00:00Mga kapusta, nalito pa rin po tayo ngayon sa Batasang Pambansa Complex para sa gaganaping ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, mamaya pong alas 4 ng hapon.
00:12At ito na nga po ang ika-87 State of the Nation Address sa kasaysayan po ng ating bansang Pilipinas.
00:19Sa mga sandali pong ito ay nagdaratingan pa isa-isa yung ilang mga empleyado na mga kongresista, may mga staff na mga kongresista at mga kawani ng Malacanang, may mga nakita na rin po tayo at ilang pang mga kawani ng gobyerno para nga maghanda na at maging maagad dahil nga po talagang may mga ilang mga road closures din pong ipatutupad sa pagpunta o yung daan papunta rito sa Batasang Pambansa.
00:46Mahigpit din po ang siguridad, mahigit 10,000 mga polis ang dineploy na sa loob at labas ng Batasang Pambansa para magbantay sa siguridad at pati na rin sa mga kilos protesta.
00:57Tatlong grupo po ang pinayagan ng mga otoridad na magsagawa ng protesta.
01:01Ito po yung grupong Bayan Muna na magrarally malapit sa St. Peter's Church sa Commonwealth Avenue.
01:06Ang tindig Pilipinas na magpaprotesta naman malapit sa White Plains at ang isang grupo ng mga taga-suporta ng administrasyon na magsasagawa ng aktividad malapit sa Sandigan Bayan sa Commonwealth Avenue.
01:16Bagamat meron tayong informasyon na nakuha na mukhang hindi na nila itutuloy sa pro-admin dahil nga sa sama ng panahon.
01:22Pero mamaya ang tabayanan natin kung magbabago yung isip nila.
01:25Bukod dito may mga isasagawa rin pong kilos protesta sa iba't ibang lugar sa bansa.
01:28At ngayong taon gagawing simple ang SONA dahil nga po sa sunod-sunod na mga sama ng panahon, yung mga bagyo at kalamidad na tumama sa ating bansa.
01:38At bilang pakikiisay, tinoon down po ang usual show of pageantry.
01:43Tinanggal na po yung red carpet dito sa North and South Wing pero sa main lobby mananatili pa rin po yung red carpet.
01:50Bawalang stage ceremonies, fashion coverage o photo setups.
01:53At papayagan lamang ang maikling panayam sa mga dadalo sa SONA alinsunod na rin po sa security at accreditation procedures.
02:01At hinihikayat pa rin ang mga dadalo na magsuot lamang ng tradisyonal na barong o filipiniana at kumaari iwasan na pagsusuot ng mga garbong mga damit.
02:09At aabot naman sa 85 members ng diplomatic corps ang kumpirmadong dadalo ayon sa Department of Foreign Affairs.
02:16Una nang nagsabi si Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ng Pangulo.
02:20At samantala nasa 160 medical personnel naman ang mag-aantabay ngayong araw sa kamera kasama ang 17 ambulansya kabilang naman sa mga inaasang tatalakay ng SONA ng Pangulo ang ilang issue sa ekonomiya at issue ng mga manggagawa.
02:35At speaking of issue ng mga manggagawa, kaugnay niyan mga kapanayan po natin ngayon live ang kalihim ng Department of Labor and Employment na si Secretary Bienvenido Laguesma.
02:47Magandang umaga po sa inyo, Secretary Laguesma, si Maris Poeto at live po tayo ngayon sa unang balita.
02:52Magandang umaga, Maris, at magandang umaga din po sa inyong mga taga-tangkilik at taga-subaybay.
02:57Una po sa lahat, Secretary, ano po ba yung inaasahang issue tungkol sa mga manggagawa o labor and employment na tatalakay ni Pangulong Bombong Marcos?
03:10Yung ipinangako niya nung nakaraang SONA na natupad at di pa natutupad na ngayon ay mukhang tatalakay niya.
03:17Kabilang po sa mga nirekomenda niyo, an po yun?
03:20Kagaya mo, Maris, tayo rin po ay naghihintay na pinal na pahayag ng atin pong Pangulo.
03:26May kinalaman sa usapin na tumatalakay sa mga manggagawa.
03:29At siyempre, bahagi din dyan yung mga namumuhuna.
03:32At siguro, kagaya nung nakaraang SONA ng Pangulo,
03:36nabanggit niya yung kalagayan sa ating labor market o employment rate,
03:40eh naasahan natin na magkakaroon din siya ng pahayag, may kinalaman dyan.
03:44So, balito ulitin ko lang, kagaya mo at kagaya ng ating mga mamamayang Pilipino,
03:49hinihintay natin yung pinal na pahayag ng ating Pangulo mamayang hapon.
03:57Of course, we understand that.
03:59Pero siyempre, bilang kalihim po, pumukuha po ang Pangulo ng mga accomplishments,
04:05eh, ng bawat isa sa mga kagawaran.
04:07At daing pa rin kasi ng mga manggagawa ngayon,
04:10yung napakababang minimum wage para sa mga empleyado, sa mga manggagawa.
04:15At ang inaabangan po nila, yung legislated wage hike.
04:20Posible pa po ba ito o talagang mananatili na lamang sa mga regional tripartite boards
04:24ang bala o ang baraha para umakyat o madagdagan yung kanilang sweldo?
04:31Kagaya ng lagi kong sinasabi, Marisa,
04:35ang mandato o kapangyarihan na magpanukala ng batas nasa lehislatura.
