00:00Naging isolated naman ang ilang lugar sa Katanduanes matapos ang sunod-sunod na pagkasira ng mga spillway at tulay dahil sa pagulan na dala ng Bagyong Wilma at Sheerline.
00:10Ang detalye sa report ni Juris De La Rosa ng Radyo Pilipinas.
00:16Patuloy na naaapektuhan ang ilang lugar sa Katanduanes dahil sa walang tigil na pagulan, dulot ng Tropical Depression Wilma at ng epekto ng Sheerline.
00:25Sa Verac, naging isolated ang barangay si Mamla matapos tuloy ang maputol ang kanilang box culvert bridge na una pang nasira noong Super Typhoon 1 at ngayon ay mas lumala ang pinsala dahil sa masamang panahon.
00:39Kaya naman ang mga residente at mga motorista na nanawagan ng tulong para sa mas matibay na tulay dahil lubhang delikado ang mga alternatibong ruta na maaari nilang daanan.
00:49Sa parehong bayan, iniulat din ni SK Chairperson Michael Marquez ang pagkasira ng spillway sa barangay Dugituo na ngayon ay delikadong tawiran dahil sa mataas at malakas na agos ng tubig.
01:02Sa San Miguel, naputol ang spillway na naguugnay sa barangay Pagsangahan at mga barangay ng JMA Tukaw, Tobrejon at Kaglatawan.
01:11Bukod sa pahirapan ang pagdawid ng mga residente rito na stranded ang maraming sasakyan at mga pasahero, hindi na rin madaanan ang spillway sa Patagan Santa Elena papuntang Aruyaw Road dahil sa walang tigal na pagulan na una nang nasira noong Bagyong Verbena.
01:29Dahil dito, pitong barangay ang na-isolate, Pakugon, ang Siay, Dayawa, Obo, Patagan Santa Elena, Patagan Salvation at Aruyaw.
01:38Samantala, sa Viga, inireklamo ng mga residente ng barangay Santa Rosa at Almuela ang kanilang mga spillway na palaging umaapaw at nagdudulot ng pagbaha, lalo na tuwing malakas ang ulan.
01:51Patuloy naman ang monitoring ng MDRRMOs at LGUs sa mga apektadong lugar habang nananawagan ang mga residente ng agarang aksyon upang maibalik ang ligtas at normal na daloy ng mga sasakyan sa lalawigan.
02:05Mula sa Katanduanes para sa Integrated State Media, Julie Stella Rosa ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment