00:00Sa pagkakataong ito, alamin muna natin ang sitwasyon sa Marikina River.
00:05May report si Vel Custodio.
00:08Vel.
00:11Patrick, mahigit 23,000 na individual o 4,700 na pamilya na
00:17ang nasa evacuation center sa Marikina City sa mga oras na ito.
00:21Kasunod na forced evacuation matapos umabot ng 18 meter o third alarm
00:27ang level 2 Marikina River kagabi.
00:28Dulot pa rin itong tuloy-tuloy na ulan, dala ng southwest monsoon o habagat.
00:34Bagamat bumaba na ang level ng tubig sa Santo Niño Bridge sa 17 meters o second alarm,
00:40marami pa rin pamilya ang piniling manatili sa evacuation center.
00:4436 evacuation centers ang inihanda ng Marikina City Government para sa mga lumikas at malakpang lumikas.
00:51Nananawagan naman ang LGU ng suporta sa publiko para sa donation,
00:55partikular sa pagkain ng mga evacuees.
00:58Samantala, pansamantala lamang pinutol ang supply ng kuryente sa barangay Tumana
01:03bilang pag-iingat sa baha.
01:05Lagi namang may nakapreposition na rescue boats lalo na sa mga low-lying area sa lungsod.
01:11Magdayan lamang sa rescue number 161 o Marikina PIO page.
01:15At yan muna ang update. Balik sa iyo, Jana Patrick.
01:19Okay, patuloy nga po tayong nakaantabay dyan.
01:23Nakatutok sa sitwasyon ng Marikina River dahil kagabi ay nagkaroon ng third alarm
01:28pero based nga po sa report ni Vel Custodio ay umuhupa na po, buwababa na po ulit yung level ng tubig.
01:34So hopefully magtuloy-tuloy po yan at ingat po yung ating mga kababayan dyan po sa Marikina
01:38at sa mga kalapit po na lugar.
01:41Again, maraming salamat. Vel Custodio sa iyong report.