00:00Umabot na sa 6.1 million pesos ang naihatid na tulong ng Department of Social Welfare and Development
00:06sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kresing at Habagat sa Ilocos Region.
00:10Alamin natin sa ulat i Chester Trinidad ng PIA Ilocos Region.
00:15Nakapaghatid na ng mahigit 6.1 million na tulong ang DSWD sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kresing at Pinalakas na Habagat sa Ilocos Region.
00:24Sa pinakahuling situational report ng DSWD Field Office 1, nasa 38,532 pamilya o 143,743 individual
00:35ang naaapektuhan sa 418 na mga barangay sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
00:43Samang ito, 80 pamilya o 228 na individual ang nasa 13 evacuation centers
00:48at 11 pamilya o 39 na mga individual ang nakikisilong sa mga kamag-anak o kaibigan.
00:55Ang DSWD naman ay mayroong 85.9 million na halaga ng standby relief resources,
01:01kabilang ang 77,040 family food packs, 15,289 non-food items,
01:07at 3 million na standby funds na maaaring gamitin para sa augmentation nito.
01:12Ayon kay Regional Director Marie Angela Gopalan, nasa 19,000 food packs request na ang natanggap nila
01:19at 9,000 na rito ang naipamahagi sa mga lugar na pinaka-apektado.
01:24So sa ngayon, nasa 19,000 plus food packs ang na-request at ang na-deploy na po natin ay 9,000 and climbing.
01:33Kasi nandyan na po, approved na po yung 19,000 plus, pero ang ating distribution,
01:39either ipipick up ng LGU or dinadala namin sa areas.
01:43Anya, nakaanda ang DSWD na tumugon sa mga pangailangan at patuloy ang koordinasyon sa mga LGU
01:49habang may bata pa ng ulan sa mga susunod na araw.
01:53Mula rito sa La Union para sa Integrated State Media, Chester Trinidad ng Philippine Information Agency.