04:41At alam naman po natin na yan po ay kanila rin sigurong isusulong.
04:47Mayroon na tayong nadinig na mga ikangayapahayag na ire-refile o kaya magpapahil ng panibago.
04:53At ang tungkulin po naman ng executive branch, lalo ng Department of Labor and Employment,
04:58magkaloob lamang ng technical inputs at kung sakaling yung panukala ay maging batas,
05:03ipatutupad po natin yan.
05:05At in fairness po sa mga regional tripartite wages and productivity boards,
05:10sila po ay nalikha dahilan din sa batas na isinagawa o pinasa ng ating kongreso.
05:14At ang kanilang tungkulin lamang, may kinalaman sa minimum,
05:19yung pong entry level, hindi po sila tumatalakay doon sa over and above the minimum.
05:24At yan po ay dapat na isinusulong sa pamamagitan ng ugnayan,
05:29ng manggagawa at na mumugunan, sa pamamagitan din ng kanilang munyon.
05:32Kasi kaya nga meron tayong tinatawag na collective bargaining negotiation.
05:36Dapat yung kanilang mga CBA,
05:39magpuprovide ng beneficyo over and above the minimum standards of law,
05:43hindi kagaya nga ng minimum wage.
05:45At yan ay tumatalakay din doon sa kapasidad o kakayaan ng ating mga namumuhuna.
05:54Secretary, kabilang po sa isa sa pinakamalaking anunsyo ni Pangulong Bombo Marcos
05:59ng nakaraang sona ay yung pagbaban sa mga Pogo o yung Philippine Offshore Gaming Operators.
06:06Kumustayin ko lang po yung mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil nga po sa pagban sa Pogo.
06:12Kumusta na sila at nabigyan na po ba ng tulong na magkaroon ng trabaho ang lahat sa kanila?
06:18Pagkatapos po nung pahayag ng ating Pangulong noong karahan taon,
06:22nagsagawa ka agad po ng proyekto o programa ng ating departamento.
06:29Kapahagi po natin yung mga employers po,
06:32yung mga Pogo workers at ng ating tagcore.
06:34At batay po doon sa aking huling nakuhang ulat,
06:39mayigit sa 28,000 mga manggagawa po ang natulungan ng ating departamento.
06:45Kapahagi ang ating mga iba sa pribadong sektor,
06:49iba-ibang klase po ng asistans ang naipagkaloob sa kanila.
06:52Meron pong employment, facilitation, meron pong livelihood, merong training,
06:57meron din naman pong pagtulong upang makakuha po sila ng kanilang mga sertifikasyon
07:03o ika nga yung pagpapatunay na sila ay maayos na manggagawa
07:06upang makakuha sila ng panibagong trabaho.
07:10At tumulong din po tayo sa pagbibigay ng ika nga yung mga asistans,
07:14financial at yung kanila pong mga aplikasyon may ginalaman naman po sa unemployment insurance.
07:19So sa kapang kalahatan po,
07:21yung pong mga pagtulong ay sinagawa po ng dole
07:26at yun nga ay sinabayan din ng mga humigit kumulang lima hanggang anim na job spare
07:31kung saan nakatuon po sa ating mga poog workers.
07:38Alright, Secretary, marami rin po kasi tayo mga kababayan,
07:40mga manggagawa na naapektuhan nung pananalasa ng bagyo,
07:45magkakasunod na bagyo at habagat.
07:47Meron po ba tayong tulong na maibibigay dito sa mga manggagawa na ito
07:52na siyempre hindi muna nakapagtrabaho dahil nga po sa kalamidad at sa mga sakuna?
07:58Pakagaya po ng mga nakaraang panahon kung saan meron po nga nanalasa
08:02o naminsala na weather disturbances, bagyo, pagbaha.
08:07Meron din po nga nakaabang na tulong.
08:10In fact po, nung nakaraang linggo, bagamat po medyo masama ang panahon,
08:13nagsimula na po makipag-ugnaya ng ating mga frontliners,
08:17ang iba-ibang mga regional offices,
08:19kung saan po ay mayroong pinsala,
08:21ay dinulot po yung bagyo at yung ating habagat.
08:25At medyo nagkaroon po ng profiling.
08:28At expectedly, sa pagbuti po ng panahon,
08:31itong linggo na ito,
08:32magsisimula na po ang implementasyon ng ating programa.
08:35Una, may kinalaman po sa pagkakaloob ng temporary emergency employment.
08:39Ikaalawa, yung pagtitingin din po kung paano sila matutulungan in terms of livelihood.
08:44At nang sa ganun naman, ay medyo makaangat ng kaunti.
08:48Magkaroon ng kaunting ginhawa ang ating mga magagawa at kababayan
08:51na napinsala po ng nakaraang mga weather disturbances.
08:54Alright, maganda malaman yung tungkol sa emergency employment na mabibigay po
09:01doon sa mga nawala ng trabaho.
09:02Maraming maraming pong salamat at patuloy po kaming makikibalita sa inyo.
09:06Secretary, bienvenido, Laguesma,
09:09ang kalihim po ng Department of Labor and Employment sa inyong panahon
09:12at of course sa mga informasyong binigay niyo po sa amin ngayong umaga.
09:16Ingat po. God bless.
09:17Maraming maraming salamat din Maris at ingat din po tayo
09:20at ingat din po ang lahat ng magagawa.
09:21Gusto mo bang mauna sa mga balita?
09:25Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
09:27at tumutok sa unang balita.
Comments