For instance, yung experience ninyo ng mga member ng media?
03:39Yes, Dian, alam mo, ako personally, ilang taon na rin ako nag-cover ng Sona.
03:44From my personal experience, pagpasok pa lang ay hini-ubra na basta ID lamang ipapakita mo.
03:51Meron pa silang second layer checking at bawat isa ay talagang dumadaan sa x-ray machines
03:57at tinitingnan talaga nila yung mga gamit.
03:59Talagang mas mahigpit kung ating ikukumpara based on personal experience,
04:04mas mahigpit yung siguridad na pinaiirang ngayon dito sa camera, which is a good thing.
04:08Dian, kasi ito ay for security, hindi lamang ng ating mga opisyal ng pamahalaan,
04:13kundi siyempre ng lahat ng nandito ngayon sa Batasang Pambansa.
04:16Dian?
04:17Alright, Mela, anong oras inaasahan magsisidating yung mga members of House Representatives
04:21sa pagpubukas ng 20th Congress?
04:26Dian, ngayong alas 10 kasi ng kumaga, yung opening session ng 20th Congress.
04:31So, as early as 8am or 9am, inaasahan natin na may mga magdadating yan na mga congressista,
04:37lalo pag yung iba sa kanila ay nag-commit din sa mga kawaninang media na sila ay magpapa-interview muna,
04:42mag-ipalalatag nila yung kanilang mga personal priority bills at iba pang isusulong ngayong 20th Congress.
04:47At mamaya naman na yan, pagkatapos nga ng sesyon, dito nga sa camera,
04:53ay mamaya abangan din natin yung joint session, yung SONA.
04:56Nang presidente yan naman ay alas 4 ng hapon.
04:59So, merong bakanting oras, Dian, at mamaya, inaasahan naman natin sa hapon ay mga alas 3 or even 1 to 2pm,
05:06ay magdaratingan na rin yung mga bisita para naman sa SONA ng presidente.
05:10Dian?
05:11Alright, Mela, mga ilan ang inaasahan mga guests or attendees para sa 4th SONA ni Pangulo?
05:15Dian, sa ating, ano, nasa 3,000, kasi bukod sa plenary hall, ay meron pang mga viewing area dito.
05:24Pero, Dian, sa ngayon ay kinukuha natin yung final count.
05:28Dito nga ang mga inaasahan natin ng mga bisita dito nga sa State of the Nation address ng presidente.
05:34Dahil anytime naman, Dian, pwedeng may mga attend, pwedeng mga hindi mga makakadalaw.
05:40Lalo na, Dian, itong mga nakalipas na araw, may mga kongresista na rin na nagsabi
05:44na dahil lubos na naapektuhan ng bagyo yung kanilang mga nasasakupan,
05:49ay posible hindi silang makaluwas o makapunta ng Maynila ngayong araw dito sa Metro Manila.
05:54Pero, Dian, Dian, ay inaabangan pa natin kung ano yung magiging final count nga
05:58at kung sino-sino talaga yung mga makakadalo, lalo na sa SONA ng presidente.
06:03Dian?
06:04Alright, tama, Mela, with the opening of the 20th session,
06:07ay ang pagbote rin sa Speaker of the House of Representatives.
06:10So, ano bang ugong-ugong?
06:11Same leadership, walang changes sa leadership.
06:13Dian sa Kamara, Mela?
06:16Nako, Dian, buti na lamang nabanggit mo.
06:18Isa itong sa mga inaabangan kung sino na yung mga bagong mailulok-luk na leader ng Kamara
06:24at sa mga nakaraang panayam, kahapon lamang, nakapanayam na din natin,
06:29si Tino Portilis Representative Judah Sidre,
06:32ay sinabi nga niya na talagang mukhang set in stone,
06:35set in stone na yung pagiging House Speaker muli
06:39ni Leite First District Representative Martin Romualdez dahil na nasa higit 290 na yung pumirma ng manifesto of support para sa kanya.
06:50Pero, dahil bahagi nga ng proseso yung talagang mag-election sila sa plenario,
06:55yan din yung inaabangan natin ngayon.
06:57Maging Dian, yung iba pang magiging official like House Majority Leader, House Minority Leader
07:03at iba pang mga ilulok-luk na official dito nga sa plenario mamaya.
07:07Yan yung isa sa mga inaabangan natin.
07:09Dian, kasi syempre, kung sino yung mga uupong opisyal ng Kamara,
07:13yan din yung magtatakda kung ano yung magiging direksyon nito nga nga mababang kapulungan ng Kongreso.
07:19Dian?
07:20Maraming salamat sa update. Live po dyan sa Kamara, si Mela Lesmora.
07:24Salamat, Mela.

Recommended